Athena's POV
*Burps* Sobrang sarap pala kumain lalo na kung alam mong ayun na ang huling kain mo sa buhay. Namiss ko tong Crab in Chili. Tapos na rin kumain ang dalawang kapatid ko.
"Meron ba kayong papel at ballpen jan?" Basag ko ng katahimikan.
"Para san? Kasama ba yan sa orasyon mo? Hindi ka na ba Katoliko?" Nasampal ko nalang ang noo ko. Ano bang akala nitong si Artemis, may sinasamba akong nilalang and yung way of praise is through sniffing and writing?
"Baka pwede akong gumawa ng sulat para sa mga kaibgan ko. I mean, mamatay na ako dba? Baka pwedeng mag last words muna ako." Seryoso ako. Tutal hindi ko naman alam kung ano ang mga susunod na mangyayari, mabuti nang gumawa na ako nito.
-
Nandito na kami ngayon sa Twin Lakes. After namin mag lunch, napagusapan nila na dito dumerecho. Inorder-an din nila ako ng kape na ngayon ay iniinom ko habang nagiisip ng maisu-sulat. Lumayo muna ako sa dalawa para mag hanap ng peace of mind.
Madami akong sinulat. Lahat ng kaibgan ko ay buong puso kong ginawan ng liham. Pati yung mga paboritong kong teacher noong highschool ay hindi ko pinalampas. Inisip ko kasing mabuti kung sino ang mga importanteng tao na dapat ipagpasalamat ko sa kung anong meron ako ngayon. Matapos ang pagsusulat, Umunat ako ng braso ko at pinagmasdan ang napaka gandang tanawin. Taal Volcano.. Tuluyan na akong bumigay sa pagmangha ng kalikasan.
Kung ngayon na ang katapusan,
Ala-ala ko sana'y magiwan ng magandang karanasan
Sa mga taong nag mahal at nagmalasakit
na dulot ng hindi minsan ay nawakasan
Ang guhit ng ngiti sa labi kong sawi..
Paalam sa inyo.. ito na ang huli kong awit.
"What happened to you sa loob ng dalawang taon? Nagbago ka na ba ng relihiyon? I know you're dumb and helpless but I never imagine you can turn out to be this worst." Gulat ko sa sinabi ni Artemis. Chismosa to. Bakit mo ba laging sinisira yung moment ko?
"Ina-appreciate ko lang ang buhay. Etong taal. Hindi rin ako nagbago ng religion so stop thinking I am weird." Pinaglaruan ko lang tong lighter na hawak ko. Hindi ko alam but I like playing with fire tuwing kinakabahan ako or may bumabagabag sa isip ko.
Tumunggo ako sa trash bin para itapon ang cup ng pinaginum-an ko ng kape. "You are weird matagal na. And just so you know, pwede mo nang itapon or sunugin ang lahat ng sinulat mo. Kalat lang to and unnecessary." Apollo said. I can see him looking sa mga sinulat ko.
"You wouldn't understand me Apollo. Wala ka pa sa bingit ng kamatayan kaya hindi mo naiintindihan ang sinabi ko." Nilapitan ko sya and grabbed all letters na nasa kamay nya.
He let me do it and hindi sya pumalag. "How stupid.. naniwala ka talagang papatayin ka namin?"
"Yung papatay sayo parating palang. Wag kang excited Athena. If I were you, matagal na kong naghahanda. I wil try my best to call out the demon inside you." he added.
"I fear my own demon Apollo. Umabot yung takot na yun sa puntong ayaw ko nang lumaban dahil walang kasiguraduhan kung saan mapupunta ang magiging aksyon ko." Matapang ko yun binitawan upang isampal sa kanya. Sa totoo lng hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. May masabi lang din yung sinabi ko.
Nang biglang may nagtext sa cellphone ko.
Dala ko pala to? Anak ng tokwa! Kung alam ko lang na dala ko to, kanina pa ko humingi ng tulong.From: munggo
"Hey.. Date with family?"
BINABASA MO ANG
63
Teen Fiction63 FM An Online Radio platform who calls for its own members. • • • - - - • • • 6 dots , 3 dashes Athena, a normal college girl as she thinks for herself. She walks into the journey of finding out why the "63" FM chooses her to be its own member.