My name is Cass. Cassandra Marie Scott. Im a 4th year student. And this is my One Shot Story.
(A/N: Hindi po Cass ang name ni Author. Siya po yung bida dito sa Story. So enjoy reading)
Tinignan ko ang paligid ng classroom namin. Nakita ko si Christine na nagbabasa ng libro. Nate na may nakasaksak na earphone sa tenga. Camille na nakikinig sa teacher, as always. At siya, siya na katabi ko, na nakatingin sa labas ng bintana.
Siya, siya si Steven. Ang kaagaw ko sa lahat ng bagay. Ang lalaking hindi mo akaling mapapantayan ang katalinuhan ko. Ang lalaking laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung bakit ganon. May sakit na ba ko sa puso?
"Class, Magkakaroon kayo ng activity. Ano ba sa inyo ang Love. Gumawa kayo kahit one sentence lang. What is the meaning of Love for you. The title will be "What is Love?". You will pass this activity next week. Oh, I forgot to tell you, class. We'll have pairings. Yang katabi nyo ang magiging kapartner nyo."
Kapartner ko siya? si Steven? Should I be happy? Or Should I be sad? Kami ni Steven ang Top 1. Yes, palagi kaming tie. Mag explode kaya kami?
"Ma'am Mendoza pwede po bang makipag palit ng partner" sabi ko.
"No. But you can do it individually" Yes. Gagawa na lang ako ng sarili kong essay than to work with him.
"Cass, What is Love for you?" nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita. Pagharap ko sa kanya nakangiti siya. Yan nanaman, bumilis nanaman tibok ng puso ko. May sakit ba talaga ako?
"Ano ba? Sabi ni ms. mendoza we can work individually! At mas pinili kong mag individual work kaysa maging ka partner ka!" sabi ko sa kanya pero... Wait. Nawala yung ngiti sa labi nya. Nalungkot ba siya? Pero hindi naman siguro. Bahala na nga siya.
"Ah sige. Mag individual work na lang din ako. Pero may tanong ako sayo, ano ba talaga para sayo ang Love?"
Ano ba talaga para sakin ang Love? Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko siya, bumibilis tibok ng puso ko. Di ko alam pero kapag nakikita ko siya, I feel na parang I have butterflies on my tummy. Yun ba yung Love?
Tama nga siguro sila, kahit na matalino ka sa klase, nagiging mahina ka dahil sa love, nagiging bobo ka.
Pero yung totoo? Yung nararamdaman ko ba, yun yung feeling nung Love?
•••••••••
Lumipas ang mga araw ng iniisip ko pa rin kung ano ang meaning ng Love para sakin.
Sunday ngayon at bukas na namin to ipapasa at ngayon, nakatunganga lang ako, or should I say tinitignan ko lang tong papel ko, kung san ko sinusulat yung ginagawa kong Essay.
Bakit ganon ang nararamdaman ko? Bakit ganoon yung nagiging reaksyon ng puso ko kapag nakikita ko siya. Diba dapat galit ako sa kanya, dapat inis ako sa kanya, Dapat ituring ko sya as my rival. Pero bakit ganon? Kapag nakikita ko yung gwapo nyang mukha, bumibilis yung tibok ng puso ko? Kapag ngumi-ngiti siya sakin, parang mas lalong nag wawala yung puso ko?
Sa ilang oras kong pag iisip. I think alam ko na ang sagot.
••••••
Monday na ngayon. And today is the day na ipapasa namin tong ginawa naming essay.
Pumasok si ma'am na may masayang aura at bigla akong kinabahan. Hindi naman kase siya laging masaya e.
"Okay class. Today is the submission day for your pairing work, right? But before you submit it to me, you need to read/recite your own definition of love together with your partner, in front of the class. Is it exciting, class?" nakangiting sabi samin ni Ms. Mendoza.

YOU ARE READING
What is Love?
Genç KurguThis is an original one shot made by socialmediaaddict. You must read it :)