Tumakbo ako kaagad para ayusin yung gown ni Margaux. Halatang kinakabahan siya dahil kanina niya pa kinakagat yung kuko niya.
"Ano ka ba! Sisirain mo yung kuko mo!" Palo ko sa kanya.
"Raf, tama ba ginagawa ko?!" She grabbed my shoulders.
Sinampal ko siya para matauhan siya. She's probably one of the most beautiful brides I've ever seen. She had a long white flowing dress which was perfect for this beach wedding.
"Oo! Kumalma ka!" sabi ko sa kanya. "Mayaman naman si Franco, kaya kang buhayin!"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Gold digger."
"Practical lang," I teased. "Kidding! I know you're a strong independent woman. Sana magka-anak na kayo para ma-spoil ko na pamangkin ko."
"Anak kaagad iniisip mo! Baka nga hindi ako ikasal ngayon!" She groaned. "Is it too early?"
Umiling ako at tumawa. She's been engaged with Franco for more than a year now. Franco proposed nung graduation ceremony ni Margaux and they went viral on facebook and twitter. Gulat rin nga si Father President!
"Kebs lang," I told her. "You guys have been making landi since high school. You know that he's the guy you're going to love for the rest of your life... so bakit ka pa nagdadalawang isip?"
Nagbuntong hininga siya at ngumiti. I nodded towards her direction in assurance and took a peak outside the tent. Marami-rami na ring mga taong dumadating at ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw. Naka-handa na rin ang entourage na maglalakad bago lumabas si Margaux.
Ginala ko ang mata ko at nagulat na lang ako nang makita ko yung mga lalaki na nasa tabi ni Franco. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng pamilyar na mukha.
"HOY!" sigaw ko. Napatingin yung ibang tao sa direksyon ko kaya pinasok ko ulit ang ulo ko sa tent. "Akala ko ba si Lance na yung best man ni Franco?!"
"Proxy lang si Lance! Bakit? Hindi na ba siya?" tanong ni Margaux sa akin.
Para akong tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng hininga ko. Claude looks so different now.
Well, dapat lang talaga. It's been 5 years. After our short term exam nung first year, I heard he transferred to Manila.
Of course I've seen him on TV during UAAP season and PBA finals.
"Nand'yan si Claude," I told Margaux. "Bakit siya nand'yan?! Hindi mo naman sinabi sa akin! Wala naman siya sa rehearsal dinner kagabi! Hindi ako lalabas! Hindi ko mapapakit-"
"OA!" Sampal sa akin ni Margaux. "Parang naman ikaw yung ikakasal! Mas madrama ka pa kaysa sa akin, ah!"
Sinamaan ko siya ng tingin. I don't know what to feel.
It's been 5 years. 5 years! I shoudn't be this affected! We've grown! RMT na ako ngayon! Hindi na ako first year student na may crush sa isang basketball player galing sa Bakakeng Campus!
"Hoy, tara na! Ang tagal niyo!" sabi ni Natalia, ang isang bridesmaid ni Margaux.
Considering that Natalia's one of my sister's closest friends, siya dapat talaga ang maid of honor. Nag-bato bato pik lang talaga kami kung sino ang magiging maid of honor ni Margaux.
Halos hilain ako patayo ni Margaux. "Alam mo, ikaw maid of honor ko, e! Ikaw dapat nagpapakalma sa akin! Hindi yung ikaw ang pinapakalma! Kala mo naman naging jowa mo 'yon."
"Kung hindi ka lang ikakasal ngayon, sinabunutan na kita," sabi ko sa kanya.
Tumawa kaming dalawa at inayos ko ang buhok niya nang magsimula na ang harp sa labas. We both took a deep breath. Pumasok si Papa sa loob ng tent at halatang naiiyak na siya.
YOU ARE READING
A Tale In Session (City Series #1)
Teen FictionCity Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his family background, with that comes a lot of pressure when it comes to his lovelife. Every move he makes, news spreads around the city like wi...