Eira ano ba! mapapahamak ka sa ginagawa mo! pigil na sigaw sa akin ng kaibigan ko, pero hindi ko ito pinakinggan, hindi importante sa akin ang sarili ko ngayon.
Alam mo sa sarili mo na hindi mo siya pwedeng hawakan! paano kung...?!
Hindi ko kayang hayaan lang siyang ganto! kailangan na may gawin ako! Iyak ko sigaw sakanya nanginginig ang naka yukom kong kamay habang tinititigan ang malumanay niyang mukha.
Wala tayong magagawa kung ganyan ang gusto niyang mangyari! desisyon nya iyan Eira. Pagpapaintindi ni Airah sa akin.
Hindi, hindi ako makapapayag. unti unti kong inilapit sa kanyang mukha ang aking kamay...
.
.
.
.
Eira!!! napa balikwas ako sa kama ng marinig ko ang nakakarinding sigaw ng aking kaibigan. tinignan ko lamang siya ng masama at bumangon na sa aking kama.
Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka! lintek kang babae ka malelate tayo sa ginagawa mo! sermon niya sa akin nang makabalik siya sa pag aayos ng kanyang mukha. magkasama kami sa isang condo. yeh condo, mayaman kasi ang pamilya ng kaibigan ko kaya ayan. at ako? syempre sampid lang. Siya nga pala si Airah Maden.
Mag almusal ka muna babae, nagluto ako ng sandwich sa lamesa. Anas nanaman niya. kelan pa naluluto ang tinapay? tsk. hindi ko na lamang siya kinibo, hindi ako morning talker at alam ni airah yon at saka sanay na siya kaya dada lang siya ng dada. nagkatitigan kami at agad naman siyang umiwas. kaya naman napangisi ako.
Yan ka nanaman! hinuhukay mo nanaman yung memorya ko! tinignan ko na lamang siya ng nakakaloko
Nakipag s*x ka nanaman sa teacher nayon. normal kong anas sakanya. kaya naman napasabunot na lamang siya sa sarili niya. Sanay na ako sa ganung bagay lalo na sa kanya. patay na patay kasi siya sa teacher nayon. Bata pa namn wag kayo mag alala saka gwapo kasi.
pwede ba wag kang makipag mata sakin! nakakainis ka eira! parang bata na atungal niya sa akin
Nagkataon lang at saka wala akong balak tignan ka sa mata dahil sanay na ako sa mga nakikita ko sayo.
Hmph! tara na nga! anas niya at sumunod nalang ako. kung iniisip nyo na mayroon akong kapangyarihan. well di rin ako sigurado kung yun nga ito. dahil wala na akong ibang nakikita kundi ang memorya ng bawat tao na nakakatitigan ko. masalimuot man o masaya. Ako nga pala si Eira Aster, isang indibidwal na may natatanging kakayahan.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionA girl who's living independently and peacefully, had a supernatural powers that can be an advantage to get the justice that all people wanted. But then having it will bring only danger to her.