Chapter 21

27.4K 1.3K 1.6K
                                        

"Classes are suspended today for students from pre-school to senior high school." Rinig ko sa TV. Saktong sakto ay katatapos ko lang mag-luto ng breakfast ni Paul at naka-uniform na rin siya.

"Walang pasok," I told him.

"Nakaligo na ako, eh!"

"Gusto mo maligo ka ulit sa labas?" tanong ko sa kanya.

Humalukipkip siya at umupo. Nilagay ko yung kanin doon at ang corned beef at scrambled eggs. Sobrang lakas ng ulan sa labas, mukhang mahihirapan mga nasa kolehiyo n'yan. Naalala ko nung internship namin, kahit bumabagyo't nahuhulog na mga puno, kailangan pa rin namin pumasok.

"Where's sina Mama?" tanong ni Paul.

"Tumawag sila kanina. Di pa daw sila makabalik, lakas ng ulan."

"Ate, kailan babalik si Kuya Claude dito?" tanong ni Paul kaya muntik na akong masamid.

"Hindi na 'yon babalik."

Kumunot ang noo niya sa akin, para bang may sinabi akong masama.

"He said we'd play more NBA when he comes back!"

"H'wag ka nang umasa." Uminom ako sa hot choco. "Pag umalis 'yon, di na siya nagpapakita ulit. Hintay ka limang taon, baka bumalik."

"Bitter."

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Paul. Nag-akma akong batukan siya pero tumakbo kaagad siya paalis at umakyat ng hagdan. Inayos ko na ang pinagkainan namin at nag-hugas. Nagulat na lang ako nung narinig kong may kumakatok sa pintuan.

Napakunot ang noo ko nung nakita kong si Claude na basang basa. Naka-puting t-shirt lang siya at jeans. He looks like how he did when he was in college.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"I forgot my wallet the other day," sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya. He really drove all the way to our house in the middle of a storm... for his wallet?

"Saan?" Binuka ko yung pintuan para maka-pasok siya.

Nahanap namin yung wallet niya sa sofa kung saan siya naka-upo nung isang araw. Nagulat na lang ako nung nakita kong tumatakbo si Paul pababa ng hagdan at malaki ang ngiti.

"Kuya Claude! You came back!"

Nginitian rin siya ni Claude at binigyan ng fist bump.

"Sabi ni Ate, hindi ka na daw babalik, eh!" sabi ni Paul sabay upo sa sofa.

"Huh?" Ngumisi si Claude. "Sinabi niya 'yon?"

"Yeah! She-"

"Wala akong sinabi," Agad kong putol sa sasabihin sana ni Paul.

Umiling si Paul. "She told me to wait for five years!"

Napapikit ako at napangiwi sa sarili ko.

Self reminder: wag mo nang kausapin yung bata mong kapatid tungkol sa mga lalaking may girlfriend.

"Talaga?" Claude asked. "Five years pala, ah."

"Wala akong sinabi, ah."

"Ate, nagsisinungaling ka."

Lumingon ako kay Paul at pinandilatan siya. Naglakad ako kaagad patungo sa pintuan at binuksan 'yon para senyasan si Claude na umalis na.

"Ate, gusto ko ng Jollibee."

"Walang magdedeliver ngayon," I told Paul.

"But why?"

"Ang lakas ng ulan at hangin sa labas," I answered. "Tska kaka-kain lang natin, ah!"

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now