Royal Trouble Maker 2

191 9 0
                                    

Chapter 2

Jack POV

"We're ho--"

"Kaya nga ang gusto ko lang naman ay ma protektahan sila." Sabi ni Daddy kay Mommy.

"Kailangan nila matutunang lumaban." Sabi naman ni Mommy.

"Mitch hindi nga pwede masyado pa silang bata--"

"Malalaki na sila Bryan, kapag natuto silang lumaban ma proprotektahan nila ang sarili nila." Sabi ni Mom kay Dad na halatang may inis ito sa boses niya.

"Anong pinag uusapan nila ama't ina?"bulong ni Kizzo sa akin. Nandito parin kamimg tatlo naka tayo sa pintuan namin.

"Mitch ano ba?--"

"Bryan ano ba? Paano pag dumating ang araw na wala na tayo? Sinong poprotekta sa kanila ha? Hindi pwedeng lagi silang aasa sa atin." Inis na sabi ni Mommy.

"Hey Mom Dad, what you guys talking about?" Napa ismid ako ng marinig ang boses ni Brianna. Kahit kailan talaga panira ang babaeng to.

Napa tingin sa gawi namin sila Mom and Dad.

"Kayo po ba ay may hindi pag kakaunawaan--"

"Umayat muna kayo sa taas."malamig na sabi ni Mom.
Napa tingin ako kay Dad na sumesenyas na sumunod kami kay Mom.

Ako na ang nangunang umakyat sa hagdan. Ito ata ang unang beses na makita namin sila Mom at Dad na nag aaway.

"Kuya, what do you think. Anong pinag aawayan nila mom and dad?"tanong ni Brianna sa akin habang paakyat kaming tatlo sa hagdan.

"I don't know. "Sagot ko.

"Ayon sa kanilang pag uusap, may nasabi si Ina na 'proteksyon' anong proteksyon ang sinasabi ni ina?"tanong ni Kizzo. Napa hinto kami sa tapat ng mga pinto ng kwarto namin.

"Hayaan nalang muna natin sila Mom and Dad, minsan may di talaga pag kakaintindihan ang mga mag asawa."sabi ko at napa kamot sa ulo. "I'm sure naman na di malala yung pinag aawayan nila." Dagdag ko saka sila nilingon.

"Paano ba yan mga ginoo't binibini, mamaya na lamang."sabi ni Kizzo at pumasok sa kwarto niya.

"See yah later kuya."sabi ni Brianna at pumasok din sa kwarto niya.

Pinihit ko ang doorknob ng kwarto ko at akmang papasok ng marinig ko ang galit na boses ni dad.

"Hindi mo kase naiintindihan ang point ko Mitch!" Lumakad ako at sumilip kila Mom and Dad na nag aaway parin.

"Bahala ka sa buhay mo Bryan!" Inis na sabi ni Mom at nag lakad paakyat ng hagdan. Agad akong tumakbo papasok ng room ko at sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Napa hinga ako ng malalim. Mukhang malala ang away nila Mom and Dad.

~~~

Minutes past at wala paring nag yayaya o kumakatok sa pinto ko para tawagin kaming kumain. Napa tingin ako sa orasan at nakitang 8:30 PM na. Tumayo ako sa kama ko at nag lakad palabas ng kwarto ko. Saktong pag bukas ng pinto ko ang sya ding pag bukas ng pinto ng mga katabi kong kwarto. Ang kwarto nila Kizzo at Brianna.

"Are they done?"tanong ni Brianna sa akin.

"Siguro."sabi ko at tuluyang lumabas sa kwarto ko.

"Bakit wala pang nag yayaya sa atin na kumain?"tanong ni Kizzo. Nasanay kasi kami na kakatok si Mom sa pinto ng kwarto namin at yayayain kaming kumain.

Nag lakad kami pababa ng hagdan at napansing tahimik ang kapaligiran.

"Where's the maid?"tanong ni Brianna.

"Nasaan sila Ama at Ina?"tanong ni Kizzo. Tuloy lang kami sa pag baba ng hagdan at nag tungo sa Kusina. Nakita naming nag luluto palang ang mga katulong.

"Bakit ngayun lang kayo nag luto?"tanong ko.

"Sir, kakatapos lang po kasi nila Ma'am at Sir Bryan mag away."sagot nito. Nag katinginan kaming tatlo.

"Akala ko ba ay hindi malala ang away nila."sabi ni Kizzo.

"Dad?" Napa tingin kami sa pintuan ng tawagin ni Brianna si Daddy. Tumigil ito sa pag lalakad at tumingin sa amin. Mugto ang mata ni dad, umiyak ba siya?

"Bakit na mumugto ang iyong mga mata Ama?"tanong ni Kizzo.

"Umiyak ka ba dad?"tanong ko.

Umiling iling ito at huminga ng malalim.

"Doon lang muna ako sa guess room mga anak. Pag hinanap ako ng mommy nyo sabihin niyo tulog na ko."malamig na sabi ni Daddy at umakyat sa hagdan. Nag katinginan kaming tatlo.

"What the hell is happening?"tanong ni Brianna.

"Mukhang may matinding hindi pagkakaunawaan sila Ama at Ina."sabi ni Kizzo.

"Unang beses lang na mangyare to." Bulong ko.

"Guys? We need to fix this one. Hindi pwedeng hindi mag bati sila Mom and Dad  bukas dapat ngayun sila mag bati."sabi ni Brianna.

"Yes, i agree. So what's the plan?"tanong ko.

"May naiisip akong magandang plano mga kapatid."sabi ni Kizzo at ngumiti.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Royal Trouble Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon