CHAPTER 5

6 1 0
                                    

             *   Acquaintance Party  *

Matt's PoV

And Now it's time for party.

Nag-ayos na ako,,,,si Carice naman nasa Salon,,,sinama siya ng mga kaibigan niya kasi doon sila magpapaayos.
Dadaanan nalang namin siya sa bahay ng kaibigan niya doon narin daw siya magbibihis.

Inayos ko ang buhok ko,,,malinis rin ang pagkakasuot ko sa damit ko.
Black Suit ang pinahiram sa akin ni Owen,,,medyo maiksi nga kasi matangkad talaga ako pero kasya naman.
Pinakintab ko talaga ang blackshoes na pinahiram din niya sa akin pati relo pinahiram din niya ako.
Inayos ko ang necktie at ang pagkakabutones ng longsleeve sa loob.
Para akong isang CEO sa porma ko,,,pero bagay sakin ah(~_^)

"Ang pogi mo"usal ko sa sarili sa salamin,,,,pamodel-model pa ako sa harap ng salamin,,,minsan lang akong makasuot ng ganitong porma.

"Matt???nandito na si Owen"tawag sa akin ni Tita,,,kaya lumabas na ako ng kwarto.

"Nakss Bro,,,ang pogi mo ah,,,kala ko si Jack Dawson hahaha"natawa niyang usal natawa rin ako.

"Pano po Tita,,,alis na po kami"paalam ko at humalik sa noo niya.

"Ingat ka ah,,,enjoy the party"usal pa ni Tita na kumakaway-kaway pa sa akin.

"Alis na po kami Tita"paalam ni Owen,

"Ingatan mo ang Jack Dawson ko ha"biro pa ni Tita natawa naman kami ni Owen.

Bumaba na kami ng apartment,,,nasa second floor ang apartment namin imaginine niyo nalang:-)

Sumakay na kami sa kotse niya at dadaan muna kami kina Cathleen.

Ilang minuto lang nasa labas na kami ng gate ng bahay nina Cathleen.

*Peeepeeeepppeepp

Bumusina si Owen,,at bumukas yung gate.

"Bro dito ko lang muna ah"usal niya tumango naman ako.
Lumabas siya at pumasok sa bahay.

Ilang minuto pa akong naghintay sa kotse hanggang sa lumabas narin si Owen at si Cathleen.

Pinagbuksan ng pinto ni Owen si Cathleen at pumasok,,,,,ganun rin si Owen.
Nasa unahan si Cathleen katabi ni Owen nasa likod naman ako.

"Hi Matt"bati sa akin ni Cathleen ngumiti naman ako at kumaway lang.

"Ang gwapo mo ah"komento niya napatingin naman ako kay Owen baka magselos eh pero natawa lang siya.

"Salamat,,,ang ganda mo rin"usal ko sa kanya.

"Aysuss,,,binola mo pa ako"biro paniya.

"Totoo,,bagay kayo ni Owen"usal ko natawa naman silang dalawa.

Umalis na kami at si Carice naman ang dadaanan namin.

Huminto na kami sa bahay ng kaibigan ni Carice.

"Ako nalang Bro ang lalabas,,hintayin niyo nalang kami dito"usal ko at lumabas na ng kotse.

*Diinnnggdonggg

Pinindot ko yung doorbell at lumabas ang guard ng bahay.

"Sinong kailangan niyo Sir?"magalang nitong tanong.

"Ahh,,nandiyan po ba si Carice?"

"Opo Sir,,,mamaya po tatawagin ko lang po"muling pumasok ang guard sa loob ng bahay.
Naghintay lang naman ako sa labas.

She's My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon