TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY
Nakatingin lamang ako kay Kiara na mapayapang natutulog sa sofa. Sa sobrang pagod yata kanina ay bigla nalang siyang natumba na kaagad namang nasalo ni Jasper.
Si Jasper nga pala ay nasa tabi nito, titig na titig sa pinsan ko habang hinihimas ang kamay nito.
“What happened Japee?” napataas ang kilay ko at nilingon si Dark. Hindi ako makapaniwala na tinawag niya si Jasper sa nickname nito, kung nickname nga ba niya iyon.
Dark smiled at me saka lumingon muli kay Jasper. They exchange smiles. Seriously? The last time I checked magkagalit ang dalawa dahil doon sa nangyari sa bar?
Dark even pointed a gun on him tapos...ganito? Wow! Hindi talaga ako makapaniwala.
Tumayo si Jasper at lumapit sa amin. Agad namang hinawakan ni Dark ang bewang ko. “Easy. I'm done with her.” Jasper chuckled sexily.
“Still, you used her and I hate it.” mariing sabi ni Dark. Ako naman ay talagang naguguluhan na sa mga nangyayari.
I rolled my eyes at tinanggal ang kamay ni Dark sa aking bewang. Agad naman siyang napanguso kaya narinig ko ang hagikgik ni Penelope.
Oh God! May bata nga pala rito!
Tiningnan ko si Penelope at agad naman niyang tinuon ang atensiyon sa cellphone. I sighed at hinarap ang dalawang lalaki.
“You two. Explain.” mariin na sabi ko. Umiling si Jasper at naunang magsalita. “The first time I saw you with, umm her.” turan niya kay Kiara.
“Nakaisip agad ako ng plano.” nanatili akong tahimik. “Oo, isang planong hindi maganda.” singit ni Dark na parang matagal na niya iyong ginagawa, bago uminom sa hawak niyang baso.
“Shut up!” asik ni Jasper at lumingon muli sa akin. “You know...Kiara and I had a thing bago mo ako makilala. Nagulat nga lang ako noong nilapitan ko kayo sa Jollibee ay sinakyan niya ang kagaguhan ko. Pinlano ko talagang makipag kilala sa'yo para lalo siyang mainis, pero dahil nga ganoon rin ang ginawa niya mas lalo akong nag pursigi na lapitan ka.” sabi niya.
I crossed my arms over my chest. “I love her, I mean it. Pero noong isang araw kasi na makita ko siyang may kahalikang iba I got mad.” he sighed heavily.
“I didn't listen to her explanations. I got carried away, hindi ko alam na binastos at pinilit lang pala siya ng ex niya kaya...” nag tiim bagang ako.
“Kaya ano?” sa wakas ay nakapag salita na rin ako. “I kiss someone infront of her, w-we almost did it infront if her. I was d-desperate that day to have my revenge on her.” nagsimula nang manubig ang aking mga mata.
Narinig ko rin ang pagbigat ng paghinga ni Dark. “Hindi ko na naisip ang mararamdaman niya. Umalis siya, tumakbo papaalis habang umiiyak.” nakayukong pinagpatuloy ni Jasper ang kuwento.
“At k-kahapon ko lang rin nalaman na she's pregnant with me pero nawala ang baby namin noong araw na itinaboy ko siya.” napawak ako sa aking dibdib nang marinig ko ang nabasag niyang boses.
Hindi ko kailanman inaasahan na may ganitong lalaki na kayang umiyak dahil lang sa babae. I wonder kung ganito rin si Dark? Ah baka bumigay agad ako.
YOU ARE READING
Taming the Wild Waves Rivera Series#2
RomanceZyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niya nagawang kumuha ng kursong nais niya, ang architecture. Nang magkaisip ay naturuan agad kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano...