Paalala:Ang mga lugar at character ay bahagi lamang ng malikot kong pag-iisip.≧∇≦
Matt's PoV
Hi guys morning.
Balik iskwela na uli kami,,,ito na ang huli kong taon sa highschool kaya mas magsisikap ako ngayon.Mabilis ako nagluto ng almusal namin at pagkatapos naligo na ako.
"Kuya Matt???Kain na"anyaya ni Carice,,,nandito pa ako sa kwarto at nagbibihis pa.
"Ok,,,susunod nalang ako"
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ng gamit lumabas na ako ng kwarto at kumain."Morning Tita at pangit"biro ko kay Carice sinimangutan naman niya ako.
"Ang gwapo natin ngayon ah"komento ni tita lumaki naman ang ulo ko hahahha.
"Syempre Tita first day of school ngayon"
"Oh sya sya kumain na kayo at baka malate pa kayo"
Scholar rin si Carice sa AIS nasa grade 11 na sya at nasa grade 12 naman ako.
Pagkapos namin kumain nagpaalam na kami kay Tita.
"Ma,alis na po kami,,muah,,labyou Ma"paalam niya kay Tita.
"Kuya mauna na ako ha"paalam naman niya sa akin.
Dinadaanan kasi siya ng mga kaklase niya dito sa apartment namin.
"Tita alis na rin po ako,,,wag niyong kalimutan uminom ng gamot ah"paalam ko naman at yumakap sa kanya.
"Oh sege na baka malate ka pa"
"Bye Tita"
"Ingat ha"
Kumaway-kaway pa ako at saka umalis.
Medyo malayo ang AIS mula sa apartment namin kaya nagbibisiklita ako ang mahal naman kasi kung magtataxi ako,,,mas ok na yung bisikleta nakakapag-excercise pa ako.
Kasabay kong pumapasok ng gate ang mga magagarang sasakyan,,or mga Van at school bus ng School na'to.
"Good Morning SIR!"sabay saludo ko kay Mang Rex ang guardia sa School na to.
Close na kami nyan kasi tuwing weekend na nandito ako para maglinis nagkakusap kaming dalawa.
Di ko pinaparada ang bike ko sa parking area nakakahiya naman,,,puro mga kotse at astig na mga motor ang nandun kawawa naman ang bike ko kung doon ko ipaparada.
Iniiwan ko lang yun sa likod ng GuardHouse nandun naman si Mang Rex para tingnan ang bike ko.
Hinanap ko agad sa Bulletin Board ang room ng section namin.
*Kriiiingggg krinngggg kringgggg
Tumunog na ang mga bell pahiwatig na umpisa na ang klase.
Takbo-lakad kong tinahak ang room No.18 sa kabilang building sa secondfloor.
Nang makarating ako ng secondfloor naglakad na ako,,,maiingay pa ang mga room dito sa second floor may mga students pa sa labas.
Nasa dulo ang room No.18,,,nasa labas ang mga students dun,,mga kaklase ko ata.
Nakita ko si Owen na nakikipagkwentuhan sa mga babae.
Tinapik ko siya sa likod.
"Anong meron dito?"tanong ko."Nandito kana pala Bro,,kanina pa kita hinihintay"usal niya,,tumingin-tingin naman ako sa loob ng room kung bakit di pa nagpapasukan ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
She's My Gangster
Teen FictionYren was a girlgangster who never dreamed of falling in love with a man.But when she met Matt everything changed. This story like a unexpected love.