Rescue Mission

85 19 1
                                    

Chapter One

"Sherina saan ang lakad mo pagkatapos ng klase natin ha?" masayang tanong ng kaibigan niyang si Jandy.

"Oo nga Sherina mag Pizza naman tayo!" sabat naman ni Reon at umarteng kumakain pa. Napailing iling naman si Sherina at patawa tawa. Wala naman siyang ibang pupuntahan kung hindi sa Clinic at Foster Homes ng Ate niya

"May transfer student daw na darating ngayong araw!" napabaling silang lahat sa sumigaw.

"Ang ingay mo Wally manahimik ka nga!" pagsabat naman ng kaibigan niyang si Hana

Matapos ayusin ang mga gamit ay tumayo na siya at ipinagpag ang skirt na suot.

"Aalis ka na agad?" tanong ni Reon

"Lumabas naman tayo minsan Sherina lagi na lang nakatuon atensyon mo sa pagrescue ng mga aso" nakasimangot na sabi ni Jandy

"Jandy kailangan nila ng tulong ko at kailangan ko rin sila" nakangiti niyang sabi habang nakaturo ang kamao sa may dibdib

"Kailangan ka rin namin Friend" umuungot na sabi ni Hana

"Nakakalimutan niyo na ba na malapit na ako mamatay? So kailangan sulitin ko na ang buhay na ibinigay sa akin" totoo naman kasi hindi na mabuti ang lagay ng puso niya kaunting pagod lang na maramdaman niya ay naninikip na ang dibdib niya at anytime ay matutuluyan siya. Ang Tatay niya ay namatay sa sakit sa puso at hindi siya makapaniwala ng malamang ganoon din ang lagay ng puso niya.

Anytime pwede siyang mamatay

'Anytime pwede akong mamatay' anang ng isip niya na ikinangiwi niya.

PAGKATAPOS magbihis ni Sherina ay naisipan na niyang lumabas ng cr. Naabutan naman niya ang anak ng Ate niya na si Chloe.

"Hi Ate Pinasundo ka sa akin ni Kuya eh nasa baba na siya" napatango naman ito. Si Chloe ay nasa Grade School pa lang samantalang ang kuya naman nito ay College na.

Malaki ang Age Gap nila ng ate niya kaya di niya masisisi ito. Ngumiti siya kay Chloe at inaya na ito palabas ng University niya.

"So saan ang next rescue mission?" magiliw niyang pagsalubong kay Calvin at sumakay diretso sa passenger seat ng sasakyan

"May Citizen kanina na tumawag na muntik na niyang mabangga ang aso" napatango tango naman siya

"Kamusta ka naman?" tanong ni Calvin sa kanya. Tinitigan lang niya ito saka ngumiti at ibinaling ang paningin sa bintana

"Heto ayos lang naman"

"Okay lang ba talaga na magrescue?" May pagaalala sa boses nito na siyang ikinatuwa niya

"Nakakatuwa naman kayo sa tuwing nagaalala kayo sa akin" nakangisi niyang sambit

"Syempre Auntie Mahalaga ka sa amin ayaw namin na mawala ka 'no"

"Kapag Oras ko na oras ko na Calvin. Sa ngayon 'wag na muna natin intindihin ang sakit ko at magfocus sa pagrescue ng aso okay? Hmm?" inirapan lang siya ni Calvin at nafocus na lang ito sa pagmamaneho

"Seryoso kaming nagaalala sa iyo Auntie"

"Seryoso rin ako Calvin 'wag mong masyadong intindihin ang sakit ko"

"Ayaw mo talagang nakikitang nagaalala kami sa'yo"

"Thank you na appreciate ko naman" pinisil niya ang pisngi ni Calvin. Inalis naman ng binata ang kamay nito na lalong ikinatawa niya

"Kuya may isenend si mommy na picture ng aso" biglang sabi ni Chloe kaya naman napalingon kaming dalawa at tinignan at litrato.

"Let's Go Calvin" at pinaharururot na ni Calvin ang sasakyan

Angels Affliction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon