"Wait lang, pagod na ako!" reklamo ni Selena habang umaakyat kami sa Abortion Steps. "Bakit kasi sa UB pa tayo susunduin ni Vale? Eh pwede naman siyang dumaan sa Magsaysay!"
"Onti nalang 'yan! Dali!" sabi ko habang hiningal na rin.
Pakiramdam ko may sumpa talaga 'tong Abortion Steps na 'to. Mas pagod pa ako dito kaysa sa hagdan sa Vath, eh.
Since Friday ngayon, sinundo muna ni Vale yung kapatid niya sa LES at hinatid pauwi. Day off kasi ng driver ng pamilya nila kaya siya ang kailangan magsundo.
Ngayon naman, susunduin niya kami para makapunta kaming tatlo sa condo ni Mage sa Pineridge. Si Mage siguro yung pinaka-magastos naming kaibigan. Sa Brent kasi siya dati, ngayon naman ay lumipat siyang SLU. Solo'ng solo niya yung condo niya kahit labag pa rin sa loob ng magulang niya na hindi siya nag-kolehiyo sa Enderun.
"Si Lia, nasaan na daw?" Selena asked while trying to catch her breath.
Nag-kibit balikat ako at kinuha ang phone ko para itext si Vale.
To: Vale
Nandito kami sa tapat ng isang building ng UB, malapit sa OPD.
"Malapit na daw si Vale," I said.
Tumango naman si Selena at nag-labas ng water bottle niya. Nagulat na lang ako nang biglang mabuga ni Selena ang iniinom niya.
"Si Noestro!" she said. "Ang pogi!"
Nang marinig ko 'yon ay bigla akong kinabahan.
The last time I saw Claude, sobrang nakakahiya 'yong asta ko! Alam kong kinilig siya doon pero nakakahiya pa rin, shy type ako, eh!
"Si Claude?" I clarified.
Umiling naman si Selena sabay turo sa lalaki na naglalakad patungo sa gate na dinaanan namin kanina.
"Ez!" I called.
Lumingon naman kaagad si Ezra nang marinig niya 'yon. A big smile was plastered on his face and he immediately ran up to us.
"Ikaw nanaman! Napapadalas na kita ko sa'yo, ah," sabi ni Ezra sabay yakap sa akin nang mabilisan. Kumaway rin siya kay Selena na mukhang mahihimatay na sa likod ko.
"Paano ka napadpad dito? Akala ko SAMCIS ka?" tanong ko sa kanya.
He immediately shook his head. "Hindi! Si Kuya 'yun. Dati lang akong SAMCIS. Nagshift na ako sa Engineering."
"Ay," I nodded. "Bakit ka nasa Bakakeng nung Saturday?"
"Oh, I just played basketball and waited for kuya. Namention ka nga no'n pagkauwi niya, eh." sabi niya na parang natatawa. "Tinanong niya kung anong course mo."
Hala? Interesadong interesado naman siya? Baka nahulog na agad sa akin? Liligawan niya na ba ako? Baka sinastalk na niya facebook ko as of this moment? Hala! Hindi ko pa nadedelete yung profile picture ko nung grade 3 ako!
"Wow, ano sabi mo?" tanong ko.
Biglang naglakad si Selena papunta sa tabi ni Ezra habang yung ngiti niya ay abot na siguro hanggang sa ozone layer.
"Sabi ko Med Tech. Diba 'yon gusto mo kunin noong high school?" Tawa niya. "Di ko kasi sigurado, eh."
"Tama ka naman!" biglang salita ni Selena. "Ako rin! Medical Technology rin kinukuha ko! Actually, Medical Laboratory Science na pangalan niya ngayon."
Etong babaeng 'to, hindi talaga mapakali kapag may pogi.
"Ay, ganun? Haha! Sige, kapag tinanong ulit ako, sasabihin ko Medical Laboratory Science." Ngisi ni Ezra.
YOU ARE READING
A Tale In Session (City Series #1)
Teen FictionCity Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his family background, with that comes a lot of pressure when it comes to his lovelife. Every move he makes, news spreads around the city like wi...
