Matt's PoV
Pagkatapos namin mamasyal sa Burnham kumain kami sa isang Korean Restaurant.
Mga 2:00Pm bumalik na kami ni Yren sa Gym kasi tatapasusin pa namin ang paglilinis namin.
Nagsiuwian narin sina Raffy at yung mga kasama niya.Pagkarating namin sa Gym umupo muna si Yren sa bench.
Mukhang matamlay siya,,,kanina ko pa yun na napapansin sa kanya,,,pagkatapos lang nung nangyari sa bangka parang naging tahimik na siya at parang ang lalim ng iniisip niya.Sa lalim ng iniisip niya di niya namalayan manlang ang paglapit ko sa kanya.
Malayo lang ang tingin niya at panay ang buntong hininga niya.Yumuko ako sa harap niya pero di niya ako liningon,
"Ayos ka lang ba?"paggambala ko sa pag-iisip niya,,,napatingin naman siya sa akin,,,di niya lang ako kinibo.
"Dito ka nalang,,,I'm sure napagod ka sa pamamasyal,,ako nalang ang maglilinis"usal ko at nginitian siya.
Pero di parin siya kumibo,,,,napayuko nalang ako at tumayo.Mag-isa kong nilinis ang buong Gym.
Di ko narin nalinis ang library kasi hapon na ng matapos kong linisin ang Gym."Kaya mo bang umuwi mag-isa?"tanong ko sa kanya,,,,parang may sakit siya eh.
Tumango naman siya pero nanatili parin siyang tahimik."Sege,,,Ingat ka ah"usal ko pa,,,tumango naman siya at umalis na.
Napabuntong-hininga nalang ako,,,,,pumunta nalang ako sa Chicken house.
Mula hapon hanggang sa magsara na kami nasa Kusina lang ako,,,,hindi ako lumabas kasi parang nabored ako.
Di mawala sa isip ko si Yren.
'Ok lang kaya siya?'
Parang nagagawa ko nang mag-alala sa kanya,,,
Hindi na ako takot sa kanya,,,,mas gusto ko na nga siyang maging closefriend,,,,parang kailangan niya ng taong makikinig sa mga pinagdadaraanan niya,,,,I think hindi siya nag-oopen ng problem sa mga barkada niya.Ganun nalang awa ko sa kanya ng marinig ko ang kwento niya,,,,parang may humaplos sa puso ko.
Hanggang sa pag-uwi ko yun parin ang iniisip ko.
Kaya naging matamlay narin ako.Pagkauwi sa bahay,,,deretso agad ako sa CR at naligo.
Pabagsak akong humiga sa kama.
Naglakbay ang isip ko sa mga nangyari kanina sa bangka.
*SIGH
Hindi ko maisip kung bakit ko nagawang yakapin siya,,,,may kumurot kasi sa puso ko at bigla nalang ako napayakap sa kanya.
Ayoko kasing nakakakita ng taong umiiyak,,,,
Kasi nasasaktan rin ako.Sa sobrang pagod ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
zzzzzzZZZZ
* S U N D A Y
Bumalik ulit ako sa AIS,,,,agad akong nagtungo sa Library.
Pagkarating ko dun agad akong naglinis para matapos ko agad at para pagdating ni Yren konti nalang ang lilinisan niya.
Hanggang sa tapos ko naring malinis ang pool pero di parin siya dumating.
Pagsunday talaga di siya dumadating,,,
Umuwi nalang ako,,,
Di ko rin siya ma-etext kasi wala akong cellphone.Gusto kong bumili pero ayoko,,,mas madami ang kailangan ko kaysa sa cellphone.
Umuwi ako ng pagod,,,
Wala naman kaming work ngayon sa Chicken House kasi pagsunday day-off namin.

BINABASA MO ANG
She's My Gangster
Teen FictionYren was a girlgangster who never dreamed of falling in love with a man.But when she met Matt everything changed. This story like a unexpected love.