Chapter 4
Bryan POV
Niyakap ko ang asawa kong si Mitch na naka higa sa kama saka pumikit.
"Mahal?" Tawag niya sa akin saka gumalaw at humarap sa akin.
"Hmm?"tanong ko, kinuha niya ang kamay kong naka yakap sa kanya saka iyon hinalikan. Napa ngiti ako sa ginawa niya.
"Natatakot parin ako para sa mga bata."sabi niya. Binuksan ko ang mga mata kong naka pikit at tinignan ang mukha niyang bakas ng pag aalala para sa mga anak namin.
"Alam na ba nila Hyuna at Zelo?"tanong ko.
"Oo, maya maya lang ay nandito na sila para kausapin tayo."sagot niya. Umupo ako saka sumandal sa headboard ng kama, umayos naman siya at humiga sa dibdib ko.
Hinaplos ko ang buhok niya saka iyon hinalikan.
"Wala ka dapat ipag alala mahal ko."sabi ko.
"Natatakot akong baka gumulo ulit ang buhay natin."sabi niya.
"Hindi yun mangyayare mahal ko."sabi ko at huminga ng malalim.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Kinuha ko yun sa side table na katabi lang ng kama namin saka sinagot ang tawag.
"Yes?"
(Sir Bryan, may meeting po kayo 10 minutes from now sa Lacanlale Company.) Kumunot ang nuo ko.
"Lacanlale?"tanong ko. Tumingin sa akin si Mitch.
"Ba't parang ngayun ko lang narinig yang pangalan ng company na yan?"tanong ko.
(Sila po yung bago niyong business partner na inaprobahan ni Mr Sy nong isang araw.)
"Ba't parang hindi ko alam yan?"tanong ko saka umayos ng upo.
"Pupunta ako jan."dagdag ko saka binaba ang tawag.
"Ano daw yun?"tanong ni Mitch sakin.
"Sinabi ba ni Mr Sy sayo na may bago tayong business partner?"tanong ko. Kumunot ang nuo niya.
"Ah oo yung Lacanlale group?"sagot niya.
"Oo."
"Bakit daw?"tanong niya.
"May meeting daw ako sa company nila ngayun."sabi ko at kumamot sa ulo. Nag pout ako na kinatawa niya. "Kasi naman mas gusto kong nandito sa tabi mo." Sabi ko. Natawa siya lalo.
"Puntahan mo na yun."sabi niya.
"Pero--" tumaas ang kilay niya dahilan para matigil ako.
"Sabi ko nga pupuntaha ko na."sabi ko at tumayo sa kama.
"Paano sila Hyuna at Zelo?"tanong ko.
"Ako na kakausap sa kanila."naka ngiti niyang sabi.
"Okay sabi mo eh."sabi ko at nag pout ulit.
"Bryan."nag babanta niyang sabi.
"Kasi naman eh."
"Mamaya na pag dating mo."nabuhayan ako sa sinabi niya saka agad na nag bigis ng pang opisina kong damit saka humarap sa kanya. Bumangon siya mula sa pag kakahiga niya saka lumapit sa akin at inayos ang necktie ko.
"Umuwi ka ng maaga." Nang aakit niyang sabi.
"Wag na kaya ako umalis?"isang malakas na hampas ang nakuha ko sa kanya.
"Oo na aalis na aalis na."sabi ko at hinalikan siya sa labi.
"Sure na talaga?"tanong ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Isang kiss nalang."sabi ko at hinalikan ulit siya sa labi niya, damn I'm so addicted to her lips.
"Isa pa ulit." Sabi ko at hinalikan ulit siya.
"Last na." Akmang hahalikan ko siya ng pitikin niya ang labi ko.
"Aray!"
"Alis na." Sabi niya habang may ngiti sa labi.
"Okay, bye uuwi ako agad pag tapos ng meeting. Wear naughty clothes mahal."sabi ko at kinindatan siya bago lumabas ng kwarto namin.
Pagka labas ko ng kwarto rinig na rinig ko agad ang pag aasaran ng mga anak ko sa baba, nag lakad ako pababa ng hagdan at mas lalong lumakas ang mga boses nila.
"Kesa naman sa isang hampas lupa na gaya mo." Dinig kong sabi ni Kizzo.
"Wow huh, you don't know how to make galang sa nakakatanda mong kapatid?"dinig kong sabi ni Brianna.
"Manahimik ka nga kayo pwede ba?" Inis na sabi ni Jack.
"Eto kasi eh!" Sabay na turo nila Kizzo at Brianna sa isa't isa.
"SABING MANAHIMIK EH!"sigaw ni Jack na nag patahimik sa dalawa.
Natawa ako ng makita kung paano matigilan ang dalawa habang si Jack ay bumalik sa panunuod ng Basketball sa TV."Mga anak aalis muna ako, pupunta ang tita Hyuna at Tito Zelo niyo mamaya dito."sabi ko kaya napa tingin sila sa akin.
"Dad don't forget our pasalubongs ah."sabi ni Brianna.
"Noted my princess."sabi ko. Agad silang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi saka naka ngiting tumingin sa akin.
"Where's mom?"tanong ni Jack.
"Nasa kwarto namin, kung gusto niyo pag usapan niyo na ang plano naten para sa birthday ng mommy niyo."sabi ko. Agad silang tumungo tungo.
"Alis na ko guys bye." Sabi ko at niyakap silang tatlo.
"Bye dad." Sabay nilang sabi. Lumabas na ko sa bahay at agad na sumakay sa kotse. Nakita naman ng guard namin na naka bantay sa gate na sumakay ako sa loob kaya naman binuksan niya na ang gate. Ningitian ko muna si kuya Rene na security guard namin ng maka labas ako sa gate.
Agad kong pinatakbo ang kotse ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang secretarya ko.
"Send me the address of their company. Di na ko pupunta jan."sabi ko.
(Noted sir.) Sabi niya at binaba ang tawag maya maya pa ay natanggap ko na ang address ng Lacanlale company.
Ilang minuto ang lumipas at narating ko na ang company ng mga Lacanlale. Agad akong sinalubong ng isang lalaki.
"Mr Bryan Favillion?"tanong niya.
"Yes i am."sagot ko. Ngumiti siya sa akin.
"This way sir."sabi niya at iginaya ako sa daan patungo sa meeting room. Binuksan niya ang pinto ng meeting room, pumasok ako sa loob, lahat ng mata ay nabaling sa akin. Ngumiti ako.
"Am i late?"tanong ko.
Walang sumagot.
"I'm Bryan Favillion and so--"
"Just in time Mr Bryan." Napa tingin ako sa likod ko at nakita ang isang babaeng mistisa, mahaba ang kulutang kulay brown na buhok at may pares na kulay Asul na mga mata.
"And you are?"
"Elena Lacanlale, nice meeting you Mr Bryan Favillion."
~~~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina LaureBrianna Kate Fubu A Favillion
BINABASA MO ANG
Royal Trouble Maker
ActionTROUBLE SERIES 3 After 14 Years. Ang tahimik at payapang pamumuhay nila Mitch at Bryan ay muli nanamang magugulo. Trouble Maker Queen Book 1 Trouble Maker King Book 2 Royal Trouble Maker Book 3