CHAPTER 2

10 1 0
                                    

Yren's PoV

Unang araw palang sa school may mga batas na agad sa akin ang Dean.
Oo ama ko sya pero mas gusto kong tawagin sya na Dean kaysa sa Dad.

Paulit-ulit nalang ang patakaran niya halos mabingi na ako sa mga sigaw niya na nakakarindi ng tenga.

Bawal daw ako makipag-away,,,hay naku hindi ako mabubuhay ng di nakikipag-away tapos di ko yun maiiwasan hangga't nanjan ang mga yawa.

Maging mabuti na daw akong estudyante,,,hahahahha nakakatawa,,di ko kayang gawin yun.

Wag na raw akong sasagot sa mga teacher ko,,,,eh pano di ako sasagot kung tinatanong nila ako tapos kapag sumagot naman sasabihin walang respeto,,,bastos,,hambog,,matigas ang ulo.
Wala na akong magandang narinig about sakin sa school na yun,,,,siguro yung mga naririnig ko nalang ata na 'ang lakas ni Yren' yun nalang ang naririnig kong papuri pero susundan yun ng 'Kababaeng tao basagulera'...Hay ewan..wala nang maganda para sa akin.

Sinubukan ko na noon maging mabait pero mapang-insulto sila.
Sasabihin nila 'ay yung demonyo nawalan ng sungay,,,pero demonyo ka parin'...sino pa ba ang magpapakabait  sa mga mapanghusgang tao.

Kaya ako imbis na magbago mas pinalala ko pa ang pagiging malupit.
Walang babae o lalaki sa paningin ko kapag magdilim ang paningin ko.
Lahat madadapuan ng kamao ko kapag nagising ang demonyo sa kaloob-looban ko.

Kasi naman sinubukan kong maging mabait pero sa halip na ikatuwa nila yun tinukso lang nila ako.
Mas mabuti pa ngang maging ganito kasi takot ang lahat sayo kesa sa magpaka-anghel ka pero ipapatikim sayo ang impyerno.

Demonyo daw ako,,,hahahhaha nakakatawa,,,mas Demonyo ang Zach na yun,,,kalalaking tao di umuobra sakin.

Dahil paulit-ulit akong pinapagalitan ni Dean maging sa school man o sa mansyon di ko magawang maging malapit sa kanya.

Si Grandma lang naman  ang nakakaintindi sakin at ang mga kapatid ko,,,pero sa oras na pinapagalitan ako ni Dean di nila ako magawang ipagtanggol dahil ayaw nilang suwayin si Dean.

Kaya minsan lang ako umuwi ng mansyon,,,,kina Raffy ako umuuwi tutal wala ding tao ang bahay nila yung parents  naman kasi niya busy sa business.
Dun rin namamalagi sina Gwen at Toneith mga barkada ko.

Dahil nag iisa lang na anak si Raffy kaya kaming  apat lang ang nasa bahay nila.
Lumaki kami ng pinagsisilbihan kaya di kami marunong sa mga gawaing bahay kaya yung parents ni Raffy kumuha ng limang maids at apat na gurdia ng bahay.

So may mga kasama na kami sa bahay nila.

Pagdating naman sa mga pangangailangan namin,,tulad sa project or activity o di kaya panggala namin,,no problem dahil yung mga ATM namin puno yun ng pera kaya kahit saan kami magpunta nagagawa namin o ano man gusto namin nakukuha namin kahit babae.

Oo babae,,,kahit babae rin kami mahilig kaming manchixx daig pa namin ang mga playboy.
Pero trip-trip lang namin yun.
Mga boyish kasi kami,,,sumasama naman samin yung mga babae dahil alam namin pera ang habol nila.

Kaya maski isa sa mga naging girlfriend ko wala akong seneryuso.

Pero kapag sukdulan na talaga ang galit sakin ni Dean hindi niya ako binibigyan ng pera.
Pero kay kuya Clive ako palihim humihingi ng pera.

Siya ang tumutulong sakin kapag wala na akong pera.
Isang CEO si kuya Clive sa kompanya namin siya ang panganay samin pero dahil sa sobrang seryuso at subsob sa trabaho nakalimutan na niyang mag-asawa.

Si kuya Keith naman ang sumunod kay kuya Clive siya ang joker samin nasa 4th year college na siya sa medicina.Ako ang sumunod at si Jyle ang bunso namin nasa grade 9 siya ngayon.

She's My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon