CHAPTER 4

7 1 0
                                    

Matt's PoV

Nandito na ngayon ako sa Gymnasium.
Kinakabahan nga ako dito kasi nandito sa stage ang grupo ni Zach.

May practice sila ng sayaw,,,sila kasi ang mga dancer ng campus.

Pininturahan ko muna ang buong stage ng puti bago magpaint.
Malaki ang stage kaya kailangan ko gumamit ng hagdan para mapinturahan sa taas.

"1! 2! 3! 4! and! 1! 2! 3! 4!"

"Clap! Clap! Clap!"

"JUMP! Taas! Baba! and 1! 2! 3! 4!"

Paulit-ulit na sigaw ni Zach,,,siya ang nagtuturo sa grupo niya.

Nakakapagod narin magpintura,,,ang laki naman kasi ng stage.
Iniwan narin ako dito ni Sir Paolo,,,babalik nalang daw siya mamaya,,,may katulong rin naman ako sa pagpintura pero nasa ilalim naman siya.

*Boggggssss

Lagot!(○゚ε゚○)
Natapik ko ang pintura.

"PUT*NG INA!"galit na mura ni Zach sa baba,,,,nabuhusan siya ng pintura.
Patay na ako nito.
Dumagundong ang dibdib ko nanginginig narin ang tuhod at kamay ko.

"HOY! BUMABA KA DITO!"sigaw niya sakin.
Naghalo-halo ang ekspresyon ko,,,di ko alam kung bababa ako o mananatili lang ako dito sa taas.
Natatakot na ako at kinakabahan.

"BABA!"sigaw niya ulit,,,kitang kitang galit na galit na siya.
Nanginginig akong bumaba.

"Pa- pa- sensya - - n-a"nauutal kong usal.Ang lakas ng tibok ng puso ko para akong mabibingi sa sobrang lakas.

"STUPIDO!!,,,PESTE KANG LAMPA KA!"mura niya sa mukha ko,,tumatalsik pa ang laway niya sa mukha ko.
Hinawakan niya ako sa damit banda sa may leeg at inangat niya ako.

"YAAHHHH"

*Bogggshhh

Sinuntok niya ako sa mukha sa sobrang lakas parang naalog ang utak ko nahilo rin ako.

"Patay ka sakin ngayon"

*Boggsh bogssh bogsh pakk
Boommm.

Sunod-sunod na suntok ang natanggap ko at malakas na sipa,,,napaupo ako sa sahig sa lakas ng sipa niya.

"Hoy Zach! Tama na yan!"sigaw ni Owen na hinawakan siya ng mga barkada ni Zach.

"Wag kang makialam dito kung ayaw mo madamay"babala ni Zach sa kanya.
Napahiga ako sa sahig sa sobrang sakit.

Hinawakan uli niya ako sa damit at itinayo.

"Wag kang tatanga-tanga kong ayaw mong masaktan"

*Boggss baggss boggss baggss

Sunod-sunod ulit na suntok ang dumapo sa mukha ko at sa katawan ko.

*Baagggggsssss

Napadapa ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya.
Nahihilo narin ako.

"Ahhggg"napa-ungol ako sa sobrang sakit,,,nanghihina narin ako.

"Tuturuan kita ng leksiyon lampa"
Itinayo niya ulit ako at hinawakan ako sa panga ng mahigpit.

"Pa--ki-usap,,,,ta-ma -na"parang lasing kong pakikiusap.

"Sa susunod ha,,,wag kang tatanga-tanga"sigaw niya sa mukha ko.
Inihagis niya ulit ako sa sahig,,,napahiga ako at parang di ko na kayang tumayo.
Nararamdam ko narin na namamaga na ang mata ko.
Hingal na hingal na rin ako.

She's My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon