TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-THREE
Kumunot ang noo ko sa itsura ni Kiara. “Nasaan ka ha!?” sigaw na naman niya. I was about to speak ngunit napigilan ako dahil biglang tumabi sa kanya si Penelope.
Kinabahan tuloy ako na baka naroon din si Dark. Hindi pa akong handa na makausap o makita manlang siya. “Bakit hindi kita ma contact?” pagalit pa rin na sabi niya kaya nadako ang atensiyon ko kay Kiara. Nag baba ako ng tingin.
“Kia, n-nasa Los Angeles ako.” malumanay na sabi ko. “Hindi pa ba sa'yo sinasabi nila auntie Mona?” tanong ko rito.
Kita ko ang gulat sa kanyang mukha nang mag angat ako ng tingin sa kanila ni Penelope. “Hell, I thought...ugh! Akala ko si uncle lang hindi ko alam na kasama kayo ni auntie Kleya!” asik niya at tinampal tampal pa ang kanyang noo.
“Oh e kumusta naman r'yan? Ang sabi sa akin ni mommy sa bahay raw ni uncle Liam kayo tutuloy? Gosh Zyreen! Bakit ka nagdedesisyon ng ganiyan?” inis na sabi niya.
“Kiara, hindi mo ba naisip na kailangan ko rin 'to? Kailangan kong magpakalayo, paano nalang kapag nalaman nilang buntis ako at si Dark ang ama? Nakasira pa ako ng kasal.” sabi ko at umayos ng upo sa kama.
“Ewan ko sa'yo, bahala ka! Basta ang mahalaga ay okay ka lang at ang baby. Alam na ba nila?” tanong niya.
“Oo, isang tingin pa nga lang sa akin ni mama alam na niya. Pati iyong tungkol kay Dark, sinabi ko na.” ani ko.
Sandaling katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin iyon. Tiningnan ko si Penelope at Kiara. They're looking at me na para bang awang awa sila sa akin at the same time ay disappointed.
“Pinuntahan ka ni Dark sa akin.” napatigalgal ako sa sinabing iyon ni Kia, una palang naman talaga ay may hula na akong pupuntahan niya ako once na mapansin niyang ang tagal ko, ewan ko ba basta naramdaman ko lang. Napabuntong hininga ako.
“Pagkatapos kitang ihatid sa terminal naabutan ko siya rito sa pintuan ng condo ko.” pagpapatuloy niya.
“He's asking for you. Gusto ko siyang sigawan at sampalin dahil sa relasyon nila ni Remedy, pero hindi ko magawa. Alam mo kung anong sabi niya?” nanggilid ang aking mga luha.
“Hindi na raw niya kayang mag hintay kaya pinuntahan ka na niya, ang sabi niya may sasabihin ka raw sa kaniya hindi raw niya maiwasang kabahan at...ma excite.” humagulgol na ako dahil ro'n.
I can imagine him saying those while smiling. Dark is a cool man, pero kapag napalapit ka sa kaniya may iba ka pang matutuklasan sa pag katao niya.
Nakokonsensiya ako at the same time napapanatag na malayo na ako sa kaniya.
“At first hindi ko siya sinagot at sinabi ko nalang na umalis na siya pero gaga ka! Akala ko pagbubuhatan ako ng kamay no'n! Umigting palang yata ang panga niya ay nadulas na ako, sinabi kong nasa Zambales ka!” aniya. Gulat akong napatingin sa kaniya.
“A-anong nangyari? Anong sabi niya?” nauutal kong tanong. “Wala siyang sinabi. Mukha lang siyang galit at nasaktan pagkatapos ay umalis nalang bigla.” sabi niya.
Napapikit ako at napahilot sa akin sentido. “Sigurado akong pinuntahan ka no'n sa Zambales. Kaya nga masyado ang tawag ko sa'yo para makibalita pero hindi mo naman sinasagot!” sumbat niya ulit.
YOU ARE READING
Taming the Wild Waves Rivera Series#2
RomanceZyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niya nagawang kumuha ng kursong nais niya, ang architecture. Nang magkaisip ay naturuan agad kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano...