Love Quadrangle

27 18 0
                                    


Chapter Nine



MASAYANG kumakain sina Zamuel at Sherina "I'm sorry about kagabi Sherina" litanya ng binata

"Pasensya na kung naduwag ako" napatitig naman sa kanya si Sherina

"Sa tingin ko hindi na natin dapat pagusapan 'yan" wika naman ni Sherina  tumango tango naman si Zamuel at ngumiti

"Okay kamusta ka naman?" tanong ng binata

"Ayos lang naman ako" pagsagot niya

"Sabi sa akin ni Doctor Carlo ayaw mo raw itake ang heart transplant" nahintuan naman si Sherina at inilapag ang mga kubyertos na hawak sa pinggan at saka makahulugang tinitigan si Zamuel

"Sure ka bang gusto mo talaga marinig ang tungkol sa sakit ko?" nagbaba ng tingin ang binata saka tumango tango

"Kahit itake ko ang transplant walang kasiguraduhan kung mabubuhay ako Zamuel malala na ang damage sa puso ko kaya tinanggap ko na lang na hanggang 12 months na lang ang buhay ko" litanya niya

"Naiintindihan ko Zamuel ko kung bakit takot kang gustuhin ako kaya huwag mo ng pilitin ang sarili mo" hindi nakaimik si Zamuel sa mga sinabi ni Sherina

"Oo duwag ako" tinitigan naman ni Zamuel si Sherina

"Hindi ko pipigilan ang nararamdaman mo sa akin Sherina kasi ikaw naman iyon eh ayokong masaktan ka kaya ko sinabi ang mga bagay na iyon" tumango tango naman si Sherina

"Naiintindihan ko Zamuel" mahinang sambit ni Sherina

Nang matapos sila kumain ay sinabayan ulit siya ng binata pabalik sa room niya masaya pa rin Sherina kahit na takot si Zamuel na magkaroon sila ng connection ay hindi nagbabago ang trato nito sa kanya wala naman siyang karapatan na diktahan ito sa dapat nitong maramdaman basta masaya na siya na ginugusto ang binata

Napasilip siya sa maliit na bintana ng Clinic at nakita na nakaupo si Jace sa loob no'n

"Jace! Sandali lang Zamuel" sigaw niya at dali daling pumasok sa Clinic nagulat naman si Ms. Han sa biglang pagpasok ni Sherina

"Oh Sherina okay ka lang?" anang ni Ms. Han

"Anong ginagawa mo rito Sherina?" tanong naman ni Jace agad na lumapit si Sherina kay Jace puno ng pagaalala ang mukha ni Sherina

"May masakit ba sa'yo? Bakit nandito ka?" nagaalalang tanong ni Sherina hinawakan pa nito si Jace sa mukha pero hinawakan lang ng binata ang kamay niya

"Okay lang ako nahimatay kasi 'yong babaeng nakabanggaan ko akala ko napano na kaya dinala ko agad dito sa clinic and Architecture Department pala siya" paliwanag naman ni Jace sabay sabay silang napatingin sa babaeng nakahiga ng hawiin ni Ms. Han ang kurtina

"Amy?" tanong naman ni Zamuel

"Hello Zamuel and Sherina?" bati sa kanila ni Amethyst nahintuan naman si Sherina at napatingin kay Zamuel na agad naman nagiwas ng tingin

lalapitan na naman kaya ito ni Vasco? Anang sa isip niya

"Hello Sir ikaw ba ang nagdala sa akin dito? Maraming salamat ha?" wika naman ni Amethyst kay Jace

"Walang anuman sa susunod magiingat ka" tumayo na si Jace kaya naman tumayo na rin si Sherina

"Getwell" ani ni Sherina pakiramdam niya ay awkward para sa kanilang apat na magkakasama

"Salamat ayos na naman ako" mahinhin na sambit ni Amethyst at ngumiti tumango naman si Sherina

"Aalis na ako" wika ni Jace at lalabas na sana ito nang hawakan ito ni Sherina sa braso na siyang ikinahinto ni Jace "Sasama na ako" tumango naman si Jace at akmang aalis na sana  silang dalawa ng pigilan naman si Sherina ni Zamuel nahintuan naman si Jace at napatingin sa kamay na nakahawak kay Sherina

Angels Affliction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon