Chapter 1

14 0 0
                                    


Pagkarating namin sa parking lot ay dumiretso na kami papasok ng school gate. At syempre agaw eksena nanaman. dahil etong kasama ko masyadong uhaw sa atensyon kaya naman habang naglalakad kami papasok ay may nakasunod na mga body guards sa amin. at alam niyo kung ano dahilan ng babae na kasama ko? well anak mayaman daw kasi siya kaya posibleng  nasa peligro ang buhay niya. nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng may estudyanteng humatak sa kamay ko. 

Eira tulong, kailangan ko ang tulong mo. mangiyak ngiyak na bungad sa akin ng ka school mate ko. tinignan ko lamang siya. seriously? kakapasok ko lang kaya. nagulat ang mga estudyante sa paligid ng itulak ng mga body guard ang babaeng humawak sa akin. 

Anong karapatan mong hawakan si eira ha babae?! anong kailngan mo sa kapatid ko? Angis ng katabi ko na agaw atensyon. hinawakan ko nalang siya at inilingan. 

Bitawan niyo siya. Anas ko sa mga body guard ni Airah at tinulungan ang babae na tumayo. 11am, Abandon Building. Simpleng bulong ko sakanya at lumayo na. pasimple naman siyang tumango tinignan na lamang ako . Masamang tingin ang ibinato sakanya ni airah at nag iwas tingin na lamang ang babae.

Tara na. pag aaya ko at nauna nang maglakad sakanila 

Hindi ko alam kung anong lakas ng loob meron ka para hawakan si eira ng ganon. Hindi pa tayo tapos. Angis nanaman ni Airah at di kalaunan ay sumunod narin sa akin sa paglalakad. 

Kilala mo ba iyon Eira? nagtatakang tanong niya sa akin.

Alam mo na ang sagot sa bagay na iyan. sabi ko na lamang 

Eh bakit siya nagmama ka awa sa iyo? at bakit ka niya hinawakan? may tinatago kaba sa akin ha eira? 

Tigilan mo ang mga kahibangang pumapasok sa kokote mo. sabi ko na lamang at mas binilisang maglakad bago pa siya dumada ulit. 

Tsk ako nga hindi ka mahawakan o mayakap man lang tapos yung babae nayun hmp! Isip batang atungal niya nanaman, hindi ko na lamang pinansin at kinuha ang alcohol sa aking bag. Nang makarating kami sa classrom ay sakto namang pasok din ng aming prof. 

GoodMorning class before we start our discussion. You have new classmates. come in and introduce yourselves. bungad ng aming prof. At pumasok na nga ang mga new students. napaub ob na lamang ako sa aking lamesa dahil wala akong interes sa kanila. 

Hello everyone I'm Ezekiel Adens. 19yrs old Let's be all friends. Pag katapos niyang magpakilala ay nagsigawan ang mga kaklase naming babae. kasama na dun ang magaling kong kaibigan.

Louise Clinton. Maikling pag papakilala ng isa pang lalaki. umayos na ako ng upo dahil tapos na sila magpakilala  pero sa hindi inaasang pagkakataon nag tama ang mata naming dalawa. nakaramdam ako ng kakaiba sa maikling oras na iyon  kaya naman agad ako nag iwas ng tingin. naupo na sila at Nagtuloy tuloy na ang daloy ng klase. napatingin ako sa dalawang bagong dating. wala akong paki alam kung sino sila, pero ramdam ko na may pakay sila dito. imposibleng gusto lang nila na lumipat. Dahil kalagitnaan na ngayon ng semestre. nang maramdaman kong magvibrate ang relo ko ay.. 

Sir excuse me. I need to go out.   pag puputol ko sa discussion. tinignan lamang ako saglit ng prof at tumango na lamang. 

bastos na bata. nakangising  bulong nung bagong estudyante habang nakatingin sa akin.  umirap na lamang ako at lumabas na ng silid aralan. 

it's already 11am..... 

Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon