Dali dali akong nag maneho papunta sa lugar kung saan ko siyang huling nakita. Kailangan kong pumunta sa bahay na pinanggalingan niya at maghanap ng ebidensyang magpapatunay sa mga taong pumatay sa pamilya niya. hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, pero alam kong masakit ang mawalan ng pamilya.
Kita ko sa babae kung gaano sila kasayang kumakain sa hapag kainan. Puno ng tawanan at asaran. hanggang sa makarinig sila ng mga putok sa labas ng kanilang bahay. Kitang kita ko ang takot sa mukha ng kaniyang asawa. kaya naman dali dali silang nagtago sa isang kwarto, at niyakap ang isat- isa.
.
.
.
Natahimik ng ilang minuto ang paligid. wala na silang naririnig na anumang putok ng baril sa labas. Kaya naman unti- unti silang kumilos at lumabas ng kwarto upang tumakas. nangunguna ang asawang lalaki sa paglalakad upang masigurado na ligtas na sa labas, ngunit sa isang iglap ay
*BANG!
Napabulagta ang asawang lalaki sa sahig, at kitang kita ang bala na tumama sa noo nito. Napahiyaw ang mga anak nila at pilit na kumakalas sa hawak ng ina upang lapitan ang ama.Sa huli ay nabitawan sila ng ale at isinunod na pag babarilin. Walang ibang nagawa ang ale kundi ang umiyak ng tahimik at magtago sa likod ng pader. Aalis na sana siya ng...
Saan ka pupunta? HAHAHAHHA demonyong tawa ng lalaki at hinawakan siya ng mahigpit sa braso
Kung sinuswerte ka nga naman Boss oh jackpot! ngiting aso ng isa pang lalaki. halata ang pagka tigang nito sa babae
Ang Ganda at ang kinis naman niyan HAHAHAHAH salita ng isa pang lalaki
Ang akala ko papatay lang tayo, iyon pala may titikman muna bago matapos ang misyon. Naglalaway na anas ng kalbong lalaki
Ano pang hinihintay nyo? Tumikim na kayo at may lakad pa tayo pagkatapos nito. Ani ng kanilang boss at unti unti na ngang dinumog ang ale at pinagsamantalahan. wala siyang ibang nagawa kung hindi ang umiyak at magsisisigaw. pagkatapos siya pagsamantalahan ay pinag bubugbog siya hanggang sa mawalan ng hininga
Magkita tayo sa Parking lot ng ***** Motel doon tayo mag palitan, 2AM. Ani ng boss sa kausap sa telepono. patuloy ang mga walang hiyang lalaki sa pag tikim sa ale.
Bilisan niyo na diyaan at kailangan pa nating makipag palitan ng produkto. utos nanaman ng boss sa mga tauhan niya kaya naman nang mawalan ng malay ang babae sa pag aakalang patay na ito ay iniwan na nila ito at umalis. Lumipas ang ilang oras at nagising ang diwa ng ale. kahit nahihirapan ay pinilit niyang tumayo at maglakad palabas ng bahay upang humingi ng tulong. Kahit na umiikot ang paningin ay nakarating siya sa madilim na kalsada, at doon ko na siya natagpuan....
Pagkarating ko sa lugar ay agad agad akong bumaba at tinignan ang oras. 12 am na, tinahak ko ang daan sa ma pupunong lugar at sinunod ang daan base sa nakita ko sa memorya ng babae.
.
.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating rin ako sa bahay. Ngunit maraming pulis na ang naka paligid rito. babalik na sana ako nang
May tao! sumigaw ang isang pulis nang makita ako. kaya naman napatingin na sa akin ang lahat at napatigil sa mga ginagawa nila. Nilapitan ako ng isang lalaki at ipinakita ang Id niya.
Isa akong detective. Hindi ko alam kung paano ka napunta sa liblib na lugar na ito pero hindi ka namin puwedeng basta basta paalisin miss. ani niya at tumango na lamang ako. sinenyasan niya ako na sumunod sakanya at naupo kami sa isang bench
Bakit ka naparito? alam mo bang may krimen na nangyari rito?magkasunod na tanong ng detective
Parking lot ng ***** Motel doon tayo mag palitan, 2AM, yun ang sinabi ng lalaking gumawa nito sa kanila. Tulalang ani ko sa detective
Miss sagutin mo ang tanong ko, hindi ako nakikipag biruan sa iyo. hindi niya pinansin ang sinabi ko sa pag aakalang gumagawa lang ako ng kwento at seryosong tinignan ako . kaya naman nakipag titigan ako sakanya. Alam ko quick witted ng mga detective na katulad niya kaya naman...
