Chapter Seven

124 2 0
                                    

HINDI niya naitago ang pamamaga ng mga mata niya pagpasok niya ng opisina kinabukasan. Suot ang ternong blouse and skirt na binili ni Justine ay tinernuhan niya iyon ng dark shades para itago ang mga mata.

Napapalingon naman ang bawat masalubong niya lalo na ang mga kalalakihan, she walks full of beauty, class and confidence.

Si Ricardo na galing sa pantry ng office ng makita siya ay napasipol.

"My God Carmina, kung araw araw kang ganyan kaganda ay hindi ako makakapag concentrate sa trabaho! You're a knockdown with that shades honey!" humahangang hinagod siya nito ng tingin.

Nginitian lang niya ito at tuloy ng lumakad papunta sa president's office. Nagtataka naman ito na sumunod sa kanya.

"Hey, may problem ka ba honey?" umagapay ito sa paglalakad niya.

"Wala naman" matamlay niyang sagot. Wala siya sa mood makipagbiruan ngayon.

Nasa tapat na siya ng president's office.

"Bakit diyan ka dumiretso at hindi sa office mo, wala pa naman si Boss, hindi pa siya dumating" sabi ni Ricardo.

"Dito muna kasi ako pina pag office ni Justine, marami kasi kaming trabahong for turnover"maikling paliwanag niya at pumasok na sa office.

Nagtataka naman si Ricardo na napailing sa ikinikilos niya.

Siya na ang nagbukas ng ilaw ng opisina ng binata. So wala pa pala ito, it's five minutes before eight. Alam niyang particular ito sa oras, kahit nga noong nag aaral pa ito, at kapag may lakad sila ay nagagalit ito sa kanya kapag nalelate siya. Kaya nakakapagtakang malelate ito sa pagpasok. Unless kung hindi talaga ito papasok.

Patamad niyang binuksan ang pc at nagsimula ng magtrabaho. Pilit niyang inignora ang kirot sa dibdib niya, mag aalas nuwebe na ay wala pa ang binata. Malamang ay napagod ito ng husto kagabi sa piling ng babaeng iyon! Kaya ngayon ay hindi nakapasok!

Nang lunchtime na ay sa pantry ng office na lang siya ng binata kumain, nagbaon kasi siya, ayaw din niyang bumaba ng canteen, tinatamad siya at wala muna siyang ganang makihalubilo. Tinawagan pa siya kanina ni Ricardo para yayaing maglunch pero magalang niya iyong tinanggihan at sinabing may baon siya.

Kaunti lang ang nakain niya sa baon na pagkain kahit na masasarap ang mga iyon. At muli ay tila siya robot na bumalik sa ginagawa. Maraming trabaho kaya naging busy siya sa maghapon, ng sumapit ang alas singko ay agad na siyang nagligpit ng mga gamit.

Habang sakay ng dating kotse niya, dahil ang bagong bmw niya ay nasa casa at for repair, ay hindi niya mapigilang mapahikbi. Wala na ba talaga ni katiting na pagpapahalaga si Justine sa kanya? Ni hindi man lang ito tumawag sa maghapon, ni ha, ni ho, ay wala. Ano ba naman yung tawagan siya nito at sabihing hindi makakapasok, bilang inassign nitong temporary secretary ay dapat siya nitong tinawagan para malaman niya kung bakit wala ito. Para kapag may tumawag ay alam niya ang isasagot niya.

Kanina ay may mga business partners na tumawag at naghahanap sa binata, nag alibay na lang siya na may emergency ito kaya hindi nakapasok. Siya na lamang ang nakipagtransact sa kailangan ng mga ito.

Samantalang sa Ellaine na iyon, kahit hindi makapasok ng opisina ay pupuntahan nito, ganoon ba kahalaga sa buhay nito ang babaeng iyon? Mabigat ang dibdib na dumiretso siya sa silid niya pagdating ng bahay.

Nang tawagin siya ni Nana Lupe for dinner ay nagsabi siyang busog pa. Wala siyang ganang kumilos o gumalaw. Ang gusto lang niya ay magmukmok at umiyak.

Mag aalas dose na ng gabi ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi pa rin kasi umuuwi si Justine. Hindi na nga umuwi kagabi mukhang gagabihin pa ngayon, kulang na lang ay tumira sa bahay ng babaeng iyon!

Walang Ibang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon