Unwanted

26 17 0
                                    

Chapter Ten



NAKATINGIN lang si Sherina sa mga taong naglalaro sa dalampasigan no choice si Jace na dalhin din dito sa pasyalan nila sina Zamuel at Amy hindi siya kumikibo at nakikitawa lang sa mga kuwento ni Amethyst kahit hindi naman siya natatawa patango tango lang din siya sa mga kuwento ni Zamuel na hindi niya maaintindihan hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na ito

May gusto siya kay Zamuel pero nasasaktan siya isiping konektado ito kay Amethyst na sa hindi malamang dahilan ay naiinis siya sa postura nito at wala namang ginagawa si Zamuel kahit na obyus na obyus na hindi niya gusto si Amethyst na kasama nila

Napailing na lang si Sherina sa iniisip

'Oo nga naman ako lang pala ang may gusto sa kanya the feeling is not mutual' ika ng ng isip niya

Napatitig na lang siya sa guwapong mukha ng binata at sa postura nito na siyang nagustuhan niya napaisip ulit siya

'Iyon lang ata ang nagustuhan mo sa kanya' ani ulit ng isip niya mariin siyang pumikit at umiling iling

'Gusto ko siya siya lang nagpapabilis ng tibok ng puso ko' anang niya sa isip

Pakiramdam ni Sherina ay nakikipagtalo ang puso niya sa isip niya malalim ang bunting hininga na pinakawalan niya

"May problema ba Sherina?" tanong ni Zamuel na nasa tabi niya umiling iling naman siya at ngumiti

"Wala naman" makahulugang tingin naman ang binigay sa kanya ni Jace na nginitian niya lang

Napasandal naman siya sa balikat ni Zamuel ramdam niya ang pagkagulat ng binata pero hindi ito natinag at hinayaan lang siya nito

"Bibili lang ako ng pagkain" ani Jace at dali daling tumayo

"Akala mo hindi jo napapansin na kanina ka pa wala sa sarili" mahinang sambit ni Zamuel umalis naman siya sa pagkakasandal sa balikat nito at pumangalumbaba

"Iniisip ko lang kung malulungkot ka ba kung sakaling ito na pala ang huling araw ko?" wika niya kay Zamuel nagsalubong naman ang kilay nito at ilang minutong hindi nakasagot sa tanong niya

Kahit papaano ay umaasa si Sherina na aayon sa iniisip niya ang isasagot ng binata sibrang bilis ng tibok ng puso niya

"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan Sherina" saad nito

"Ano nga?" mahihina niyang sambit

"Natural na malulungkot wala na akong kapitbahay na kasing cute mo" napangisi lang siya sa sinagot nito

"Ganoon ba" aniya

"Oo wala na ring tutulong sa mga asong pakalat kalat sa kalsada" sambit nito napatango tango naman si Sherina

'Ano bang inaasahan mo? Takot siyang mawala ka kasi mahal ka niya at hindi niya kakayanin?' anang ng isip niya na ikinailing iling niya

"Hindi!" malakas niyang sigaw nagulat naman si Zamuel at Amethyst sa pagsigaw niya ngumiti naman siya

"Anong hindi?" tanong ni Zamuel

"Hindi?" aniya nilibot naman niya ang paningin at biglang hinanap si Jace

Bakit ko naman hinahanap si Jace? Napatawa siya sa iniisip

"Ahm I mean, hindi ba kayo maliligo sa dagat?" palusot niya ngumiti naman si Amy sa kanya

"Oo nga bakit hindi natin sulitin habang nandito tayo?" ani nito tumayo naman ito

"Maliligo ka talaga Amethyst?" tanong ni Sherina masaya naman itong tumango

Angels Affliction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon