DUMADAAN ang mga araw ng normal, gumigising siya sa umaga, pumapasok sa opisina, umuuwi ng bahay, kumakain, natutulog at pagkatapos ay gigising ulit at ganoon na naman ulit. Lahat ng iyon ay ginagawa niya pero tila siya robot. Kumikilos lang pero walang pakiramdam, o pinili niyang huwag magkaroon ng pakiramdam at pinamanhid na lang niya ang puso niya.
Tapos na rin ang pagpapanggap nilang magkasintahan ni Ricardo, ikakasal na ito sa susunod na buwan at natutuwa siya para sa kaibigan. Napansin din ng mga kasamahan nila sa opisina na hindi na sila sweet ni Ricardo, kaya inisip ng mga ito na "break" na nga sila. Mas mabuti na nga iyon, dahil hindi na niya kayang magpanggap. Kapag may mga nagtatanong ay sinasabi na nga niyang break na sila.
Wala na rin siyang pakialam kung pansinin man siya o hindi ni Justine, manhid na siya, wala na siyang maramdaman, hindi na siya nasasaktan at hindi na rin siya sumasaya. May isang buwan na mula ng mangyari yung sa Baguio pero ni hindi na nagbago ang pakikitungo ng binata sa kanya. Wala na itong pakialam sa kanya, puro na lamang tungkol sa trabaho ang may relasyon sila, boss and employee, kaya ganoon na din ang ginawa niya.
Kapag nakikita niya sa opisina si Ellaine ay hindi na rin niya pinapansin. Dahil wala na, wala na ni isang pakiramdam ang natira sa kanya.
Itinuon na lamang niya ang buong atensyon niya sa trabaho. Pinapagod niya ang sarili para pag uwi sa bahay ay wala na siyang panahong makapag isip pa ng ibang bagay. Nag oovertime din siya palagi para mas maging abala at okupado siya, maging ang mga out of town meetings ay dinadaluhan niya kahit na minsan ay hindi na kailangan.
Anopa't lalong tumaas ang kita ng hotel at naging maganda ang performance. Na ikinatuwa ni Justine, in fairness sa binata ay nirecognize nito ang mga efforts niya at ang bawat department heads and their staff, kundi man binibigyan sila ng awards ay may mga incentives at bonuses sila.
Pero minsan kahit yata anong gawin mong maganda sa trabaho ay may dumarating na pagkakataon na masusubukan ka.
Nagulat pa siya ng makatanggap ng tawag sa sekretarya ni Justine na si Mrs Santos na pinapatawag siya nito sa board room. Hindi niya alam na may meeting ngayon, kadarating lang din niya sa office at hindi naman siya late, it's five minutes before eight. Ang aga namang meeting nito kung sakali.
Nagtaka siya ng pagpasok niya ng boardroom ay nandoon na lahat ng department managers maging si Ricardo, seryoso lahat ng mga mukha kundi man nakayuko ang iba na tila nalugi. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Ricardo, isang may simpatiyang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Siya na lang pala ang hinihintay dahil kumpleto na lahat ng attendance. How come hindi siya nasabihan beforehand, ngayong umaga lang ba ito nagpatawag ng emergency meeting?
Umupo na rin siya sa katapat na dulong upuan ni Justine. Nang tingnan niya ang binata ay seryoso at pormal ang mukha nito.
"About our Davao construction of our third branch, have you all been aware na kaya pala hindi matapos tapos ang construction, is that someone is stealing at our backs?" galit na simula ng binata. He is not looking anyone in particular. Pero bakit pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan? Dahil bilang General Manager, dapat ay siya ang unang makaalam na may anomalyang nangyayari sa Engineering Department na under pa rin sa kanya.
Nilinga niya ang lahat ng nandoon at noon lang niya napansin na wala si Mr Ruben Austria na siyang manager ng Engineering Department. Last month ay kinumusta niya dito ang construction ng Davao Branch, nagbigay naman ito ng report sa kanya, tiningnan naman niya iyon, pero dahil siguro tiwala siya at matagal ng empleyado si Mr Austria, ay hindi na niya napagtuunan ng pansin na may anomalya na palang nangyayari.
Napatingin siya kay Justine. Did he fire Mr Austria kaya ba wala ito ngayon? Nasagot naman ang tanong niya sa sumunod nitong sinabi.
"Hindi ako mangingiming magtanggal ng kahit na sino na gumagawa ng kabalastugan o anumang kapabayaan sa kumpanya. I won't tolerate any negligence kahit ano pa mang kadahilanan, kung may pinagdadaanan kayo, fine with me, but make sure hindi ito makakaapekto sa trabaho ninyo, hindi yang nariyan nga kayo pero para kayong robot na kumikilos lang dahil iyon ang dapat ikilos, na sa sobrang kasipagan ninyo ay akala ninyo nagagawa niyo na lahat ng trabaho ninyo pero hindi niyo pala alam ay may napapabayaan na kayo! Do I make myself clear?" his jaw clenching sa galit nito.
BINABASA MO ANG
Walang Ibang Ikaw
RomanceHalos lumaki si Carmina sa tahanan ng mga Zaragosa kung saan katulong ang nanay niya. Dalawa ang anak ng mag asawang Zaragosa, Jamir and Justine. Two years lang ang tanda ni Justine sa kanya kaya malapit siya dito samantalang si Jamir ay malayo sa...