Athena's POV
"Like I said, Isa ako ngayong Exchange student dito sa France. Bago pa ako mapadpad dito, isa lang akong simpleng binatang nakatira sa probinsya na walang ibang pangarap kung hindi ay agad na makapagtrabaho sa Maynila. Gusto kong makatulong sa aking mga magulang dahil ramdam ko ang hirap nila. Hindi ako naging mabuting Anak kung iniisip nyo dahil hindi ako tumutulong sa mga gawain sa palayan namin. Madalas 'kong inuubos ang oras ko sa paglalaro kasama ang mga barkada ko. Tipikal na batang lalaki kung titignan nyo. Wala talaga akong pangarap sa buhay bukod sa matupad ang hinihiling ng aking Ina na makapagtapos ng pagaaral. Isang bagay lang ang hiniling nya sa akin... Isa akong stupidong binata na hindi marunong tumupad sa pangako."
Kasalukuyan ako ngayong nakikinig sa boses ni POOPIE o mas maayos siguro kung Kenji nalang ang tawag ko. Ngayon ko lang narinig ang boses ng malanding lalaking ito. Naalala ko pa noong unang salta ko dito sa FM, "Welcome Baby Girl" ang kalandiang bumungad sa akin at galing ito sa kanya. Hindi maganda ang first impression ko sa kanya kaya bibigyan ko s'ya ng pagkakataon to prove himself.
"Basketball ang buhay ko. Pag gising sa umaga, sipol agad ng mga barkada ko ang naririnig ko. Hudyat yun ng pagsundo sa akin patungong court. Mabilis ako laging nawawala sa paningin nila Mama at Papa dahil alam kong uutusan lang ako pag nakita ako. Araw-araw ay nakikipag patintero ako sa mata nila. Hindi sa pagmamayabang ngunit kilala ang team namin sa probinsya namin. Sumasali kami sa kahit anong mabalitaan naming palaro sa lugar. Hanggang sa dumating ang araw na espesyal. Para sa akin, sa kaibgan ko at para narin sa pamilya ko. May mga representatives galing Maynila na naghahanap ng potential players ng Unibersidad nila. Natuwa ako nang malaman ko iyon at mas nagpursigi sa paglalaro."
Basketball. Naalala ko si Kuya Apollo. He is a great shooting guard. Hindi ko alam pero pag naa-alala ko si kuya, may halong inis at lungkot sa puso ko.
"Hawak ko ang pangako ko kila mama na magtatapos ako ng kolehiyo, minabuti kong husto at nag t'yaga upang makapag-iwan ng magandang impresyon sa respresentatives sa darating na palaro. At dahil sa pagtya'tyaga na iyon, malaking responsibilidad ang naiwan ko sa bahay. Dumating ang araw ng nagkasakit si Papa, hindi gaano kalala ngunit nagdulot yon ng kakulangan ng taong maghaha-hati sa trabaho sa aming palayan.
Humingi sa akin ng tulong si Mama noong panahon na iyon kung kaya't paminsan minsan ay nagtutuon ako ng oras sa palayan. Sa pag daan ng mga araw, pansin ni Mama ang pagod na dinala ko. Tinanong nya ako kung kaya ko ba ang gawain sa palayan. Agad kong ibinalita sa kanya ang darating na palaro at may malaki akong chansang makuha at makapag aral sa isang Unibersidad sa Maynila gaya naman itong pagod ko ay dulot ng pinagsabay na pag tra-trabaho at page-ensayo. Sobrang saya ni mama noong narinig nya ang sinabi ko. Naalala ko pa kung gano nya ko hatakin dali-dali palayo sa maputik na palayan. Pagtapik sa braso ko at ngiti ang naibigay nya nang sabihin nyang mas ilaan ko sa pagba-basketball ang oras ko.
Hindi nagtagal, sumapit na ang araw ng palaro at hindi ako nabigo na makakuha ng scholarship sa Unibersidad. Ilang linggo lang ang makalipas, agad akong nagtungo sa Maynila dahil ayon sa pagu-usap ng Papa at iba pang kamag-anak, sa bahay ako ni Lola titira.
Kagaya ng inaakala ko, magisa lang si lola sa malaking bahay na naipundar nya noong araw. Hindi ko maisip kung bakit hinayaan nila ang matandang mabuhay ng magisa dito.
Hindi naging mahirap sa akin ang malapit kay Lola. Matanda na ito ngunit alam kong sabik sa apo, madalas itong nakikipagusap sa akin. Lahat ng kwentong maisip nya ay lagi kong pinapakinggan. Siya ang nagluluto ng aking makakain at kung minsan ay pinagbabaun-an pa ako nito. Siya rin ang nagaayos ng gamit ko para sa pag pasok at ni minsan ay hindi ko ito narinig magalit sa katamaran ko.
BINABASA MO ANG
63
Teen Fiction63 FM An Online Radio platform who calls for its own members. • • • - - - • • • 6 dots , 3 dashes Athena, a normal college girl as she thinks for herself. She walks into the journey of finding out why the "63" FM chooses her to be its own member.