Chapter 10: Competition

18 2 0
                                    


Athena's POV

Nakapamewang na Apollo at Artemis ang nakaharang sa daanan namin ngayon. Akala ko umuwi na sila matapos nila akong iwan sa Twin Lakes kanina. Kasalukuyan sila ang nasa dulo ng pila ng Horseback riding.

"Kaya pala may maingay. May mga batang naligaw sa Tagaytay. Ano yan Tina? Squad Goals?" tingin ni Artemis ang sumampal sa akin.

Patuloy lang ang pag lakad ni Jonas at nangmapansin namin iyon ay iyon din ang ginawa namin. Nilampasan namin ang kambal kong mga kapatid at dumerecho sa Entrance ng zoo.

"Bago po tayo mag proceed sa zoo, picture po muna dito." bati sa amin ng staff at sinensyasan kami na pumwesto sa tabi ng unggoy na plastic. Sumunod naman kami.

Dalawa kami ni Jonas ang magkatabi sa lapag at kanya kanya namang pwesto ang mga kaibgan namin.

"Sir, Ma'am, kasama po ba kayo? Dito po tayo." Nilingon namin ang kausap ng staff.

"No."
"Yes."

Sabay na banggit ni Jonas at Apollo na halatang naguluhan ang staff.

Bahagyang umupo sa tabi ko si Apollo. Inakbayan nya ako at sumenyas ng Peace gamit ang daliri nya. Wala na kaming nagawa dahil narinig na namin ang tunog ng camera.



Nasa unahan namin ang mag best friend na si Cy at Jordan na patuloy ang pagpicture sa mga isdang nasa aquarium.

"Why are you two here?" lingon ko kay Apollo na nagbabasa ngayon ng description ng isda na nasa aquarium. Nilagpasan ako ng kambal at naiwan akong nakatanga.
"Why do you still bother to talk to them?" kanina pa iritable tong si Jonas. May regla ka ba? Hindi na rin nya ako hinintay sumagot at at tumuloy na sa paglakad.

Ngayon ay pinanunuod ko ang dalawang lalake na mahalaga sa buhay ko. Ang best friend ko at ang kuya ko. I know you wouldn't believe me na they used to be friends. Playing console games sa bahay and eating a same sandwitch from end to end.

"Nostalgic?" Akbay sa akin ni Rhett. Sabay ang paglakad namin at titig sa likod ng dalawa naming kasama. "Sayang lang kasi. Sobrang Anti-social ni Jonas dati and sobrang saya ko na hinayaan nyang maging kaibigan nya si Apollo." sagot ko sa kanya. "Ang friendship parang lobo na may tubig sa loob." eto nanaman ang kakornihan nya. Ayaw ko na please. Nagmadali ako sa paglakad upang hindi na marinig ang sasabihin ni Rhett. Pagod na ang tenga ko.

"Hey! Ask me kung bakit!" hatak neto sa braso ko. "bakit?" walang buhay kong sagot. "Friendship is protected with a very thin layer called trust. And when a sharp object called betrayal comes into the picture, it will pop out and all the water or memories will flow out of it as if it was never been part of the whole." Seryosong sabi ni Rhett at kininditan ako habang tumatalon pang palayo sa akin.

"ooops! Sarry." sabi nito sa nabangga nyang si Jonas.
"ooops! Sarry not sarry!" sabi nya naman kay Apollo na halatang binangga nya rin.

Bakla nga ata.

"What were you talking about with Rhett?" Hintay sa akin ni Jonas na ngayon ay kasabay ko na sapag lakad. "Tunkol sa pagkakaibigan. The moment a sharp object comes into the picture, the water will pop out." Sagot ko na ikinakunot ng noo nya. Gets mo? "Ha?" hindi ko na pinansin ang tanong nya.

"Buhay pa ba to? Bat hindi gumagalaw?" Napahinto sila Cy sa paglalakad at humarap sa nakadisplay na isang uri ng tarantula.
"Peke ata yan eh! Tignan mo tong buong isle, hindi nagalaw lahat parang plastic lang." sabi ni Jordan na nakadungaw rin sa sa salamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

63Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon