Pagkatapos ko mag pa alam kay airah ay agad agad na akong umalis sa school at nasa byahe na ako ngayon papunta sa lokasyon na sinend ni tanda. Kasabay nun ang pag send niya sa akin ng impormasyon tungkol sa bagong kaso. Hindi nila matukoy kung suicide ba o murder ang nangyari dahil base doon ay dalawang tao lamang ang nakatira sa bahay na iyon at sila ay mag-ina. Nakita ko ang litrato at hindi mo nga ito malalaman agad dahil hindi sapat ang nakikita rito. base sa litrato ay nakabulagta ang duguang ina na may laslas sa kaliwag pulsuhan nito at tanging dugo lamang nito ang nakakalat sa sahig kung titignan naman ang pinangyarihan ng krimen ay maayos ang paligid at walang nagalaw na mga gamit.
habang nagmamaneho ako ay kanina ko pa napapansin sa side mirror ko na may nakasunod na kotseng itim sa akin bawat liko ko ay nakasunod ito. Nagkunot noo na lamang ako at binaliwala ito, baka nagkataon lamang. Lumipas ang ilang minuto at nakarating narin ako sa lokasyon. Nagpalit muna ako ng damit dahil naka uniporme pa ako at nagsuot na rin ako ng mask. pag kalabas ko sa driver seat ay nakita ko ang itim na kotse na naka park din sa likuran ng akin at nang icheck ko ang plate number ay magkaparehas iyon, maya maya pa'y may bumabang lalaki na pamilyar ang hulma ng katawan. Nagkatitigan kami at alam ko na agad ang sagot kung sino siya. nangunot na lamang ang noo ko at hindi naman niya ako pinansin at dinaanan lamang ako. Bago pa siya makalagpas ay hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.
Bakit ka nandito? seryoso kong tanong sa kaniya, nilingon niya naman ako kaya bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa damit niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa.
Work maikling sabi niya at tinalikuran na ako.
Hindi pa ako tapos makipag usap sayo kaya humarap ka sakin. walang preno kong pahayag sakaniya. Napaka bastos kasi talikuran ba naman ako, dahan dahan naman ulit siya na lumingon
What? I dont have time talking to you I still have work. diretso rin niyang pahayag sa akin, sinamaan ko na lamang siya ng tingin at nilagpasan. Anong kala niya siya lang may trabaho? duuh ako rin naman. habang naglalakd ay narinig ko na lamang siya na bumulong ng the heck?.. at hindi ko na ito pinansin. Nauna siyang mambastos sa akin binalik ko lang. Habang naglalakad ay ramdam ko namang nakasunod ito sa akin, hindi ko na lamang ito pinansin at sa di kalayuan ay nakita ko na si stella at kinawayan ako inirapan ko na lamang ito at lumapit sakanya. Inabutan niya naman ako ng gloves, habang sinusuot ko ito ay may inabutan din siya sa likod ko at napakunot nanaman ako ng noo.
Louise oh, anas niya ng iabot niya ang gloves. Di ko akalain na sabay pa kayong darating. Nga pala eira kilala mo na ba siya? Sa school mo rin siya nag aaral. pahayag sa akin ni stella nilingon ko naman ang lalaki sa likod ko at
No I dont know him. I said at pumasok na sa loob ng apartment.
Pagpasensyahan mo na si eira, ganyan na talaga yan. rinig ko namang bulong ni stella sa likod ko at napailing na lamang ako. nang makapasok ay nakita kong busy si tanda makipag usap sa katrabaho ngunit nang makita niya ako ay tinapik niya ang kausap at lumapit sa akin.
Kamusta ka ija okay kana ba? bungad sa akin ni tanda at tinanguan ko lamang siya. Napasimangot naman ako ng guluhin niya ang buhok ko
Wala ka paring pagbabago bato ka parin. Ani niya ng natatawa kaya naman tinapik ko ang kamay niya.
What exactly happened? pagbabaliwala ko sa sinabi niya
Natanggap namin ang impormasyon na may krimen rito dahil sa tawag ng kanilang kapit bahay. Nang makarating kami dito ay iyan na ang nadatnan namin tinutukoy ni tanda ang ina na patay na at ang anak niya na tahimik na umiiyak sa tabi niya.
kumusta ang bata? sunod na tanong ko sa kaniya
Nasa sala at mukhang gulat parin sa nangyari sa kaniyang ina, kinakausap namin siya kanina ngunit hindi niya kami sinasagot akala namin ay ayaw niya lang ngunit nang mag interview kami sa mga taong nakapaligid rito ay hindi pala nakakapag salita ang bata. kaya wala talaga kaming makuhang impormasyon na makasasagot kung suicide ba o murder ang nangyari dahil sa malinis na pagpatay. pinatrace namin ang blade na ginamit sa paglalaslas at tugma ito sa finger print ng ina. tuloy tuloy na pahayag ni tanda
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionA girl who's living independently and peacefully, had a supernatural powers that can be an advantage to get the justice that all people wanted. But then having it will bring only danger to her.