Your laptop password was Truth must be reveal but in Caesar shift right?. nagulat ito sa isinagot ko at agad agad na may tinawagan. sinenyasan ako nito na huwag aalis at lumayo sa akin ng kaunti. hindi ko ito pinansin at tumingin ako sa paligid, kitang kita ko ang mga taong duguan na nakita ko sa memorya ng ale. hindi ako nagkakamali. Nang matapos ang detective ay lumapit na uli ito sa akin.
Hindi ko alam kung sino ka o ano ka, pero dahil sa sinabi mo ay mas lalo mo akong pinilit na huwag kang paalisin basta basta. kalmadong sabi nito.
***** Hospital, nandun ang pasyenteng iniligtas ko. siya ang ina ng mga batang patay sa loob. walang paki kong sagot sa sinabi niya. halata namang nagulat siya ulit sa sinabi ko. dahil alam ko ang nangyaring krimen sa loob kahit na hindi ako pumasok roon. Tumayo na ako at aastang paalis na ng hawakan ako ng detective. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at napabitaw siya sa akin. Hindi ba niya alam na diring diri na ako sa sarili ko? humawak ako ng nag aagaw buhay na taong duguan at ngayon hinawakan niya pa ako tssk, May iniabot siya na calling card sa akin.
Kailangan ka namin sa team namin. Kailangan namin ang kakayahan mo para makamit ang hustisya, katulad sa mga ganitong pagkakataon. At maraming salamat dahil malaki ang naitulong mo sa kaso na ito. Tuloy tuloy niyang sabi. kinuha ko nalang ang calling card at umalis na. habang naglalakad palabas ng ma puno na lugar ay itinapon ko ang calling card at dumiretso na sa kotse. Bago umalis ay nagbihis muna ako ng damit na laging nasa kotse in case na kailanganin. Nag dial ako sa aking telepono at tinawagan ang driver namin ni Airah
Bring another car here in my location. I'll message it to you. diretsong sabi ko sa kabilang linya at pinatay na.
.
.
.
Nag hintay lamang ako ng ilang minuto at pagkarating ng driver ay agad itong bumaba at iniabot sa akin ang susi ng kotse ng naka gloves.
Ikaw na ang bahala dito. Ipalinis mo ang kotse. At huwag na huwag mong babanggitin kay Airah ang mga dugong nakita mo sa loob. I said at inihagis sakanya ang susi ng kotse na hawak ko kanina
Yes ma'am. ani ng driver at nag bow sa akin. Sumakay na ako sa kotseng pinadala ko at nagdrive na pabalik ng condo.
End of flashback
Nang mangyari ang ganung insidente ay sunod sunod na ang naging engkwentro ko sa ibat- ibang uri ng krimen, at lagi kaming nagkikita nung detective nayun.Lagi niya rin sinasabi na nakatadhana talaga ako sa field na iyon. Hindi naman talaga ako papayag na sumama o sumali sakanila. kung hindi niya ako inalukan ng malaking halaga kapalit ang kakayahan ko, kaya naman ginrab ko na. Ayoko rin namang iasa lang lahat sa magulang ni airah, kahit pa anak ang turing nila sa akin. kailangan ko rin magsikap. Secret detective ang position ko sa team dahil wala pa akong sa wastong gulang upang magtrabaho sa ganung field at tanging memorya ko lang naman ang pinapagana ko at hindi ang Detective skills. Si Detective Allison De Leon nga pala yung nag abot ng calling card sa akin, Tanda for short. At etong katabi ko sa sasakyan? Siya si Stella Ward, Assistant Inspector. Nagtataka kayo kung pano nangyari yun? nag bihis estudyante lang naman siya kanina. kung pano siya nakapasok? Well bahala na kayo mag isip.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionA girl who's living independently and peacefully, had a supernatural powers that can be an advantage to get the justice that all people wanted. But then having it will bring only danger to her.