MULA nga noon ay inumpisahan na niyang iwasan ang binata. Nakatulong na nakabalik na siya sa office niya dahil lesser ang chance na makita niya ito maghapon. Sa umaga kapag sa bahay ay walang problema dahil maaga talagang umaalis ang binata kaya hindi na sila nagpapang abot. Kapag uwian naman ay sinasadya niyang mag stay ng lagpas sa alas singko para maiwasan na makasabay niya ito sa hallway, sa elevator o sa parking lot.
Kapag sabado naman ay lagi siyang lumalabas ng bahay. Nakikipag meet sa mga friends niya at minsan ay dumadalaw din siya sa anak ni Ricardo na si Nina. Lahat ginagawa niya para makaiwas sa binata. Natutuwa naman ang mama niya dahil at last daw nakikipag socialize siya. Kapag linggo ay maaga siyang nagsisimba at pagkatapos ay dumidiretso na sa mall at doon na lang naglalunch, babalik na lang siya ng bandang hapon at kapag dinner ay nagdadahilan na busog para hindi makasabay ang binata sa dinner.
Pero may time din naman na sumasabay siya sa breakfast o dinner, baka naman kasi magtaka ang mama't papa niya sa ikinikilos niya, hindi na lamang niya sinusulyapan ang binata na sa katapat na upuan niya nakaupo. Kapag nag uusap ang mga ito ay sumasali din naman siya paminsan minsan para hindi pa rin mahalata ang pag iwas niya kay Justine pero pinananatili pa rin niyang huwag itong gaanong tingnan, half sulyap lang lagi ang ginagawa niyang tingin dito, baka naman kasi mapansin nito na hindi siya makatingin sa mata nito.
Kapag may kailangan ito sa kanya, as much as possible ay sa telepono na lang niya ineexplain, and she makes it a point that she does it in the most professional manner. Kapag hindi maiwasan na kailangang naroon siya sa office nito kapag may itinatanong ito na kailangan ang personal presence niya ay inaalis niya ang suot na contact lens para hindi niya ito gaanong makita, para blurred ang pagkakita niya sa guwapong mukha nito. Malabo kasi ang mata niya, nasa five hundred ang grado ng mata niya.
Kapag may meeting sila ay sinisikap niyang huwag mapatingin sa binata kung di rin lang kailangan at kung hindi naman siya nito tinatanong. Kapag ito ang nagsasalita sa meeting ay kunwa siyang nakikinig at nagsusulat ng notes o kaya ay lagpas lagpasan ang tingin niya kundi man sa mesa siya nakatingin.
Kapag naman hindi sinasadyang nakakasalubong niya ito sa hallway ay nagkukunwari siyang may inaayos sa damit niya o kaya ay sa dingding lang siya tumitingin o sa sahig. Kapag lunch ay wala naman siyang problema dahil hindi naman kumakain sa employees canteen ang binata kaya malayong magkakitaan sila doon.
For almost two months now ay matagumpay niyang nagagawang iwasan ang binata. Hindi niya alam kung napapansin nito pero iyon lang kasi ang alam niyang paraan para huwag lalong mahulog dito. Pero kanina habang naghihintay siyang bumukas ang elevator para bumaba ng employees canteen dahil nauna ng naglunch si Ricardo kanina dahil may meeting ito sa labas, ay nagulat siya ng pagbukas niyon ay magtama ang mata nila ni Justine.
At humapdi hindi lang ang mata niya kundi pati ang puso niya dahil nakaakbay ito sa napakaganda at seksing si Ellaine. At ang mga kamay ng babae ay nakapulupot sa baywang ng binata. Agad niyang iniwas ang mata at tumingin sa sahig, ng makalabas ang mga ito ay hindi niya napigilang habulin ng tingin ang binata. Nagtatawanan ang mga ito at ang mga kamay ng binata ay nakayakap din sa babae possessively!
"Mam, sasakay po ba kayo?" ang magalang na tanong ng maintenance staff na nakasakay din sa elevator.
Noon lang niya napansin na ilang segundo na pala siyang tila tulalang nakatayo lang sa tapat ng pinto ng elevator.
"Yes, thank you" pilit ang ngiting sabi niya sa staff. Nanghihinang napasandal siya sa dingding ng elevator. Sa isang ganoong tagpo lang, all of her efforts went in vain. Wala na, back to zero na naman siya. Paano ba niyang naisip na sa simpleng pag iwas lang dito ay magagawa niyang maiwala ang pagmamahal niya dito?
BINABASA MO ANG
Walang Ibang Ikaw
RomanceHalos lumaki si Carmina sa tahanan ng mga Zaragosa kung saan katulong ang nanay niya. Dalawa ang anak ng mag asawang Zaragosa, Jamir and Justine. Two years lang ang tanda ni Justine sa kanya kaya malapit siya dito samantalang si Jamir ay malayo sa...