NAALIMPUNGATAN siya dahil may narinig siyang tila sumigaw. She half opened her eyes lazily, bahagyang bahagya lang niyang binuksan ang mga mata dahil antok na antok pa siya. At masakit ang katawan niya na tila may nakadagan sa kanya. She closed her eyes again. Talagang inaantok pa siya.
Nang tangka niyang alisin ang kung anumang mabigat na bagay na iyon na nakadagan sa kanya ay hindi niya iyon maalis alis. Napakabigat niyon, hindi iyon unan alam niya, because it was something solid, hard and warm! Nanlaki ang mga mata niya nang pagmulat niya ay may binting nakadagan sa mga binti niya payakap and it was a man's legs at..at nakayakap ito sa kanya at ganoon na lamang ang panghihilakbot niya ng matantong pareho silang hubad! At ng mapatingin siya sa mukha ng lalake ay napasinghap siya ng malakas. Jamir!
Diyos ko po, paanong nangyari ito? Ang huli kong natatandaan ay nadulas ako at nauntog...at pagkatapos ay hindi na niya alam...
Sinikap niyang kumawala pero mahigpit ang yakap nito sa kanya at hindi man lang ito nagising. At dahil sa paggalaw niyang iyon ay nalilis ang kumot at nahantad ang mga dibdib niya. Someone groaned out aloud because of that, it sounded like a groan from someone who is deeply wounded. Kasunod niyon ay narinig niyang nagmura ito, at gusto niyang panawan ng ulirat ng makita kung sino iyon...si Justine! Nasa tabi ito ng pinto. Agad niyang nahila ang kumot patakip sa dibdib niya.
Oh God, this is just a dream! Tumingin siya sa mga mata ni Justine, at kahit ilang hakbang pa mula sa pinto ay kitang kita niya ang pagkasindak sa mukha nito, na parang hindi nito mapaniwalaan ang nakikita.
She looked at him beggingly, nagpapaunawa na intindihin siya but Justine's eyes were full of hatred and betrayal and anger and of hurt...napapikit siya and tears fell, hindi niya kayang makita si Justine sa ganoong anyo, mas okay pa siguro kung nagsisigaw ito sa galit mas matatanggap pa niya.. pero ito..his silence is slowly killing her...
"Carmina..." napatingin siya sa mama ng binata na hindi niya napansin na nasa sofa pala at tila labis na nanlumo sa nakita.
"Mama" nanginginig ang boses niyang sabi.
Noon naman nagising si Jamir. Napabalikwas ito ng bangon ng makitang nakayakap siya kay Carmina at pareho silang hubad! At lalo siyang nagulat ng makita ang mama niya at si Justine!
"Sonofabitch!" nagmumurang sabi ni Jamir. Napaupo ito sapo ang ulo. His head is aching so bad, tila iyon sasabog sa sobrang sakit. Sinisikap alalahanin ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang huli niyang natatandaan ay umuwi siyang lasing na lasing at umuulan at sinalubong siya ni Carmina...
Si Carmina na bumangon din paupo ay umiiyak na hinila ang kumot upang takpan ang kahubdan, nagalaw kasi iyon sa pagkakaupo ni Jamir. Si Jamir naman ay kinuha ang malaking unan upang takpan ang sarili.
"Ano itong ginawa mo Carmina?!" galit niyang sigaw sa dalaga.
Ni hindi niya magawang tumingin kay Jamir, galit na galit ito, kung puwede lang siguro siya nitong pagbuhatan ng kamay ay ginawa na nito sa sobrang galit. Parang ang gusto na lamang niya ay maglaho sa mga sandaling iyon.
Nang hindi siya sumagot ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at niyugyog siya. Siya naman ay sinikap kipkipin ang kumot para hindi iyon humulagpos sa hubad niyang katawan.
"Sumagot ka!" humihiyaw sa galit na sabi ni Jamir.
Puno ng takot ang mga mata na tumunghay siya kay Jamir. Paano ba niya sasabihin dito na tinangka lang naman niya itong bihisan para hindi magkasakit at pagkatapos ay nadulas siya at nauntog at nawalan ng malay.
"Sumagot ka!" dumadagundong sa galit nitong ulit.
"Bumaba ako kahit umuulan dahil may narinig akong dumating, bitbit ang payong ay sinalubong ko ang dumating at ikaw pala iyon, lasing na lasing ka at basang basa, hindi ko maatim na matulog ka ng basa ang damit at baka ka magkasakit, kaya..kaya hinubaran kita, tapos naligo na lang ako dito sa silid mo dahil nabasa din ako ng ulan at nagtapis lang ng tuwalya at bago kita bihisan ay magbibihis muna sana ako sa silid ko, pero narinig kitang may sinasabi at umiiyak ka kahit nakapikit, tila nag away kayo ng nobya mo at sa panaginip mo ay nagmamakaawa kang huwag ka niyang iwan, nang lumapit ako ay nadulas ako dahil sa basang sahig, nauntog ako sa headboard ng kama at nahilo..at after noon wala na akong matandaan.." her voice quivering.
BINABASA MO ANG
Walang Ibang Ikaw
RomanceHalos lumaki si Carmina sa tahanan ng mga Zaragosa kung saan katulong ang nanay niya. Dalawa ang anak ng mag asawang Zaragosa, Jamir and Justine. Two years lang ang tanda ni Justine sa kanya kaya malapit siya dito samantalang si Jamir ay malayo sa...