Prologue

16 2 0
                                    

Karaniwan na sa mundo na kapag lalaki malakas at palaban.

Bata palang ako pangarap ko na maging magaling at matapang na pulis tulad ng Papa ko.
Gustong-gusto ko yung nagliligtas ng mga tao tulad ni superman,ni Batman,spiderman, o kaya tulad ni Shazam na bata lang at naging malakas.

Pero paano ako magiging superhero kung sa babae palang naduduwag na ako.

Bata palang ako naranasan ko na kutyain ako dahil sa pagiging lampa at duwag ko kahit babae sinasapak ako at di ko magawang maghiganti.
Nasobrahan na ata ako sa kabaitan pero ang totoo nun di ko kaya lumaban.

Si Papa palagi ang nagtatanggol sakin pag inaaway ako ng mga kaklase ko.Kaya minsan walang gumagalaw sakin.

Pero lalo akong naging mahina nung mamatay si Papa.
Nasa grade 5 ako nun nang mawalay sa ama,,,si Mama naman palaging nasa trabaho,,,iniiwan lang niya ako kina tita Lorry ang kapatid ni Mama.

Bawat hakbang ko papasok sa room para akong unti-unting linulumpo at parang gusto ko nalang umupo sa sahig at umiyak maghapon.

Araw-araw parang impyerno ang school ko,,,bawat isa kinukutya ako,,tinatadyakan,sinasapak at nagiging utusan.
Kaya minsan nun umuuwi ako na may mga pasa sa katawan.
Di rin ako makapagsumbong kasi wala naman akong Mama na magtatanggol dun sakin.

Minsan pag malupit na talaga ang mga kaklase ko si Tita Lorry ang nagtatanggol sakin dun.Pagkatapos nun isang araw lang ang pahinga nila tapos paglalaruan uli nila ako.

Sinabi nun ni Tita Lorry kay Mama ang kalagayan ko sa school dahil sa hindi ako na aalagaan ni Mama wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sakin.

Kaya ng mga araw na yun umiyak siya ng umiyak sa harap ko at patuloy ang paghingi niya ng tawad dahil di daw niya magawa ang responsibilidad niya bilang ina sakin.
Pero kahit bata palang ako nun nauunawaan ko na ang dahilan ng pagtatrabaho at kawalan niya ng oras sa akin.

Nung tumungtong ako ng Highschool inilipat ako ni Mama sa ibang school.
At doon medyo naging tahimik ang buhay ko pero di parin mawawala ang mga estudyanteng mapanghusga.
Minsan nalang ako nabubogbog doon kahit paano tumatahimik naman ang mundo ko.

Pero bigla nalang gumuho ang mundo ko nung nagkasakit si Mama at namatay.
Nasa secondyear highschool ako nun ng iwan niya ako.
Halos isang buwan ako hindi pumasok sa school at dahil dun muntik na akong bumagsak sa mga subject ko.
Pinilit ako nun ni Tita at ni Carice ang pinsan ko na pumasok.Pinalakas uli nila ang loob ko.

Nangako ako nun sa sarili na lalaban ako para kay Mama.Matagal siyang nagpakahirap para mabuhay lang ako.
Kaya muli akong lumaban.
Pumasok ako sa school at bumawi para sa isang buwan na nawala  ako.

Dahil wala na si Mama kina Tita Lorry na ako tumira.

Ang malaking pagsubok na dumating sakin nun ang panahon kung kelan muntik na akong huminto sa pag-aaral.

Highschool palang ako natuto na ako magbanat ng buto.
Nagparttime job ako para masustensuhan ang pag-aaral at ayaw ko rin maging pabigat kina Tita Lorry lalo na't single parents narin siya.

Nagtrabaho ako sa Chicken House bilang taga-prito ng manok.
Parang korean style ang kainan na yun.

Dahil nagkaroon ako ng trabaho nagpatuloy ako sa pag-aaral.

Grade 10 ako ng mabalitaan ko na may exam para sa mga gusto maging scholar sa pinakamalaking school dito sa Baguio ang Ayala International School.

Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon kumuha ako ng exam baka sakali di ko na poproblemahin ang pang-seniorhighschool ko.

She's My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon