Royal Trouble Maker 3

171 9 2
                                    

Chapter 3

Jack POV

"Yaya dito mo ilagay ang Roasted Gallus gallus domesticus." Sabi ni Brianna sa katulong namin. Napa irap ako. Lahat nakang ba ng salita neto ay kailangan may Scientific name?

"Galunggong ma'am? Wala po tayong naluto na ganon."sabi ng katulong namin na kinatawa ko.

"No i said roasted Gallus gallus domesticus."

"She mean Roasted Chicken yaya." Singit ko. Josko kawawa ang magiging asawa ng kambal kong to dahil lahat ng salita niya ay may Scientific name.

"Mga kapatid, natawag ko na ang ating ina at ama."sabi ni Kizzo na pababa ng hagdan.

"Wait wheres the Oryza sativa?"tanong ni Brianna.

"Oyster sauce ma'am?"tanong ng katulong namin.

"Yung kanin po."sabi ni Kizzo.

"Ahh kukunin ko na po." Sabi nito at nag tungo sa kusina.

"Brianna bawas bawasan mo nga ang pag sasalita mg mga scientific name. Kawawa mga maids natin dito eh."sabi ko.

Tumaas ang kilay niya.

"Well I'm just expressing the nature of science. Without science we're nothing." Sabi nito at inirapan ako.

Napa tingin ako sa hagdan.

"Guys pababa na si mom." Bulong ko tinignan ko si Brianna. "Sunduin mo na bilis." Sabi ko. Agad naman syang tumakbo palapit kay Mom.

"Hey mom i miss you." Sabi nito at niyakap si Mommy saka hinila papunta dito.

"Anong meron?"tanong nito.

"We'll Kizzo ikaw mag sabi." Sabi ni Brianna.

"Kayo daw po ni ama ay nag awa--"

"Na perfect ni Kizzo ang quizzes niya ngayun."singit ko sa sasabihin ni Kizzo. Kumunot ang nuo ni Kizzo kaya naman tinignan ko siya ng masama.

"Talaga anak? I'm so very proud of you."sabi ni mom.

"Take a sit mom."sabi ni Brianna at pinaupo si mommy sa upuan nito.

"Pinapatawag mo daw ako Jack?" Napa tingin kaming lahat sa pababang si Dad sa hagdan. Natigilan ito sa pag baba kaya naman agad akong tumakbo papunta sa tabi niya.

"Yes dad may sasabihin ako."sabi ko at hinila siya papunta sa mesa.

Nakita ko kung paano irapan ni mommy si Daddy. Inismiran lang siya ni daddy.

"Ano ba yun? "Tanong ni Dad.

"Bakit hindi natin subukan lahat na umupo?"tanong ni Kizzo at Naupo sa upuan niya.

"Brianna anak palit tayo ng upuan."sabi ni mommy kay Brianna. Agad kong sinenyasan si Brianna na makipag palit kay mom. Bali ang arrangement ako si mommy si Kizzo at sa harap namin ay sila Daddy at Brianna.

"Okay so ano ang sasabihin mo anak?"tanong ni Daddy sa akin.

"Wait can i speak first?"tanong ni Brianna. Laking pasalamat ko dahil madaldal ang babaeng ito.

"Okay so y'all know that i hate being a  Polyethylene right?"sabi ni Brianna, napa irap nanaman ako dahil sa nadamay nanaman ang science.

"Poly what?"tanong ni Daddy, umirap si Brianna at humarap kay Daddy.

"It's the most popular plastic in the world dad."sabi ni Brianna.

"Okay again, y'all know that i hate being a Polyethylene right? So I'll speak to all of you honestly." Sabi nito at humarap kay Mom.

Royal Trouble Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon