TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWO
Malapit ng magdilim nang makauwi ako sa amin. Pagod rin ako, nangangalay kasi ako sa kakatayo kapag nagtuturo.
But I can't blame my work. It's part of being a teacher, I need to be energetic para naman ganahan rin ang aking mga istudyante.
Pagpasok ko sa bahay ay wala pa si papa si mama naman ay natutulog na sa kuwarto niya. Oo pagod ako pero parang sinisipag yata akong pumunta sa dalampasigan at magtampisaw muna kahit saglit.
Mabilis akong nagbihis at dire-diretsong pumunta sa dagat. Nakasuot ako ng puting sando at itim na short.
Mag ga-gabi naman na kaya ayos lang na magsuot ako ng ganito. Wala nang makakapansin sa akin.
Iniwan ko ang tsinelas ko sa may tabi at dahan-dahang lumusong sa dagat. Napayakap agad ako sa aking sarili, shit! Ang lamig pala.
Nagpatuloy ako sa paglusong hanggang sa nasa dibdib ko na ang tubig. Lumangoy langoy ako at nang mapagod nag floating nalang sa ibabaw ng dagat at tiningnan ang ang liwanag ng buwan.
I was busy staring at it when someone pull my feet. Napahiyaw ako at mabilis na napabangon mula sa pagkakalutang.
Hinawakan ng lapastangan ang bewang ko upang maalalayan ako. Tiningnan ko iyon ng masama ay handa na sanang sigawan pero natigil ako dahil ang taga Manila ito.
Mabilis pa sa kidlat ang naging pag layo ko mula sa kanya at ewan ko ba pero natawa siya.
He standing infront of me shirtless kaya kitang kita ko ang matipuno nitong katawan. I look away.
“What are you doing here?” tanong nito. Tinaasan ko ito ng kilay. “Bakit? May nakalagay na bang karatula ngayon na bawal na akong magtampisaw rito?” mataray kong tanong.
He chuckled. Kanina pa ang lalaking ito. Ano ba ang nakakatawa? “Well wala. Pero I can make rules here if I want.” kumunot ang noo ko.
Anong rules rules?? Siya? Gagawa? E hindi naman siya ang may ari nitong—napatakip ako sa aking bibig at tiningnan siya suot ang nanlalaking mata.
“I-ikaw...huwag mo sabihing—” bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumango tango na ito. “Yes. This island is mine.” humalukipkip siya at nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.
Sorry naman. Ang akala ko kasi ay bisita lang siya rito ng may ari ng mansion. Hindi ko naman kasi alam na mga Rivera pala ang may ari non.
“Oh...sige. Aahon na ako.” akmang lalagpasan ko siya peri hinawakan niya ako sa braso.
“Ano?” tanong ko rito. “I didn't tell you to get out of here, go. Maligo ka lang.” sabi niya at tumango pa sa gawi ng dagat.
“H-hindi na. Gabi na rin naman kaya aahon na ako.” sabi ko at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
Maglalakad na sana ulit ako pero hinawakan nanaman niya ako. “Are you avoiding me?” tanong niya.
“No.” mabilis kong sagot at nag iwas ng tingin. “Then stay here.” hindi ko na naiwasang mapatingin sa kanya.
YOU ARE READING
Taming the Wild Waves Rivera Series#2
RomanceZyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niya nagawang kumuha ng kursong nais niya, ang architecture. Nang magkaisip ay naturuan agad kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano...