TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-SEVEN
"Magiging ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Kiara mula sa loob ng kotse niya. "Oo naman. Kung magtatagal ka ay baka magtagal na rin ako sa loob." sabi ko sa kanya.
"Sandali lang naman ako. May kakausapin lang, sige mag ingat ka ha. Tawag ka kapag tapos ka na." sabi nito bago tuluyang iwanan ako sa harap ng mall.
Huminga ako ng malalim. This is my first time na pumunta sa mall ng walang kasama. Kaya ko naman ito, medyo naninibago lang syempre at wala naman ganitong gusali sa Zambales.
Pumunta ako sa super market. Ang balak ko lang naman talaga rito at mamili ng mga pagkain para sa condo at para na rin sa mga pinag lilihian ko.
Tulad nalang ng mangga at avocado. Doble ang ingat ko sa paglalakad. Sobrang nakakapanibago sa pakiramdam pero kailangan, para sa anak kong wala pang kamuwang muwang.
Humila ako ng isang pushcart para doon ko ilalagay ang mga pinamili ko. Sabi ni Kiara ay babayaran na lang raw niya sa akin pero hindi na ako pumayag.
Malaki naman ang naging pasahod niya at nakapag padala na rin naman ako ng pera kila mama kaya hindi na kailangan.
Pumunta muna ako sa bilihan ng mga ulam. Kumuha ako ng dalawang tray ng itlog, isang litrong bote ng toyo at patis, isang kilong sibuyas at bawang, kumuha na rin ako ng isang plastik ng kamatis.
Dumiretso rin ako sa mga frozen foods at kumuha ng mga pwedeng ipang breakfast tulad ng bacons at hotdogs.
Maging ang karne ng baboy at manok ay hindi ko pinalampas. Syempre hindi lang puro pang breakfast ang kinakain namin ni Kiara.
Pagkatapos kong mamili ng mga pagkain namin sa condo ay dumiretso agad ako sa mga prutas.
At doon nagningning ang aking mga mata nang makita ko ang mga sariwa pa na prutas. Kumuha agad ako ng kalahating kilo ng avocado at mangga.
Kailangan ko pa ring magtipid, baka maubos na wala sa oras ang aking sahod. Dumiretso rin ako sa bilihan ng fresh milks.
Ito ang bilin ni Kiara at ng doctor. Para daw magkaroon rin ng gatas ang mga dibdib ko, mahirap daw kasi kapag maagang nawalan ng gatas ito kapag tapos kong ipanganak ang baby.
Bukod sa makukulangan sa sustansiya ang bata mahihirapan pa raw kaming painomin ang bata sa bote.
Dalawang bote ng fresh milk ang kinuha ko. Ayaw ko ng pabalik balik pa kaya kahit ayaw ko pang gastahin nang gastahin ang pera ko ay mukhang mapapasubok ako.
"Tol! Alin ba ang mas masarap dito?" dahil nandito ako ngayon sa bilihan ng mga liquid drinks ay malapit lamang ako sa mga istante ng alak.
Rinig ko ang pamilyar na boses na iyon kaya hindi ko maiwasan ang pag angat ng aking ulo. "Jasper?" tanong ko nang mamukhaan ang taong nasa gilid ko.
Nakatalikod ito sa akin kaya nang marinig niya ang tinig ko ay agad itong napaharap sa gawi ko.
"Zyreen!" halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata na agad namang napalitan ng excitement.
Agad niyang ibinigay ang alak sa kasama at lumapit sa akin. "Hindi ko alam na dito ka rin namimili." sabi niya.
I smiled. "Actually ngayon lang ako rito." sabi ko sa kanya at napatango naman siya. "So um..." tumingin ako sa kanya.

YOU ARE READING
Taming the Wild Waves Rivera Series#2
RomanceZyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niya nagawang kumuha ng kursong nais niya, ang architecture. Nang magkaisip ay naturuan agad kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano...