Habang naglalakad ako papunta sa abandonadong building ay tinext ko muna si Airah na mag ccutting ako at mauna na siyang umuwi sa akin mamaya dahil may pupuntahan ako. Pagkatapos kong maisend, sa di kalayuan ay natanaw ko na ang babaeng kikitain ko. Napakaway na lamang siya sabay ngiti, at ang tanging sinagot ko? IRAP
Kumusta Eira? Long time no see! masayang bati niya sa akin
kumusta your ass, give me my bag. Hindi ko pinansin ang sinabi niya
Ayos ba acting ko kanina? ngisi niyang tanong sa akin
That one is the worst.
Grabe ka naman girl! pasensya na pala dahil hinawakan kita kanina. Gusto ko lang na maging kapani paniwala yung acting ko hehehe. Pagpapacute niya
Hindi mo ba alam na halos ipaligo ko na yung alcohol kanina dahil sa hawak mo tss. Asar kong sabi sa kanya
sorry na clean freak. nakabawi ka naman na eh sakit kaya nung tulak ng mga body guard ng kaibigan mo tas ang sakit pa sa tenga ng bunganga non. Reklamo niya. sumakay na kami sa sasakyan niya at umalis na. dumaan kami sa likod ng school dahil gubat naman ang likod nito. At kabisado na nitong babaeng to ang daan dahil sa trabaho niya. habang nasa byahe ay nagbihis na ako. black jeans, black sando, at black leather jacket. wag na kayo magtaka sa sapatos alam niyo na dapat yun.
Ano nanaman bang meron at tinawag mo nanaman ako? tanong ko sakanya
Kailangan ka namin. Dahil wala nanaman si tanda. Ewan ko ba kung nasaang lupalop yun.
Nasaan yung files?
Sinend ko sa email mo. pagkasabi niya non ay tinignan ko ang email ko at binasa ang nasa files. nakasaad rito ang impormasyon ng mga suspect sa krimen na nangyari.
Sabi ni Inspector De Vera suicide daw ang nangyari. Anas niya at hindi ko ito pinansin. Alam kong nagtataka kayo kung bakit may ganito akong trabaho. well this is my side line. Hindi naman talaga ako mapapadpad sa field na ito kung nananahimik lang ako sa bahay.
Flashback
Airah aalis lang ako paalam ko kay airah na busy sa pag papaganda
Okay ingat ka. wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan ha. Lalong lalo na huwag mong gagamitin yang super powers mo! pag papa alala niya
super powers my ass. I'll use your car bye. I said at umalis na ng condo namin. nang makarating ako ng parking lot ay agad kong pina andar ang sasakyan. habit ko ang pagddrive sa gabi. because in this way I can clear my mind. there's no people around and specially there's no eyes. Pinanganak pa lamang ako ay may ganito na akong kakayahan. at hindi ko alam kung bakit ako lang ang mayroon nito. Nang magkaron ako ng isip ay wala na ang mga magulang ko. Namatay sila sa isang aksidente. Ang nagpalaki sa akin ay ang magulang ni Airah. dahil mag best friend raw ang mommy ko at mommy niya. ganun din ang daddy namin. Alam ng family ni Airah ang tungkol sa kakayahan ko. pero hindi ito ipinapahalata ng magulang niya sa akin. Dahil gusto nilang iparamdam na isa akong normal na tao. Habang nagmamaneho ay may nakita akong babae sa di kalayuan na paika ika maglakad. Binilisan kong magpatakbo para malagpasan ko siya . Sabihan niyo na ako na masama. Sadyang gusto ko lang talaga umiwas sa tao. dahil alam kong ang isang katulad niya ay may hindi magandang nakaraan. Ayokong mahirapang matulog ulit. Nang malagpasan ko siya ay tumingin ako sa side mirror. Napapreno ako ng malakas nang makita kong naka bulagta na ang babae. Kaya naman agad akong bumaba nang sasakyan para lapitan siya. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinaroroonan niya. Punong puno ng dugo ang puti niyang bistida hindi ko ito napansin kanina dahil madilim, tanging Figure lamang niya ang nakita ko kanina at halata sakanyang nag aagaw buhay siya. Hinawakan ko ang pulso niya at unti unti na itong humihina.
Ale gising, huwag kang matutulog. Dadalhin kita sa ospital okay? Kalmado kong sabi ngunit sa loob loob ko ay sobra na ang kaba ko. Hindi siya umimik pero tumingin siya sa mga mata ko. Ngunit sa saglit na titig na iyon ay nakita ko lahat ng nangyari sakanya. Bigla akong nanghina. Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko. Madaming taong duguan at nakabulagta. Halatang patay na ang mga ito. at nakita ko rin kung ano ang ginawa sa babaeng ito. Kahit na nanghihina ay agad agad ko siyang binuhat at isinakay sa kotse. Dali dali akong nag maneho papuntang ospital. hindi naman ito kalayuan roon pero kailangan kong pabilisin ng sobra ang takbo dahil nag aagaw buhay na ang ale. Nang makarating sa tamang oras ay agad siyang inilipat sa hospital bed at isinugod sa ER. Napaupo na lamang ako sa lapag at napatulala. Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari.
Halos ilang minuto na akong nakaupo sa labas ng ER hanggang sa may lumabas na Doctor.
Kayo ho ba ang guardian ng pasyente? Tanong ng doctor sa akin
Kumusta po ang lagay niya? Hindi ko sinagot ang doctor dahil ko hindi ko naman ka ano ano ang ale na iyon
Sa ngayon ay ligtas siya pero kritikal ang lagay niya.Pinaka naapektuhan ang parte ng kaniyang ulo kaya nasa kalagayan siya ng coma. kailangan pa namin magsagawa ng mga test sa kanya upang malaman kung may ibang parte bang naapektuhan sa kaniya. Sabi ng doktor at napatango na lamang ako. Sinilip ko saglit ang ale at dali daling sumakay ng kotse. kailangan kong pumunta sa pinanggalingan niya.
Author's note: Hello po! this story is just base on my imagination. I dont know why I write this kind of story but yeah nandito na ih hehehhe. please pag pasensyahan nyo na po kung may mga typos at grammatical error. I'm not a pro author oki. And I'm just doing this as a hobby and passion. wala na pong iba. I hope na ma enjoy niyo itong story na ito! :)))
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionA girl who's living independently and peacefully, had a supernatural powers that can be an advantage to get the justice that all people wanted. But then having it will bring only danger to her.