The Transfer Student

59 18 0
                                    

Chapter Two


PAGDILAT ng mga mata ni Sherina ay nasa loob siya ng isang kuwarto.

Ospital na naman? Napairap siya sa kawalan. Nasa ospital na naman siya bakit kasi ang tanga niya hindi niya dala dala ang gamot niya ng mga oras na iyon eh

"So gising ka na" napabaling ang tingin niya sa ate niya na nakaupo sa tabi ng kama niya

"Minsan iniisip ko kung bakit pumayag pa ako na sumama ka sa mga rescue mission" Nakahalukipkip nitong sambit napapikit naman siya at huminga ng malalim

"Okay lang naman ako Ate Sabrina" umupo siya at sumandal sa Headboard ng kama

"Gising ka na pala Sherina" Pumasok ang Asawa ng Ate niya na siyang doctor niya rin.

"Okay na po ako pwede na akong makalabas"sabi niya at tinanggal ang mga nakakabit sa kamay niya. Napatayo naman ang Ate niya

"From Now on hindi ka na pwedeng sumama sa mga rescue mission" sabi ng Ate niya napatingin naman siya rito na nakakunot ang noo

"What? Why?" tanong niya rito

"Dahil sa puso mo" napairap siya sa kawalan at napabuntong hininga

"Sherina makinig ka sa Ate mo" napaupo naman siya sa kama niya at pinipigilang tumulo ang luha niya

"Why?"

"Sobrang damage na ang puso mo at ayaw mo namang tanggapin ang Heart Transplant"

"Its fifty-fifty right?" malungkot niyang tanong na ikinayuko ng ulo ng Doctor niya

"Hindi naman ganoon iyon Sherina" paliwanag ng Ate niya pero hindi na niya ito pinakinggan

"Sige Ate hindi na lang ako sasama sa mga rescue missions niyo sa University at Bahay na lang ako magfofocus" matigas niyang sambit tinitigan niya ang mukha ng mga taong nagaalala sa kaniya

"Thank you sa pagaalala ate Sabrina and Doctor Carlo" nakangiti niyang banggit

"Sino nga po pala nagdala sa akin dito?"

"He's a friend of mine well good to know na magkatapat lang kayo ng bahay" paliwanag ni Dr. Carlo na siyang ikinanoot ng noo niya

"Po?"

"He's Zamuel a Sophomore in your University well nakita ka raw niyang nagcollapsed sa lupa bago ka makapasok sa bahay niyo kaya dinala ka niya agad dito sa Ospital"

"Buti na lang nandiyan si Zamuel" dagdag pa ng Ate niya.

Napatango tango naman siya "Where is he?"

"Umuwi na siya" sambit ng Ate niya na ikinatango niya.

'Zamuel' anang niya sa isip niya pamilyar ang pangalan na iyon pakiramdam niya ay narinig na niya iyon

NAKATULALA lang si sherina sa may board ng room nila ng biglang sumigaw si Wally ang pinakamagulo niyang classmate

"Nanjan na ang Transfer Student!" sigaw nito at agad na tumakbo palapit sa upuan nito

"Psst my friend sa tingin mo may Transfer na papasok?" tanong ni Hana

"Why not? Sophomore lang naman tayo saka wala namang masama kung may magtatransfer" sabat naman ni Jandy

"Tama si Jandy at paano kung Guwapo iyon?" nagningning ang mata ni Reon na ikinatawa niya

"Akala ko ba ako lang ang gusto mo?" nakangusong sambit ni Jandy. Hinampas naman ito ng notebook ni Hana

"Manahimik ka nga ang Pangit mo"

Angels Affliction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon