Friday ngayon at nandito kami sa soccer field dahil P.E namin ngayon. Nasa ilalim lamang ako ng puno at nanonood sa mga taong naglalaro. Isang linggo narin ang nakalipas mula nung magkasabay kami nung dalawang bagong estudyante na kumain sa cafeteria. Nang maglibot ako ng tingin ay nakita ko yung dalawang ugas sa ilalim ng puno sa may dulo ng field. Mukhang napansin naman ni Ezekiel na naka tingin ako sa gawi nila kaya naman mukha siyang ibon na nagpapagas pas ng kamay, inirapan ko nalang ito at tumingin ulit sa mga naglalaro. Habang tumatagal ang panahon ay ganun rin ang pagiging weirdo ng paligid ko. Simula kasi ng magkatapatan kami sa cafeteria ay lagi nayun na nauulit. At naweweirduhan na ako sa dalawa
Flashback...
Habang naghihintay kami sa prof. namin na dumating ay kanya kanyang mundo ang bawat kaklase ko at kasama na ako dun. Nagsalpak muna ako ng earphone sa aking magkabilang tenga at yumuko. Nasa dulo ako ng row namin dahil ayokong may nakaupo sa magkabilang gilid ko dahil iniiwasan ko na maka dikit ang ibang tao, habang tahimik na nakikinig ay biglang may humugot ng earphone ko sa right side ko kaya naman masamang tinignan ko ito. Kahit na nagulat ay hindi ko ito ipinahalata at mas lalong sinamaan ito ng tingin, ang tanging naiganti niya naman ay pag irap, nagkatabi lang naman kasi kami nung kabigan ni ezekiel dito sa computer laboratory. Sakto namang pumasok ang prof. namin kaya naagaw nito ang atensyon ko. Naging maayos naman ang daloy ng aming klase hanggang sa dumating na ang delubyo sa buhay ko. Nag announce ang prof. namin na magiging kapartner namin ang katabi namin, eh sino lang ba ang katabi ko, edi etong ungas nato. Mag ka partner kami every activites na gagawin sa subject na to at wala kaming magagawa. Hayss nakakainis mas gusto ko pa ng individual works. Kaya naman nang matapos ang klase ay asar at padabog akong umalis ng comlab.
Nang sumunod nang araw na iyon ay nag kita naman kami sa library dahil may kinailangan kaming iresearch at nagkataon nanamang magkagrupo kami nung ungas actually kaming apat. At si airah? edi walang humpay na kwento ang ginawa, si ezekiel naman ay hinabaan na lamang ang pasensya. At kami ni louise? ayun walang humpay na samaan ng tingin. Simula nang lumipat sila dito at naging kaklase namin ay hindi pa kami nagkakausap ng matino ng tao nato tanging samaan lamang ng tingin ang isinasagot namin sa isat-isa.
At sumunod naman ay habang naglalakad sa gym ay hindi ko makalimutan ang bawat pangyayayari na nagaganap tuwing nagkakaharap kaming apat. Halos hindi ako makatulog kakaisip tungkol sa dalawang bagong salta sa school. Tuwing magkikita kami ay lagi namang nagkakatama ang mga mata namin pero wala akong mahanap na kasagutan sa mga mata nila. Hindi ko tuloy malaman kung bakit sila lumipat sa paaralan na ito. Kung itatanong niyo sa akin kung may nakikita ba akong memorya nila sa kanilang mga mata? ang sagot ko lang ay WALA as in WALA, that's why I'm so frustrated and keep saying to myself that they are weird people. And the way that ezekiel guy said to me that he's glad to meet someone like me. UGGGGHHHHH!!!!
Eira! may tumawag nang pagkalakas lakas sa likod ko kaya naman iritado akong lumingon sa liko-
*Boooogsh*
Napaupo na lamang ako sa sahig nang tumama sa ulo ko ang bola. pumikit ako ng ilang beses at hindi parin nawawala ang pagikot ng paningin ako. Naramdaman ko namang may humawak sa mga braso ko, Kaya kahit nahihilo ay pwersado ko itong inalis at tumayo ng dahan dahan.
Eira okay kalang ba? sabi sa harap ko ng kaboses ni ezekiel , tumango na lamang ako at pinikit ng paulit ulit ang mga mata ko. Nang unti unti itong luminaw ay nagulat ako sa kaharap ko ngayon.
Huh? takang takang nasabi ko na lamang. Sigurado akong si ezekiel ang nasa harap ko kanina, bakit etong Louise na ungas na ngayon?
Tsk tanging naibulalas na lamang niya, Hindi parin ako natatauhan at tinitigan siyang mabuti, hindi naman ako nagkamali diba? at saka bakit naman ako kakamustahin ng tao na to? eh daig pa bato neto.
Ahm Eira nandito ako may nagsalita sa kaliwang tenga ko kaya naman napatingin ako rito at napa atras. Mukha kasing tanga yung ngiti niya. Napatingin naman ako ulit sa harap ko at wala na ang ungas. Napayuko na lamang ako at hinimas himas ang ulo ko na nagkabukol yata
Eira Ayos kalang ba? tanong ulit ni ezekiel tinaguan ko na lamang ito at tinignan ng masama yung mga lalaking naglalaro ng bola. napayuko naman ang mga ito. naglakad na ako palayo sa kanila nang sumigaw si ezekiel
Eiraaa! mag pa check up ka sa clinic! sigaw ni ezekiel. Itinaas ko na lamang ang kamay ko at dahan dahang iwinagayway. Pagkatapos ay binunot ko ang alcohol sa bulsa ng jacket ko at ipinaligo sa kamay ko.
End of flashback...
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan kung kanino ito galing
FROM: Tanda
[Need ur help ASAP here's the address ************** ]
Napabuntong hininga naman ako at dahan dahang tumayo at nag unat . Tumingin muna ako sa paligid upang hanapin si airah dahil paniguradong tatalakan ako nito kapag hindi ako nagpaalam sakaniya. Idadahilan ko na lamang na may kukunin akong package sa dati naming bahay dahil mayroon naman talaga. At hindi ko alam kung kanino galing, ngunit wala talaga akong balak kunin ito dahil ayoko nang bumalik pa sa bahay na iyon. Habang hinahanap siya ay napadako nanaman ang tingin ko kela ezekiel, at napataas ang kilay ko nang magkatinginan kami ni louise na parehong naguunat, at mismong posisyon ay parehas kami. Kaya naman agad agad ako umayos ng tayo at nagkasabay nanaman kami. Umiwas na ako ng tingin at hinanap si Airah, napailing na lamang ako at pasimpleng naghawi ng buhok.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionA girl who's living independently and peacefully, had a supernatural powers that can be an advantage to get the justice that all people wanted. But then having it will bring only danger to her.