True Happiness

27 14 0
                                    


Chapter Sixteen




NABABAGOT na talaga si Sherina sa isiping magiisang buwan na siyang nasa Ospital lahat na ng bagay ay ginawa niya. Makinig ng music magsulat ng kung ano ano, magbasa minsan pa ay naglalakad lakad lang siya sa buong kuwarto

"Buryong buryo na ako rito" pabulong niyang sabi habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto

Kailangan niya pang manatili sa Ospital dahil inoobserbahan pa ang kalagayan niya

"Kahit ano namang iturok niyo sa akin mamamatay lang din ako nagsasayang lang kayo ng gamot" sambit niya habang nakatingin sa braso niyang puro turok

Malalim ang buntong hininga na pinakawalan niya aaka napatawa sa isipin napabaling ang atensyon niya ng pumasok sa kuwarto niya si Dr. Carlo

"Puwede na ako lumabas?" agad niyang tanong dito

Lumapit naman ito sa kanya saka ginulo ang buhok niya "Maghintay ka pa ng isang linggo" bagsak ang balikat niya sa sinabi ng Doctor

"Bagot na bagot na ako rito Dr. Carl" naiinis na wika niya

Tumawa naman si Dr. Carlo "Sana maintindihan mo na kailangan naming gawin ito"

Umiling naman siya "Namimiss ko ng gawin mga gusto kong gawin" aniya

Ngumiti naman sa kanya si Dr. Carlo " Magagawa mo naman 'yon sa ngayon hintay hintay lang muna" tumango tango naman siya saka dahan dahang humiga narinig na lang niya ang pagsara ng pinto saka siya bumalik sa pagkakaupo

Sa loob ng isang buwan na pagmumuni muni at pakikipagtalo sa nararamdaman niya ay may napagtanto siya sa sarili

Napayuko na lamang siya sadyang taksil ang nararamdaman niya pakiramdam niya ay may mali siyang ginagawa sa t'wing kasama niya si Zamuel sa tingin niya ay hindi siya nagpapakatotoo sa t'wing sinasabihan niya itong 'I love you'

Napangiwi siya "Masama na ba akong tao?" tanong niya sa sarili

Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya para kay Zamuel pakiramdam niya ay hindi niya deserve ang lahat ng kasweetan na pinapakita nito sa loob ng isang buwan oo gusto niya ang binata at masaya siya na kasama ito pero kakaiba talaga ang tibok ng puso niya kapag si Jace ang kasama niya

Totoo iyon sa tingin niya ay masyadong siyang nagpadala sa kagustuhan sa binata sa tingin niya ay nagpadalos dalos siya na maging boyfriend ito at ngayon ay nakokonsensiya siya

Tama buo na ang isip niya kailangan na niyang hiwalayan ang binata sasabihin na lang niya ang tunay niyang nararamdaman

"Kamusta ka Sherina?" nahintuan siya sa pagiisip ng marinig ang boses na isang buwan niyang hinanap hanap

"Jace" mahina niyang sambit iba ang pakiramdam niya

Napahawak siya sa dibdib ng maramdaman ang bilis ng pintig nito at ang kakaibang kasiyahan ng makita ang maaliwalas ng mukha nito

Lumapit ito sa kanya "Kamusta ka?" nakangiti nitong tanong ang dibdib niya hindi na magkandaugaga sa pagtibok

Nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya ay napatawa siya nagtataksil talaga siya kay Zamuel kaya kailangan na niya itong hiwalayan

Napabalik siya sa ulirat ng maramdaman niya ang pagtapik nito sa balikat niya

Agad siyang ngumiti "Jace! Ayos lang naman ako"

Tumawa naman ito na mas lalong ikinatunaw niya "Kanina pa ako nangangamusta sa'yo kaso wala ka sa sarili" anito

Umiling naman siya saka ngumiti "Pasensya na ano pala ginagawa mo rito?" tanong niya rito

Angels Affliction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon