TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-ONE
Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse ni Kiara habang pinupunasan ang aking mga taksil na luha.
Rinig ko rin naman ang pagsakay niya kahit hindi ko siya tinatapunan ng tingin. “Zyreen! Anong nangyari? Anong sabi no'n?” sabi niya at tinanaw pa ang restaurant sa labas.
Umiling ako sa kaniya. “Umuwi nalang muna tayo. Tapos pwede bang pakihatid ako sa terminal? Uuwi na rin ako sa Zambales.” dire-diretso kong sabi habang nanginginig pa.
Marahas siyang nagbuntong hininga. “My gad! Zyreen! Hindi ko maintindihan kung bakit nag kakaganyan ka pero sige! Uuwi tayo pero kumalma ka! Ang bata Zyreen! Ang bata!” inis na sigaw sa akin ni Kiara.
Kaya kinalma ko ang sarili ko. Alam ko namang ayaw niya lang mapahamak ang baby dahil sa naranasan niya kaya naiintindihan ko.
Nang makauwi kami ay nasa elevator palang tumutunog na ang aking cellphone. “Zyreen...hindi mo ba sasagutin?” tanong ni Kia pero umiling lang ako.
Mabilis akong nagtungo sa aking kuwarto, kailangan kong magmadali sa pag iimpake dahil alam kong kaagad akong pupuntahan ni Dark rito.
Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na namalayan nakasunod pala sa akin si Kiara. “Zyreen, hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang iyan? Gumagabi na oh.” sabi niya pero wala na akong pake.
Ang nakatatak nalang sa aking isip ay mailayo rito ang anak ko. Kung hindi nga ako mahal ni Dark at puro palabas lamang ang lahat ng iyon...
Alam kong darating sa punto na pag aagawan namin ang anak ko. Tulad nalang ng mga napapanood ko sa telebisyon.
Gagawa sila ng kontrata kung saan kapag nanganak na ang babae ay papalayasin na nila ito at iiwan sa masamang ama ang anak.
And that's the power of money.
“Please Kiara. Support me with this.” nauutal na sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama.
“Tell me first kung ano ang nangyari at nagkakaganyan ka?” tanong niya. Sandali akong natigilan pero agad rin namang nakabawi.
“Si Remedy...” sabi ko habang sinasara na ang aking lumang maleta. “She told me that she's already engaged with Dark.” sabi ko at tinayo na ang maleta.
“Ang matcho dancer na iyon!” nagulat ako sa biglaan niyang pag sigaw. “Nako iyang mga lalaki talaga na iyan! Kapag natapos na sila sa atin iiwan nalang tayo basta!” tumayo siya sa kama at lumapit sa akin.
“Dapat nga lang talaga na umalis ka na rito! Hindi ako makapapayag na gawin kang kawawa ng dalawang iyon!” mas gigil pa siya sa akin habang sinasabi iyon.
“Halika na! May mga bus pa naman sa ganitong oras.” sabi niya habang tumitingin sa kanyang relo.
Siya na ang naghila ng maleta ko papunta sa elevator at habang naroon kami ay wala paring tigil sa pagtunog ang aking cellphone.
I was about to silent it pero bigla itong tumigil. Mas kinabahan ako nang maisip na baka papunta na iyon rito.
Tiningnan ko ang mga text niya habang papasakay na kami sa sasakyan.
Dark:
Hey are u okay? Wala ka pa rito.
Dark:
YOU ARE READING
Taming the Wild Waves Rivera Series#2
RomanceZyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niya nagawang kumuha ng kursong nais niya, ang architecture. Nang magkaisip ay naturuan agad kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano...