Royal Trouble Maker 7

189 8 3
                                    

Chapter 7

~~~

Bryan POV

"HAHAHAHA ang panget mo parin Bryan!" Pang aasar sakin ni Zelo ng maka-upo ako sa tabi ng asawa ko.

"Hiyang hiya naman ako sayong mukhang paa na binusted ng dalawang beses ni Hyuna kase babaero na nga panget pa." Pang aasar ko din. Inirapan niya lang ako kaya natawa ako.

"Aasar asar ka jan ikaw din naman talo."sabi ko.

"Nye nye."bulong niya at nag make face pa.

"Paki sabi nga ulit sakin ba't kami nandito?"tanong ni Hyuna.

"I think bumalik na naman yung multo ng nakaraan."sabi ni Mitch ko kay Hyuna.

"Multo ng nakaraan?" Sabay na tanong nila Hyuna at Zelo. Pinakita ni Mitch ko ang natanggap naming Regalo nong nakaraan. Natahimik ang dalawa at napa tingin sa amin.

"Sinong demonyo naman kaya ang gagawa nyan?"tanong ni Zelo.

"Maliban sayo, sure ako na may galit yun sa amin."sabi ko kay Zelo. Kumunot lang ang nuo niya. Medyo natawa pa ako dahil asar talo talaga siya.

"Gusto mo bang hanapin namin ang nag bigay nito?"tanong ni Hyuna kay Mitch ko.

"Hindi, ako na gagawa non."sabi ni Mitch at tumingin sa akin na para bang nag tatanong kung sigurado na ba kami sa desisyon namin. Tumango lang ako at ningitian siya.

"Gusto namin ni Bryan na, turuan niyo ang mga anak naming lumaban." Sabi ni Mitch ko.

"Teka."sabi ni Zelo.

"Diba sabi mo, wag na wag namin tuturuan ang mga anak niyo kung paano humawak ng baril? Ba't parang nag bago ang ihip ng hangin?"tanong ni Zelo.

"No choice kami, labag 'man sa loob namin ni Bryan 'to pero kailangan eh. Paano pag wala na kami? Paano pag buhay pa ang mga nag tatangka sa buhay nila, namin? Sino ang mag tatanggol sa kanila?"tanong ni Mitch ko na halata ang pagka kaba.

Hinawakan ko ang kamay niya at inakbayan siya. Alam kong ano mang oras ay iiyak siya. Masyado siyang iyakin at mahina pagdating sa mga anak niya.

"Hindi habang buhay ay kasama nila kami." At tuluyan na nga siyang umiyak. Niyakap ko siya at pinunasan ang luha niya.

"Bilang magulang nila gusto lang namin na ligtas sila."sabi ko. Ngumiti ang dalawa sa amin at tumango.

"Bukas na bukas ay tuturuan namin sila."sabi ni Hyuna at hinawakan ang kamay ni Mitch ko.

"Nandito lang kami para sa inyo insan. Gusto niyo ba mag lagay kami ng security sa kanila?"tanong ni Hyuna.

"Wag."

"Oo." Napa tingin kami ni Mitch ko sa isa't isa.

"Bryan."

"Mitch ko."

"Malalaki na sila, baka masakal lang natin sila kapag pinalagyan natin sila ng bodyguard." Sabi niya sa akin.

"Sabi ko kanina, bilang magulang nila, gusto ko lang na ligtas sila. Hindi naman natin sila sasakalin ng todo eh. Lalagyan natin sila ng bodyguard pero ng hindi nila nalalaman. Saka lang mag papakita o lalabas ang bodyguard nila kapag kailangan."sabi ko.

"Pero Bryan--"

"Pinag bigyan na kita sa gusto mo, yung gusto ko naman ang masusunod ngayun Mitch." Sabi ko. Huminga lang siya malalim saka ngumiti.

"Tapos na po ba kayo?"tanong ni Zelo na naka takip ang mata. Napa irap kami ni Mitch. Binatukan siya ni Hyuna kaya natawa kami.

"Grabe ang corny niyo tignan."sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Royal Trouble Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon