WAVE ONE

13.8K 209 33
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE ONE


Nang makarating kami sa dalampasigan ay madilim na. Napagod ako, sobrang daming huli. Pakiramdam ko ay mananakit kinabukasan ang katawan ko.


"Oh? Ano? Kaya pa ba?" ngisi-ngising tanong sa akin ni kuya Yson. "Syempre ako pa ba?" nakangisi ko rin namang tugon.


Tumulong ako sa pagbababa ng mga timba. Kadalasan sa aming huli ay tulingan at alimasag. "Kuya ano ano pa ang huli niyo?" napatingin ako sa babaeng nagtanong non.


Si teacher Eloiza at kasama niya ang mga bisita kanina sa paaralan. Nakapalupot sa bewang niya ang braso nung Trayvon.


Pati yung Dark, may kasama ring babae na maganda, maputi, sexy at mukhang modelo. Napaiwas ako ng tingin at napaisip, bagay kaya sa akin ang mga ganoong suotan?


Bahagya akong napailing. Malamang sa malamang ay hindi.


Wala na sana akong balak na sila ay pansinin pero huli na ako dahil nabanggit na ni teacher Eloiza ang pangalan ko.



"Teacher Zyreen? Oh my god! You're here? Don't tell me kasama ka nila?" maarteng sabi nito. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila kaya bahagya nalamang akong tumango.



Ramdam ko na rin tuloy ang mga tingin ng mga taga Manila. Mabilis kong kinuha ang parte ko sa nahuli, isang timba rin iyon.


Nagpa alam ako na hihiramin muna ang timba dahil wala akong dalang lalagyan, pumayag naman sila. Bukas nalang daw nila ako bibigyan ng pera kapag naibenta na diyan sa palengke.


Bitbit ang timba na mabigat ay dahan dahan akong umalis doon pero ramdam ko parin na may nakatingin sa akin.


Umiling nalang ako at ipinagsawalang bahala iyon. Kung namamangha sila ay dapat lang pero kung kinakaawaan nila ako...sa kanila na iyon dahil kahit kailan ay hindi ko kailangan non.


Habang papauwi ay nadaanan ko nanaman ang mansion. Sa kubo non ay maraming tao, mga taga Manila yata ang iba rito dahil narin sa nagkalat na sasakyan.


Pinagmasdan ko sila at sinuring mabuti. Puro sila mga nag iinuman at nagtatawanan, napaisip tuloy ako kung ganito lang ba talaga ang ginagawa nila araw araw rito sa isla paano pa kaya sa Manila?


I shook my head but before I could even walk napahinto ako dahil sa biglaan niyang pagsulpot.


"Wanna join us?" tanong nito sa baritonong boses. Dali dali akong umiling, I can't look at him directly in his eyes.



Pakiramdam ko ang kaninang nanghihina ko ng katawan ay mas lalo pang nanghina dahil sa presensiya niya.



"Mauna na ako." sabi ko habang hindi manlang ito dinadapuan ng tingin. "You're a teacher right?" pahabol na tanong nito bago pa man ako makalagpas sa kanya.



"Yes." pormal kong sagot. "Then why are you still going with them? You know it's dangerous for a girl like you going with them lalo na at ginagabi." sabi nito.



Pinigilan kong hindi maitirik ang mata. Pinagdududahan ba niya ang mga taong matagal ko nang kilala?



"Sorry Mr. Rivera but those people are not what you really think. Halos isang dekada ko na silang kilala at nakakasama..." sabi ko.



He chuckled. "I'm sorry, you can't blame me.. just look at you." he scan me from head toe. Napataas naman ang kilay ko roon.



"Whatever Mister. Mauuna na ako." sabay talikod ko rito. Bastos na kung bastos pero nabastos rin naman ako sa ginawa niyang pagtingin niya sa kabuuan ko.


Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now