Chapter 6

32.8K 1.3K 2.3K
                                        

Napasapo ako sa noo ko habang nagbabasa ng readings ko para sa Public Health. Sobrang dami kong kaklase na nasistress dahil sa dami ng readings namin sa subject na 'to, at isa na rin ako doon. After nung break-down ko sa SM last week, sabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako magbibreakdown ulit.

At least not this month!

Pero mukhang mali ata na nag-promise ako no'n sa sarili ko dahil sobrang daming kailangan aralin tapos wala pa akong source of kilig!

Hindi ko pa nakikita si Claude sa kahit anong lugar na pinupuntahan ko. Well, understandable naman since hell week kaya wala talagang training for athletes dito sa SLU. Si Jaxon naman...

Ah, ewan ko doon! Bakit ko ba siya naisip? Hindi naman siya ang source of kilig ko, eh. Dati 'yon. Past is past. I've moved on!

Pero siyempre sinasabi ko lang 'yon kasi di ko nakita mukha niya ng isang linggo.

"You look like you're about to cry," sabi ni Vale sa tabi ko.

Nandito kami sa bahay dahil tapos na ang klase namin sa Sabadong ito at napagdesisyunan namin na dito nalang sa bahay mag-aral.

"Kasi naman," Simangot ko. "Sobrang napagod ako this week! Everyday, may quiz tayo! Tapos ngayon tatambakan pa tayo ng ganito ka-rami na readings?!"

Ngumiti nalang siya at umiling habang nagbabasa ng comics galing sa collection ni Paul.

Ang usapan, review! Eh itong si Vale, gusto niya lang naman pumupunta dito dahil kumpleto ang DC at Marvel comic collection ng bata kong kapatid.

"Magrereview ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Nope," he answered.

Inirapan ko siya at nag-patuloy na basahin ang notes ko.

Nakaka-walang gana naman! Wala man lang akong motivation galing sa mga crush ko, ganon.

Ako na lang mag-motivate sa sarili ko.

Go, Raf. Kaya mo 'yan! Ano ba 'yan, Raf, kumain ka naman. Wag ka magpagutom, sige, magkakasakit ka niyan.

"Why are you laughing?" tanong ni Vale sa akin.

"Minomotivate ko sarili ko," paliwanag ko sa kanya.

Nilagay niya bigla yung likod ng kamay niya sa noo ko. "Okay ka lang?"

Agad ko itong tinanggal at sinara ang notes ko. "Nababaliw na ako."

Pagdating ng gabi ay umalis na rin si Vale kaya nilunod ko na ulit ang sarili ko sa Chemistry. Ayokong nag-aaral ng Chemistry kapag meron ang ibang tao! Kailangan talaga yung focus ko nandoon sa ginagawa ko.

Habang nagcocompute, chineck ko ang phone ko dahil narinig ko itong tumunog.

From: Jaxon

I know you're stressed and kailangan mong mag-review pero wag ka na mag-coffee

From: Jaxon

Yun lang hehe

Napahinga ako nang malalim nang mabasa ko yung mga text niya.

So ngayon, naaalala niyang hindi na ako pwede sa kape? At bakit niya ako iniisip, ha?!

Well, gano'n talaga, Raf. You live in people's minds rent free. Main character vibes!

"Ano ba naman," sabi ko sa kawalan.

Miss na miss ko na rin kasi talaga siya. Main character vibes, pero tanga.

To: Jaxon

Yaaa I won't

From: Jaxon

That's good. Anong oras ka matutulog?

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now