"Wala kaming pasok tomorrow," sabi ko kay Claude habang naglalakad kami patungo sa parking.
Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"So you're available for the weekend?" tanong niya sa akin.
Magla-lunch pa lang kami ngayon kaya niya ako sinundo. Half day lang naman kami kapag Fridays kaya sinundo niya ako kaagad.
"Yup," sagot ko. "Why?"
It's been a month since I met Jaxon outside Mage's condo, and I haven't told anyone what happened yet. Isang buwan na rin akong sinasabay ni Claude sa mga services nila, pero... nararamdaman ko lang palag na hindi ako parte doon.
"You wanna go somewhere?" Sinimulan niya ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho.
"Saan?"
Diniretso niya ang sasakyan patungo sa Session Road. Hinihintay ko pa rin ang sagot niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.
These past few weeks, I know he's been noticing something off. I've just been trying to making it normal. Pero ang bigat itago sa kanya. Gusto kong sabihin yung nangyari with Jaxon... but I don't want to hurt him. I choose him. I love him. And I don't want to lose him just yet.
Maybe keeping the truth from him is better than losing him?
"Sagada."
Nanlaki naman ang mata ko sa kanya.
Seryoso ba siya?
"Totoo?" I asked him as he parked the car in front of Bonchon.
Tumango naman siya at ngumiti.
"Saturday to Sunday," he said. "Overnight lang. You okay with that?"
"Sino kasama natin?!"
"You can invite your friends if you want," sagot niya sa akin.
Bumaba siya ng sasakyan at agad na tumakbo para pagbuksan ako ng pintuan.
Bwisit! Uunahan ko na sana siya, e.
"Do you want to go?" tanong niya pagkababa ko. Ngumiti ako.
Sagada?
Pagdating ng gabi ay inimbita ko na kaagad sina Vale na mag-Sagada.
Siyempre, si Lia available dahil wala naman silang klase sa SAMCIS. Si Vale ay medyo naiilang pang umoo pero napilit rin siya ni Selena. Si Mage naman, hindi daw makakapunta dahil bibisita daw ang magulang niya dito sa Baguio.
Nag-sleepover si Selena at Lia sa bahay para sabay na kaming pupunta sa bus station ng 5 AM bukas. Gusto daw ni Claude at Vale na mag-drive na lang at salitan na lang daw sila pero pinilit kong mag-bus. Siyempre, yung past roadtrips ko with them puro sasakyan. Gusto ko ma-experience din naman namin ang pakiramdam na mag-commute.
"Aalis na po!" sigaw ng kondoktor.
Sumandal ako sa balikat ni Claude sa tabi ko. Mukhang first time niya rin mag-commute kaya natutuwa akong kasama niya ako.
"Burgis mo naman," sabi ko sa kanya nung kinumpirma niya na hindi pa nga siya nakaka-sakay ng bus.
A few minutes after the bus started moving, the conductor started giving out tickets. Lumapit siya sa amin at tinanong kung saan kami patungo.
"Sagada po. Lima po kami," I answered.
While the conductor punches the details on the ticket, Claude took out his wallet. Inabot ko kaagad sa kondoktor yung bayad bago pa matanong ni Claude kung magkano.
YOU ARE READING
A Tale In Session (City Series #1)
Fiksi RemajaCity Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his family background, with that comes a lot of pressure when it comes to his lovelife. Every move he makes, news spreads around the city like wi...