CHAPTER 23

5 0 0
                                    

Yren's PoV

Dinala namin ni Gwen si Matt sa Schoolcenter.
Putok ang kilay at labi niya,,,,may black-eyed pa siya,,,bogbog-sarado talaga  siya ni Jeron.

Ba't ba di siya lumalaban?ang lampa naman niya,,,,ang tangkad pero lampa.tsk tsk tsk.

Pinaupo namin siya sa upuan.

"Anong nangyari diyan?"tanong nung school nurse.Si Gwen na ang kuma-usap sa Nurse.

"Ok ka lang?"tanong ko kay Matt,,,
Tumango lang siya at yumuko.
Mukhang hinang-hina siya,,,

"O ito ilagay mo sa mga pasa niya"sabay abot ng nurse sakin ng icebag.

"Sumandal ka muna"usal ko at pinasandal si Matt.
Marahan kong dinadampi sa mga pasa niya ang icebag.
Nakapikit lang naman siya at parang iniinda ang sakit sa katawan niya.

Bwesit na Jeron yun!mapapatay ko talaga yun.

Umigting ang panga ko at parang nagwawala ang kalooban ko.
Parang hirap na hirap naman si Matt.

Ginamot ng Nurse ang mga sugat niya,,,pagkatapos pinagpahinga muna namin siya.

"Ano ba kasi ang nangyari?"tanong ni Gwen kay Matt,,,,nakatingin lang naman ako kay Matt na mukhang nahimasmasan na.

Malakas siyang bumuntong-hininga at tsaka tumingin kay Gwen,,,nagpalipat-lipat pa ang tingin niya samin.

"Aksidente kong nabangga si Jeron,,,,di ko naman yun sinasadya eh tapos bigla nalang niya ako hinila at pinagsusuntok"usal niya.
Napailing nalang ako.

"Bakit di mo ipagtanggol ang sarili mo,,,,hinayaan mo lang na ganunin ka niya"asik ko,,,,di ko kasi napigilan ang galit ko,,,napayuko naman siya sa sinabi ko kaya bigla naman akong nakonsensya.

"Tama na yan,,,,mabuti pa ihatid nalang natin siya"ani Gwen.

"Ahh,,,hindi na"pagtanggi ni Matt,,tumingin naman siya sakin pero iniwasan ko yun."Ok lang naman ako,,,tapos me bisikleta ako"

"Tch.sa lagay mong yan makakabisikleta ka pa?"singhal ko,,,parang napahiya naman siyang yumuko.

"Hatid ka nalang namin"usal pa ni Gwen.
Napabuntong-hininga naman ako.

"Ipapasakay nalang namin sa truck ang bisikleta mo para ihatid sa inyo at ihahatid ka naman namin sa inyo"hindi na siya nagmatigas pa,,,pumayag nalang siya.

Wholeday naman na walang klase kaya inuwi namin si Matt sa kanila.
Mukhang masama ang pakiramdam niya,,,,panay ang buntong-hininga niya,,namumutla rin ang labi at ilalim ng mata niya at parang ang hina ng katawan niya.

Inalalayan namin siya ni Gwen paakyat sa apartment nila.

"O Matt ano ang nangyari sayo?"salubong samin ng Tita niya.
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tinulungan namin siya makapasok at inalalayan papunta sa kwarto niya.
Dahan-dahan namin siyang hiniga at inasikaso naman siya ng Tita niya.

Mukhang magkakasakit siya sa lagay niya ngayon,,,maski magsalita nahihirapan siya at namumungay ang mata niya na parang lasing.

"Anong nangyari sa kanya?"nag-aalalang tanong ng Tita niya samin,,,nasa labas na kami ng kwarto ni Matt.

"Nabogbog po kasi siya"parang nag-aalanganang sagot ni Gwen.
Bumakas naman ang matinding pag-aalala sa mukha ng Tita ni Matt.

Sana all may nag-aalala,,,,ako nga ilang beses na akong nagkapasa pero wala akong nakitang mukha tulad ng mukha ng Tita niya na parang naiiyak sa pag aalala.

She's My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon