TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY
“Hey Pen, calm down.” lumapit sa kanya si Star at hinaplos haplos ang balikat nito. “Mas mabuti pa umupo muna tayo para magkalinawan.” sabi ulit ni Star.
May napansin tuloy ako sa kanya. Biglang nawala ang pagiging conyo girl niya.
Inalalayan niyang maupo si Penelope at ako naman ay marahang nakasunod sa kanila. Nang maka upo na kaming lahat ay nag punas ng pawis si Star kahit wala naman.
“Okay so what's meron ba talaga sa inyong dalawa?” tanong niya, okay bumalik na siya sa pagiging conyo girl niya.
Pinahid ni Penelope ang kanyang mga luha sa mukha. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapag salita, gusto kong mag sorry pero...bahala na.
Lumipas ang tatlong minuto wala ni isa sa amin ang nakapag salita. “Okay, so ate...ano nga pala ang gusto mong i say sa akin?” tanong ni Star sa akin.
Lumunok muna ako bago magbuka ng bibig. “U-um...actually a-about talaga ito kay.” I look at Penelope.
“Penelope.” sabi ko. Now her swollen eyes are looking at me. “What about me?” tanong niya sa malamig na tono.
Naiintindihan ko siya kung bakit siya ganito, pero nagulat lang ako dahil nalaman niya agad ni hindi ko pa nga naibubuka ang bibig ko.
She's indeed a smart girl.
“Like what Star said earlier...sinabi niyang magkamukha tayo. A-at first wala lang sa akin dahil nga hindi naman imposible na wala tayong kamuha.” sabi ko habang pinag lalaruan ko ang aking mga daliri sa ilalim ng lamesa.
“P-pero nitong isang linggo lang...my parents confess to me na anak ako sa iba ng aking ina.” nagsimula nang manggilid ang aking mga luha.
“Then I ask her k-kung sino ang tunay kong ama. S-she said that my father's name is Patrick Suarez.” nagkukuwento ako pero hindi ako makatingin sa kanilang dalawa.
“So what do you mean?” rinig ko ang pag singhot ni Penelope habang sinasabi iyon. “That you're here t-to break the bond between my family?” sarkastikong aniya.
Agad akong umiling. “Hindi ko intensiyon 'yon, p-pumunta ako rito dahil gusto ko lang makita ang tunay kong ama. Don't worry kung 'yan ang sa tingin mo ang balak ko hindi naman talaga ako magpapakita sa kanya. I just want to see his face...t-that's all.” this time nakatingin na ako sa kanya at umiiyak na rin.
She shook her head at mas lalo pang humagulgol. “S-sorry, sorry hindi ko naman talaga balak sabihin 'yon. I-i'm just mad and worried at the same time. A-ayokong mag away silang dalawa.” napatigil ako sa sinabi niyang 'yon.
Tila yata bumaliktad ang mundo, kanina lang ay galit siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko.
“No, I understand. Pasensiya ka na, pero may request lang sana ako. Can you at least give me a picture of him? Pagkatapos no'n lalayo na ako. Hindi niya rin naman alam na may anak siya sa dating sekretarya niya.” desperada kong sabi.
YOU ARE READING
Taming the Wild Waves Rivera Series#2
RomanceZyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niya nagawang kumuha ng kursong nais niya, ang architecture. Nang magkaisip ay naturuan agad kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano...