Chapter 3

39.9K 1.4K 1.6K
                                    

Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang pabilis nang pabilis ang araw. Parang nung kailan lang, Sunday palang tapos ngayon, Thursday na kaagad. Palapit na rin nang palapit ang February. Last week na ng January ngayon kaya wala kaming klase sa Saturday dahil opening ng Panagbenga.

"Tara sa covered court, may tune up game ang Navi at Cardinals para sa BBEAL," aya ni Selena habang ako ay nagbabasa ng notes dito sa fountain.

Si Vale naman ay nakatuon lang ang pansin sa ML. Minsan, hindi ko na rin talaga alam kung paano nakaka-pasa si Vale dahil panay ang online games niya kapag kasama namin siya! Pero matataas naman mga grades niya, kaya hindi na rin kami nagrereklamo.

Ngumiti ako dahil ka-laro ko lang siya kanina, bago kami makarating dito.

Hindi pa kaya 'yan titigil?

"Assist naman o," bulong niya. Halata na sa mukha niya na naiinis siya sa mga kasama niya.

"Covered court na!" Tayo ni Selena.

Umiling ako kaagad.

May quiz pa kami sa Public Health bukas at ayokong ibagsak 'yon. Nagbibigay daw ng line of 6 si Sir Andrei. Bakit ba puro terror na profs ang binibigay nila sa mga unang blocks?

"Nandoon crush mo, bahala ka." Nguso ni Selena.

Nawala ang mata ko sa handout ko at bigla akong napatingin kay Selena. "Oo, nandito sina Claude! Maharot ka!"

Nandito nanaman siya? Parang napapadalas naman ata ang pag-dalaw nila dito sa main campus? Crush talaga ako no'n!

"Tara!" Ngisi ko.

This time, it was Vale who shook his head.

"Pass. Manunuod lang kayo ng basketball players doon, eh."

"That means maraming mga babaeng uhaw sa lalaki! Malay mo nandoon na si Misis Right!" Alog ni Selena sa braso niya.

"Hindi uhaw sa lalaki si Misis Right," sabi niya habang pinipindot pa rin ang phone niya.

Humalukipkip si Selena at nagbuntong hininga. She's probably thinking of ways to get Vale to come with us. Ako, alam kong hindi rin 'yan sasama.

Vale never liked watching basketball dito sa school. Mas gusto niyang naglalaro ng 2K sa play station niya o nanunuod ng mismong NBA kesa manuod sa mga laro dito sa university.

"Vale, yung turtle sa fountain oh, nandito." Ngisi ni Selena.

Agad namang tumayo si Vale at tinago ang phone niya. Mabilis siyang nag-lakad patungo sa lobby habang kami ni Selena ay sumunod sa kanya.

"Uwi na ako," paalam niya sa amin pagkarating namin samay Chapel.

Mas lalong sumimangot si Selena dahil sa sinabi ng kaibigan namin.

Tumingin naman si Vale sa akin at binigay ang wallet ko na kanina niya pa hawak. "Brawl mamaya."

Tumango na lang ako sa kanya at niyakap siya. Ginulo niya buhok ko at bahagyang binatukan si Selena.

"Aray ko naman!" angal ni Selena. "Uwi ka na nga! LQ tayo! Mamamatay na ako sa lungkot sa away natin na 'to!"

"Sa dami mong boyfriend, I think you'll live." Vale chuckled.

Bumelat muna si Selena sa kanya bago ako hilain patungo sa covered court.

Hindi ko alam kung bakit ako naeexcite. First time ko atang makikita na naglalaro ng basketball si Claude after ilang years. Nung una ko naman siyang nakita sa Bakakeng, naka-jersey lang siya pero di ko siya napanuod na mag-laro. The last time I saw him play basketball was probably at their house nung grade 9 pa lang kami at bumisita kami sa bahay nila dahil ginawa namin ni Ezra ang group project doon.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now