Chapter Eight

106 2 0
                                    

ALAS KUWATRO pa lang ng umaga ay gising na si Carmina. Alas siyete ng umaga ang flight nila papuntang Cebu para sa teambuilding nila. Mula Concepcion papuntang airport ay dalawang oras. Kailangan nilang umalis ng bahay ng bago mag alas singko. At meron na lamang silang isang oras ni Justine.

Kagabi ay niready na niya ang mga dadalhin. Maliligo na lamang siya at magbibihis. Ihahatid sila ni Mang Nestor sa airport. Pero nakapaligo na siya at lahat ay hindi pa niya naririnig si Justine na lumabas ng silid nito. Tulog pa ba ito? Pero malelate sila kung hindi niya ito gigisingin.

Lumabas siya ng silid niya at kumatok sa katapat nitong silid. Nakakalimang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Pinihit niya ang seradura at bumukas iyon. Hindi na niya gaanong binigyang pansin ang malakas na tibok ng dibdib niya sa pagpasok na iyon sa silid ng binata. Hinamig niya ang sarili. Hindi siya dapat kabahan dahil gigisingin lang naman niya ito at baka malate sila sa flight nila.

"Justine?" sabi niya at binuksan niya ang ilaw sa may dingding. Wala kasing bukas na lampshade kaya madilim. Nilapitan niya ito upang gisingin na ngunit napatda siya sa nakita. Napasinghap siya ng malakas, he was..he was only in his briefs! Namumulang binawi niya ang tingin mula sa ibabang bahagi ng katawan nito. Pero ang matipunong katawan, six pack abs, malapad na dibdib at balikat at ang makapigil hiningang biceps ang nadaanan naman ng mga mata niya. Bigla siyang nainitan kahit bagong paligo siya.

Itinuon niya ang tingin sa guwapong mukha nito and she was even more stunned. All the harshness on his handsome face are gone, ang naroon ay isang maamong mukha. Mula sa magulong buhok na may mga ilang hiblang nangalaglag sa noo nito, naroon ang pagnanais niyang hawiin ang mga iyon, sa makapal na kilay, mga matang may makapal na pilik at alam niyang sa likod ng mga pilik na iyon ay ang mga mata nitong kulay tsokolate na tuwina'y nagpapalakas ng tibok ng dibdib niya sa tuwing siya'y tititigan, sa matangos na ilong at mga labing manipis na tila kaysarap mahalikan! Ipinilig niya ang ulo.

For pete's sake Carmina, stop that, pinagnanasaan mo ang brother in law mo! Pero mahal mo siya, natural lang na pagnasaan mo ang taong mahal mo! Katwiran ng kabilang isip niya. Pero masagwa pa rin, kahit na patay na ang kapatid niya na naging asawa mo ay pangit pa ring tingnan. Kaya habang maaga pa ay putulin mo na yang kahibangan mo!

Muling bumalik ang kirot sa dibdib niya sa naisip. Hibang na nga siguro siya. Bakit ba lagi niyang nakakalimutan na walang tsansang maging sila ni Justine? Nagplano plano pa siya kung paano ito aakitin sa teambuilding at outing nila. She even bought sexy outfits and swimsuits! Nakakahiya pa kung may makaalam ng binabalak niya.

Muli niyang sinulyapan ang guwapong mukha nito. Kailangan na niyang tanggapin na matagal na niya itong naiwala. May namuong luha sa mga mata niya. Seven years of hurting? Did she survive? Yes, but barely. Another seven years? Or the next fifty years of her life? Will she survive that? Will she be able to live with that? She don't know.. maybe, just maybe...

"Justine" niyugyog na niya ang natutulog na binata. Malelate na sila kung hindi pa niya ito gigisingin.

"Ano ba, male late na tayo" nag galit galitan na siya. Pero sa malas ay hindi ito magising gising. Lumapit pa siyang lalo dito at muli itong niyugyog, at sa pagkagulat niya ay nahila nito ang kamay niya at dahil napalakas ang hila nito ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa ibabaw nito!

Dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakakilos at lalong lumakas ang tambol sa dibdib niya ng pumaikot ang mga kamay nito sa baywang niya at hapitin pa siyang lalo. His face only inches away from hers. Akala niya ay gising na ito pero mukhang tulog at nananaginip dahil nagsasalita pa ito.

"Oh sweetheart, this feels so right...please kiss me..." ang nakapikit pa rin nitong sabi. Natigil ang tangka niyang pag alis sa ibabaw nito at napatingin sa mapula at manipis nitong mga labi. Napalunok siya. Gising na ba ito? Pero hindi, mukhang tulog na nananaginip, but he said, sweetheart, at siya lang naman ang tinatawag nito ng ganoon. Siya ba ang napapanaginipan nito?

Walang Ibang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon