Chapter One

322 5 6
                                    

NANGUNOT ang noo ni Carmina ng ipasok ang kotse sa driveway. Maliwanag sa may bandang hardin at dinig niya ang halakhakan ng mga taong nandoon. Wala naman siyang natatandaang okasyon para magkaroon ng ganoong party.

Yes it's a party indeed! Lahat yata ng mayayaman sa bayang iyon ay dito nagkatipon tipon kung ang pagbabasehan ay ang dami ng mga mamahaling sasakyan na ngayon ay nakapark sa harap ng mansion.

Ano ang okasyon para magpaparty ng ganito sina mama at papa? Ramdam niya hindi lang iyon isang simpleng kasayahan. Pero bakit wala silang nabanggit sa akin tungkol dito? Was it meant to be a surprise kaya hindi siya sinabihan?

But whatever it is, ang gusto niya sa sandaling iyon ay makarating na sa kanyang silid at matulog. Kinabig nya ang manibela pakaliwa, papuntang backyard ng mansion. Wala siyang balak magpakita sa party. Not for anything else, but she's very tired from her three day seminar in Baguio.

She remained seated on the driver's seat as she stopped the car. She sighed wearily and gently massage her nape. For almost five years now, she has managed to run Zaragosa Hotel and Beach Resort successfully.

Carmina Zaragosa, the general manager. Who would have thought na aabot sa ganito. Maging siya ay hindi makapaniwala. It wasn't easy getting if not to the top, but at least to be one of the best first class hotel and beach resort in the archipelago.

There were ups and downs, and to tell the truth, mostly downs, lalo na ang mga unang taon. She almost gave up..she blinked the tears back. Lagi na lamang ba siyang ganito sa tuwing babalikan iyon? It's been a long time ago, she has her own life now. Wala ng saysay pa na balikan iyon.

WALANG nakapansin sa kanya ng pumasok sa backdoor. Palibhasa'y abala ang lahat. Dali dali siyang pumanhik sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag. Pito ang silid sa second floor. Ang masters bedroom na gamit ng mama at papa niya, ang kuwarto niya, apat na guestroom at isa na matagal ng hindi nagagamit, ang kuwartong katapat mismo ng silid niya.

Nakatingin pa rin siya doon ng buksan niya ang pinto ng kanayang kuwarto. Muntik pa niyang mabangga ang mayordoma nilang si Nana Lupe palabas ng silid niya.

"Carmina! Mabuti at nandito ka na, inayos ko ang kuwarto mo dahil alam kong ngayon ang balik mo."

"Kumusta na po Nana? May pasalubong nga po pala ako sa inyo" inabot niya dito ang plastic bag na may lamang sweater na ginantsilyo. Umupo siya sa gilid ng kama paharap kay Nana Lupe.

"Batang ito at nag abala ka pa. Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ng mama't papa mo? Ang alam nila'y kanina ka pa dapat alas siyete, aba'y mag aalas onse na ng gabi."

"Nasiraan po kasi kami sa daan. Tumirik ang kotse ni Ricardo. Ilang oras din kaming naghintay bago nagawa."

Si Ricardo ang kanilang marketing manager na kasama niyang nagseminar. Matagal na itong nanliligaw sa kanya at ilang beses na ring nabasted. Pero pursigido pa rin ito na nakasanayan na niya.

Napamahal na rin sa kanya ang limang taon nitong anak na babae, si Nina. Ang ina ng bata ay iniwan ang kay Ricardo ang sanggol pagkapanganak.

"Ganoon ba? Mukha kang pagod Carmina."

"Oo nga ho, sige po, salamat din nana, maliligo lang po ako at matutulog na rin pagkatapos."

"Pero kailangan mong bumaba hija, hinihintay ka nila doon sa party" sabi ni Nana Lupe.

She frowned. Hinihintay siya sa party? How come hindi siya sinabihan kung talagang kailangang nandoon siya.

"Sige ho nana, bababa din ako maya maya, I'll just take a shower."

Walang Ibang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon