Chapter Three

138 1 0
                                    

SA loob ng kotse ni Justine ay hindi siya mapalagay. Para kasing ang sikip sa loob niyon sa presence ng binata, at ang dibdib niya ay tila may tumatambol. Ang tagal pati bago niya nailagay ang seatbelt dahil nanginginig ang mga kamay niya, ninenerbiyos siyang hindi mawari.

Bakit ganoon, dati naman siyang nakakasakay noon sa passenger seat at ang binata ang nagdadrive pero wala lang sa kanya, hindi kagaya ngayon na natetense siya. Noon iyon dahil hindi mo pa noon narerealize na gusto mo pala siya, na noong umalis ito ay hinahanap hanap mo siya...

Being this close with him, being at the passenger seat with him, brings a lot of emotions in her. Seeing his very good looking side profile fills her heart. Which is too much dahil kung siya ay tensiyonado, ito naman ay napaka kalmado, na tila balewala dito na naroon siya.

Mabuti na lang at focus ito sa pagmamaneho at hindi nagbubukas ng usapan, kundi ay baka mahalata nito na hindi siya mapakali. Nabigla siya ng mapatingin sa dinadaanan sila, hindi sila pauwi ng mansion!

"Saan tayo pupunta?" hindi niya naitago ang tension sa boses niya.

"Relax ka lang sweetheart, it's past eight pm kaya kakain muna tayo, at pumirmi ka nga ng upo para kang sinisilihan diyan!" naaamuse nitong sabi. Hindi siya sinusulyapan nito ng sumagot pero nakita niya na tumaas ang sulok ng bibig nito sa isang nakakalokong ngiti!

Namumulang hinamig niya ang sarili, yung lagay pala na iyon, na kahit hindi sina nito tinatapunan ng tingin at tutok ito sa pagmamaneho ay napansin pa nito ang pagka tense niya!

"Pero puwede namang sa bahay na lang tayo kumain" sinikap niyang maging kaswal, kainis talaga ang lalakeng ito ang daming napapansin!

"Carmina, kakain lang tayo sa labas so don't make a big deal out of it okay, at may pupuntahan pa tayo pagkatapos " saglit siya nitong sinulyapan and for a moment ay natigagal siya. Paano kasi'y tila siya natunaw sa tingin na iyon ng binata, isang tingin lang nito ay sapat na para tumiklop lahat ng sistema niya.

At may pupuntahan pa pagkatapos! She almost rolled her eyes. Gusto na niyang umuwi dahil sa totoo lang ay napagod siya sa daming utos ng binata bukod pa sa personal stress niya dito. Maghapon siyang alerto at tensiyonado kanina sa office sa presensiya nito kaya siguro parang nagka cramps ngayon ang mga muscles niya.

Nang nasa restaurant na sila sa loob ng mall na iyon sa bayan ay ang binata na ang umorder, hindi na siya nito tinanong. She looked around her, isa iyong mamahaling Italian restaurant. And with cande light dinner pa, mukha tuloy silang magkasintahan na nagdedate! Nag init ang pisngi niya sa naisip.

"Lagi ka ba talagang ganyan?" nagulat siya sa tanong ng binata.

"Laging ano?" nagtatakang sabi niya.

"You always blush when I'm around sweetheart" may panunudyo sa matang sabi nito.

Napamaang siya.

"Na-natural mamula mula ang pisngi ko dahil sa blush on no" pagkakaila niya. Bigla siyang pinawisan kahit malamig sa restaurant.

"Hmm parang hindi dahil doon, iba e" hindi kumbinsidong sabi ng binata. Ang amusement sa mata nito ay hindi nawawala.

"Yun lang yun no, ano bang sinasabi mo, na naaapektuhan ako kapag katabi kita?!" gosh, bakit ba iyon ang nasabi niya! Lagot! Lalo siya nitong bubuskahin ng binata!

"Ikaw ang na ang nagsabi!" isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata. Ang mata ay punong puno ng pagkaaliw.

Naiiritang inirapan niya ito.

Mabuti na lang at naagaw ang atensyon nila ng dumating na ang pagkain. Masarap lahat ng inorder ng binata at nabusog siya. Hindi naman na ito ulit nang asar, mga casual topics lang ang napag usapan nila. Pagkalabas ng restaurant ay sumusunod lang siya sa paglalakad ng binata, umaagapay lang siya sa lakad nito dahil sabi nito may pupuntahan pa sila.

Walang Ibang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon