"Okay, I'm ready for my photos!" Ngisi ni Lia habang pinapagpag ang shorts niya. "Mabuti na lang at di pa ako kumakain ng breakfast!"
Kararating lang namin sa Sand Dunes dito sa Paoay. Lagpas tanghali na pero minadali namin sina Selena na magpalit na dahil gusto namin maabutan ang sunset dito sa Sand Dunes.
"Umayos ka, Lia. No one's gonna take a picture of you." Tumawa si Natalia. "Try mo magpapicture habang nasa 4 by 4!"
Sumakay si Franco, Margaux, Hanz, at Lance, at Mage sa isang 4x4. Habang ako, si Vale, Natalia, at Lia naman sa isa. Si Selena ay nasa 4x4 rin namin per sa harap siya naka-upo. Hindi alam nina Claude kung saan sila pupunta dahil ang tagal pa ni Alice na nag-palit ng damit sa sasakyan kaya nahuli sila.
"Bro! Doon ka nalang kina Raffy para sakto na," sabi ni Franco kay Claude.
Sinulyapan naman siya ni Alice.
"Okay, let's ride there nalang," Alice pointed at our ride.
"Wait, hindi na pantay," Biglang salita ni Natalia. "Five lang dito, tapos isa sa harap, diba? Nasa harap na si Selena. Doon sa isa, walang tao sa harap."
"Doon nalang ako," I volunteered.
"Huh? Dito ka." Pigil sa akin ni Natalia.
Sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong iniisip niya! Ayokong kasama si Claude sa isang sasakyan! Kaya nga nung papunta kami dito, convoy! Hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi niya rin naman ako kinakausap, e. Quits lang.
"Doon na nga ako," mariin kong sabi, pero mahigpit ang hawak ni Natalia sa braso ko.
"Dito si Raffy! Decide na lang kayo kung sino d'yan, ah!" sigaw ni Lia.
Siniko ko kaagad siya kaya malaki ang ngisi niya. Napalingon ako kay Vale at Natalia na nagkatinginan. Pinandilatan ko sila.
"Dalian niyo na! Doon ka na kina Raffy, Claude," Dagdag naman ni Hanzo. "O baka gusto niyo doon na lang si Alice. Bonding ng mga nagmamahal kay-"
Tinakpan agad ni Margaux ang bunganga ni Hanzo kaya naman natahimik siya.
Kung hindi lang kami nakikita, kanina pa ako napa-face palm!
In the end, Claude rode with us and Alice road in the other ride. We both stood on the other ends of the ride while Nat hung her arm on Lia's arm in front of us.
"AAHHH!" sigaw ni Natalia at Lia.
Si Vale naman ay enjoy na enjoy at medyo natatawa pa.
Vale is way different from how he was before. He used to be so introverted and silent. Now, he's more outgoing and less shy.
Kami naman ni Claude sobrang tahimik sa likod nila. Gusto kong sumigaw dahil pakiramdam ko matatapon ako ng sasakyan, pero kumapit na lang ako nang mahigpit.
Nagulat na lang ako nung biglang gumalaw yung 4x4 patagilid kaya tumilapon ako bigla kay Claude. Malaki ang mata ko habang siya naman ay kunot-noo lang akong tinignan.
His scent is way too familiar. It brings back even the smallest memories from years ago.
"Okeh kah-yoh?" tanong ni Vale.
Siniko kaagad siya ni Natalia pero nagpipigil na rin si Nat ng ngiti.
I quickly stood up and held on the other railing.
Awkward! Pakiramdam ko bumalik ako ng kolehiyo sa bigla kong naramdaman sa tiyan kong kilig.
No! Sabi ko nga sa'yo, Rafaela. Graduate ka na sa college. Graduate ka na rin sa pagiging marupok.
YOU ARE READING
A Tale In Session (City Series #1)
Teen FictionCity Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his family background, with that comes a lot of pressure when it comes to his lovelife. Every move he makes, news spreads around the city like wi...