Chapter 13

28.8K 1K 1.8K
                                    

"Joke," Vale laughed. "Ang seryoso niyo naman. Para ko nang kapatid 'to, e."

Hinampas ko lang siya sa braso habang sina Lia at Mage naman ay nagpatuloy na magkwento. Si Selena naman, nakatingin lang sa cellphone niya habang kumakain ng pigar-pigar. Umuwi na rin kami kaagad ng Baguio pagkatapos kumain.

Pinagod lang talaga namin si Vale. Yun lang ang purpose namin sa buhay niya.

It was a stressful term for us since finals ang sumalubong sa amin pagkatapos ng Holy Week. Siguro dagdag stress pa sa akin kung hindi ako sinusundo ni Claude kasi sobrang haba ng pila palagi sa jeep. Kapag may event naman siya sa Church ay nagtataxi na ako pauwi o nagpapahatid ako kay Vale. Buong term ay ganoon lang palagi ang routine namin ni Claude kahit na nakuha ko na ang lisensya ko.

Claude Johnson Noestro: i'm at school na wbu?

Inayos ko ang buhok ko habang binabasa yung message ni Claude sa messenger. Hindi na ako nakakakain sa umaga at gabi dahil wala na talaga akong oras sa dinami dami ba namang binibigay ng mga prof namin. Partida, wala pa akong org neto.

Rafaela Escalde: i'm paalis palang

Claude Johnson Noestro: did  you eat?

Hindi ko na siya nireplyan at tumakbo na ako papuntang waiting shed para pumara ng jeep. Kahit sabog na sabog na ang utak ko, sinubukan ko pa rin magbasa sa jeep pero nakatulog lang ako. Agad akong bumaba nang maramdaman kong may mga bumababa na rin. Pumara ako ng isa pang jeep para makapunta sa SLU.

"Are you okay?" tanong kaagad ni Vale pagkaupo ko. "Not this again, Raf."

"I'm fine!" sabi ko kaagad sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at hinila ako palabas. Dumiretso siya sa Cafe Luis at bumili siya kaagad ng tubig at isang budget meal.

"Are you even sleeping?" tanong niya sabay bukas ng bote ng tubig ko.

"Ang OA mo Vale, lahat naman tayo sa classroom ganito!" I laughed and ate. "Thank you for the food. I'll pay you sa classroom."

Totoo naman talagang lahat kami sa classroom ganito. Maski si Selena ay naka-dalawang breakdowns na sa amin ni Vale dahil hindi na raw siya maka-landi dahil sa requirements namin. Hindi naman na kasi makatarungan minsan yung pinapa-memorize! Pero hindi naman kami pwedeng magreklamo dahil pinili namin yung kursong 'to. 

"Yeah, but you can't be a part of everyone." Humalukipkip siya. "Gusto mong maulit yung nangyari nung midterms last semester? Mahirap habulin ang prof kapag finals."

Sinabunutan ko siya at nginisian. "Okay lang ako! Promise!"

"I can do your theology essay-"

"Wag na, Vale." Ngumiti ako. "Kaya ko naman."

Tinignan niya lamang ako at huminga nang malalim. "Bilisan mo, kailangan na natin bumalik sa classroom in 10 minutes."

Pagkatapos ng exams namin ay umuwi na ako kaagad. Chinat ko na lang si Claude na uuwi na ako dahil marami pa akong gagawin at aaralin.

"Hoy, okay ka lang?" tanong sa akin ni Margaux.

Naka-higa lang ako sa sofa dahil nagpapahinga ako sa pagbabasa ko. Pakiramdam ko ay wala nang mapipiga ang utak ko.

"Kailan ka pa ganyan?" tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko. Last exam na namin bukas at hindi ko pwedeng ma-miss 'yon dahil hindi ko na mahahabol yung mga prof namin after exams.

"Seryoso nga, Raf?" She came near me. "Alam mo namang sakitin ka, girl. Magpahinga ka rin-"

"Okay nga lang ako," mariin kong sabi.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now