Keep Breathing

28 14 0
                                    


Chapter Nineteen



NAKATANGA lang si Jace habang unti unti ng nawawala ang mga tao sa pool area

Napahilos naman siya sa mukha niya "Bullshit" mahina niyang sambit

Naramdaman naman niyang tinapik siya ng coach niya sa balikat "Sa tingin ko delikado ang lagay ng batang 'yon, hindi mo ba siya pupuntahan?" napatingin naman siya sa coach niya

"Hindi ko alam gurang" napaupo siya hindi niya alam kung anong gagawin niya ngayong nasa Ospital na naman si Sherina at dahil sa kanya 'yon kung nagpakatotoo lang siya sana dito eh

"Bakit nakaupo ka lang diyan?" tanong ng coach niya

Tinitigan niya naman ito "Nahihiya akong pumunta coach, alam kong dahil sa akin kung bakit siya pumunta dito kasalanan ko to" sumasakit ang dibdib niya sa tuwing naalala niya kung paano nito tawagin ang pangalan niya bago tuluyang bumagsak

Napakasakit para sa kanya non pakiramdam niya ay nadaganan na siya ng mundong buhat buhat niya

"Jace" napatingin si Jace sa kararating lang ni Zamuel at nagulat siya ng bigla aiya nitong undayan ng suntok dahilan para malaglag siga sa pool

"Anong ginagawa mo!" sigaw ng coach niya rito

Agad naman aiyang nakaahon sa tubig at masamang tinignan si Zamuel

"Anong problema mong gago ka?" sambit niya habang unti unting umaalis ng pool

"Ikaw hayop ka ng dahil sa'yo tumakas si Sherina sa Ospital! Dahil sa'yo lumalala na ang lagay niya!" sumbat nito sa kanya

Tumawa naman ng malakas si Jace "Una sa lahat wala kang pakiealam sa amin ni Sherina, pangalawa h'wag kang umarte na parang boyfriend ka niya talaga naiintindihan mo?"

Tinulak naman siya ni Zamuel na siyang nahawakan niya agad sa braso at tinulak niya ito pabalik

"Gago ka!"

"Sino ba mas gago sa ating dalawa dito Zamuel?" matigas niyang tanong

Hindi nakapagsalita si Zamuel at masamang titig lang ang pinukol nito sa kanya

"Kung tutuusin 'yang panloloko mo kay Sherina ang makakapatay sa kanya!"

"Wala kang alam!"

"H'wag mo kong ginagago Zamuel, hindi ba matagal na kayong may relasyon ni Amethyst? Hindi ba matagal mo ng niloloko si Sherina? Di ba hindi mo naman talaga siya mahal! Ngayon ka sumagot gago ka!" nilapitan niya si Zamuel

Wala siyang ibang maradaman kung hindi galit sa lalake wala na siyang balak ipaalaam kay Sherina ang mga natuklasan dahil ayaw niya pa mawala si Sherina sa kanya

"Hindi ko alam kung bakit mo nagawang lokohin si Sherina, kung hindi mo naman pala siya mahal edi sana pinutol mo na lang ang ugnayan mo sa kanya, sana hindi mo na lang siya niligawan kung lolokohin mo rin naman siya! Gago!" galit na galit niyang sigaw

"Ano bang mayroon kay Amethyst na wala si Sherina ha? Pareho naman silang maganda, mabait, matalino ah! si Amethyst walang sakit sa puso tapos si sherina mayroon at dahil duwag ka-"

"Hindi ako duwag"

Malakas na tumawa si Jace

"Kahit anong sabihin mo duwag ka pa rin hindi ko alam kung bakit may mga taong gaya mo na nabubuhay sa mundong 'to eh kahit na ang ginawa niyo lang naman ay manloko at manggulo ng nararamdaman ng mga babae"

Masama niyang tinitigan si Zamuel "Huli na 'to Zamuel at kapag namatay si Sherina ng dahil sa'yo hindi mo gugustuhin ang gagawin ko"

Kinuha niya ang towel niya na iniabot naman ng coach niya

Angels Affliction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon