CHAPTER 21

9 0 0
                                    

Matt's PoV

Mabilis na lumipas ang araw.
Natapos agad ang week na 'to at ngayon magpapainting na kami ni Yren.

Ang sabi niya sa akin pumunta ako ng AIS kaya pumunta naman ako dun.
Tumambay muna ako sa guardhouse.

"Mukhang malapit na ang loob niyo sa isa't isa ah"usal ni Mang Rex napangiti namn ako.

"Nung narinig ko talaga ang malungkot niyang istorya parang bigla nalang ako naawa at gusto kong maging kaibigan siya para tulungan siyang kalimutan ang mga nangyari sa kanya at magawa niyang makalaya sa malungkot na pangyayaring yun na nagpapamanhid sa puso niya"usal ko naman.
Napangiti naman si Mang Rex yung ngiting nang-eechoes.

"Baka naman naantig ang puso mo sa kanya"pati si Mang Rex nang-aasar na.

"Parang ganun na nga,,,,pero yung tipong naawa ka kaya yun parang gusto mo siyang e-care"

"Esss baka iba na yang care mo sa kanya"

"Tss. Alam ko ang iniisip niyo Mang Rex,,,,kahit po magkagusto ako dun di naman siya magkakagusto sa akin,,,,ang tigas ng puso eh"pinatigas ko talaga ang pagbigkas.
Natawa naman si Mang Rex.

"Ba't di mo palambutin"

"Suss,,,,walang epek yun,,,,lagi nga akong ngumingiti sa kanya pero parang wala lang yun sa kanya,,,,ibang-iba siya sa mga babae dito na isang ngiti mo lang kikiligan agad"

"Wag mong sabihin na sinusubukan mong pakiligin siya?"

"Hindi naman sa pakiligin,,,,ngumingiti ako para ngumiti rin siya,,,,pero wala eh,,,permanente na ang pagkaseryuso niya"

"Hahahahhha"natawa lang siya.

Ilang minuto lang may huminto na motor sa Guardhouse.Si Yren.

"Tara"anyaya niya agad.
Kararating palang niya aalis agad?
Excited ah(σ≧▽≦)σ

Nagpaalam naman ako kay Mang Rex.

"Ako na ang magdadrive"usal pa niya.
Wala naman akong magawa kundi sumakay nalang.

Pinaharurot niya agad ang motor niya.

Mabilis siyang magpatakbo kaya napakapit ako sa likod,,,,alangan naman sa kanya≧∇≦.

Nakarating agad kami sa Mansiyon nila.
Matik naman na bumukas ang gate nila at deretso lang kami sa loob.
Bumaba kami sa Parking area nila.

Sumunod lang naman ako sa kanya.
Parang hindi kami papasok sa Mansiyon nila,,,,,parang papunta kami ng garden.
May bahay dun na gawa sa salamin.
Pumasok na kami dun.
Napakaganda ng loob,,,,gawa talaga sa salamin ang mga pader pati ang bubong salamin din.,,,di naman mainit kasi di naman mainit dito sa Baguio.
Napapaligiran din ito ng mga magagandang painting,,,,may mga stand ng painting naman sa gilid,,,,naroon din ang mga iba't ibang klase ng paintbrush at mga pintura.

"Dito tayo"usal niya,,,sumunod naman ako.
Sa part naman dun,,,gawa na sa kahoy ang mga pader at bubong pero maganda parin.

May salas dun at may malaking flatscreen TV.
May nakaupo dun na bata sa sofa,,,sister ata niya,,,,nakatingin lang siya sa amin ni Yren.

"Ito ang workroom ni Grandma,,,,maganda dito kasi malapit sa garden."usal pa niya at kinuha yung stand ng painting tinulungan ko naman siya.

Linagay namin yun dun sa gilid banda sa malaking bintana na gawa sa salamin.Maganda magpainting dun dahil maganda ang view,,,mula kasi dun tanaw mo ang mga bulaklak sa garden nila.

She's My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon